Sapphire's POV.
"ANO?" pasigaw na tanong ni Jamie nang sinabi ko sa kanya ang ginawa ni Hanz.
Tumango-tango ako. "Grabe siya, jam! Magkapatid kami pero ang dali-dali sa kanya para halikan ako!" mangiyak-ngiyak kong sumbong dito.
"Ehh?" ngiwi niya. "Sapphie, hindi pa naman kasal ang mga magulang niyo. One more thing, that's okay. You are not blood relatives, anyway."
"Kahit na! Iba parin ang sasabihin ng ibang tao. Dahil ang tingin nila samin ay magkapatid na—–
"Bakit? Nagpa-broadcast ba si tito Herman na ang magiging asawa niya ay ang mama mo?" wika nito at sinabayan pa ng iling. "Wala ka talaga, saph. If you are in love you should not listen to other people's grievances––"
Sinapak ko nga siya. "Tumigil ka nga, naririndi na ako sa'yo!" sigaw ko sa kanya, kung anu-ano na kasi ang pinagsasabi.
Nasa canteen kami ngayun dahil lunch hour pa naman.
"Rindi?" nakangisi nitong saad. Inirapan ko nalang siya at nauna ng naglakad paalis do'n.
Lumipas ang isang linggo, kung saan ito na ang pinaka-hinihintay ng lahat. Ang J's prom. Lahat naghanda na para sa gaganapin ngayung gabi, ngunit imbes na makihanda ako, naka-upo nalang ako sa ilalim ng puno habang nagbabasa ng kung anu-ano. Wala rin naman kasi akong alam pagdating sa ganyan na mga okasyon.
"Hey!" halos lalabas ang kaluluwa ko nang biglang sumulpot si Hedrix sa may harapan ko.
Tiningnan ko siya ng masama. "Ginulat mo ako!" pasiring kong anas.
"Oh, I'm sorry."
"Okay. So, bakit ka nandito ngayun?"
"Do you have anything to do now?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala naman. Hindi ako pamilyar sa ganitong okasyon kaya hindi ko alam kung saan o ano ang gagawin ko."
"Ohh?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Just come with me. We are going somewhere."
"Saan naman?"
"Basta. You will also find out later. Also, I'm probably the only one who knows about such things, as you said." aniya at nauna ng maglakad palayo.
Napa-iling nalang ako hago tumayo at sinundan siya. "Hintayin mo 'ko!"
BUONG byahe ay tahimik lang kami hanggang sa nakarating kami sa jen-jen's Pharmacy. Naunang bumaba si Hedrix, bababa na sana ako ng naunahan niya akong magbukas ng pinto.
Nagtaka man ay bumaba na rin ako. "Salamat."
Ngumiti siya sa'kin at tumango. Sinuri ko ang kanyang mukha. "May mali sayo ngayun, ah?" wika ko habang papasok na kami sa pharmacy.
"What is that?" tanong niya.
"Alam mo ba ang salitang gentleman?" tumango naman ito. "Oh, feel ko ganyan ka ngayun, eh. Napaka gentleman mo. May nakain ka ba?" tanong ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Nothing. I just want to do that thing to you."
"Hm, okay!" tanging anas ko dahil nakarating na kami sa parlor. "Parlor?" nagtataka kong tanong. Tumingin ako kay Hedrix, tumango lang siya at nginitian ako.
"Hedrix, himala at napadalaw ka?" bungad nung babae samin, maganda at sexy ito. Formal na formal din ang datingan, halatang mayaman.
"Yeah. Please fix her, we will have J's prom later, so she must be beautiful." wika ni Hedrix.
"Okay, I promise you it will be better than you expected later." sagot ng babae, saglit siyang tumingin sa'kin at agad din namang tumingin kay Hedrix. "By the way, your girlfriend? " bago pa makasagot si Hedrix ay agad na akong sunod-sunod na umiling.
![](https://img.wattpad.com/cover/252036696-288-k843241.jpg)
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...