Sapphire's POV.
Tahimik ang lahat na para bang hinintay lang kung sino ang mag salita ng isa sa'min.
"E-ehem!" tikhim ni Clyde ang nakapagpukaw ng lahat.
"S-sabrina, what are you doing here?" pag-uulit na tanong ni Hanz kay Sabrina 'kuno'.
Agad akong napatungo sa pinggan ko. Kahit na nawalan ako ng ganang kumain ay pinilit ko pa rin ang sariling tutukan 'yon.
"Yeah. I told you earlier that i was going, right?" dinig ko'ng sagot ni Sabrina.
"Sapphire," agad akong napaangat ng tingin kay Kyle nang tawagin niya ako.
"Hm?" tanong ko sa kanya.
"I have something for you." aniya at inabot sa'kin ang chocolate.
Kung hindi niyo natanong, galing kasi siya sa U.S at hindi ko alam na pupunta din pala siya dito.
Dahan-dahan ko itong tinanggap, ngumiti ako sa kanya pero 'di ko parin maipapakita ang sincerity mula do'n. Ewan, biglang gumuho ang mundo ko nang 'di ko man lang alam.
"S-salamat." saad ko rito.
Nagawi ang paningin ko kela Hanz, nakakapit na si Sabrina sa braso ni Hanz na parang okay na ulit sila. Samantalang kanina, parang hindi pa sila gaano ka-okay.
"Hindi mo nagustuhan?" tanong ni Kyle.
Tumingin ako sa kanya at agad na umiling. Ayaw ko rin naman na ma-dissapoint siya.
"Hindi, ah, what I mean is, sobrang nagustuhan ko 'to. Ito nga ang favorite ko 'diba? Chocolate," itinaas ko ito at ipinakita sa kanya na nagustuhan ko talaga. "Salamat ulit dito, ah!"
"Basta para sa'yo, I'll do everything just to make you happy." asik niya habang nginitian rin ako pabalik.
Hindi ko alam pero nang mapadaan ang tingin ko kay Hanz, kitang-kita ko sa kanyang mata ang galit. Hindi ko mapangalanan ito dahil pakiramdam ko halo-halo. Nakakailang ang way ng kanyang titig sa'kin, pakiramdam ko kailangan kong mag-apologize sa kanya.
"E-excuse me," asik ko at tumayo. Hindi ko kayang makipagtitigan sa mata ni Hanz. "Cr lang ako," saad ko bago tinungo ang Cr.
Pagdating sa cr kaagad na akong naghilamos. Pilit kong pinakiramdaman ang sarili ko. Bakit parang kakaiba? Bakit parang mas tumagal ay may nadagdag na kakaiba sa'kin?
Tinitigan ko ang sariling repleksyon sa salamin at muling naghilamos.
"Hindi. . .hindi totoo ang mga naisip ko." bulong ko at sunod-sunod na umiling.
Walang dapat na ma-confirm, hindi dapat.
Naalala ko ang mukha ng babaeng kakarating lang. Oo, maganda siya. Kapag ikompara ko ang sarili ko, feeling ko down na down ako. Babang-baba ako sa sarili ko. Lalo na kapag naisip ko na pati si Hanz nasa kanya na rin.
Agad akong napailing. Mali, maling mali ang naramdaman ko kaya dapat ngayin palang pigilan ko na 'to.
PAGLABAS ko ng CR ay nagulat ako sa nakita kong nasa hamba ng pintoan ng cr.
"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko pero agad din akong umiwas ng tingin sa kanya.
"I just wanna——"
"Babe!" naputol ang dapat na sasabihin ni Hanz nang dumating 'yong Sabrina.
"B-babe, why are you here?" tanong ni Hanz sa kanya.
"Ahm, mag-cr. Oh, you look so familiar! You were at Hanz's table earlier, right?" baling niya sa'kin.
Tumango ako sa kanya at agad na umiwas ng tingin nang tumingin si Hanz sa'kin.

BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...