Chapter 11

1.2K 49 8
                                    

Sapphire's POV.

May pinuntahan pa si Jamie kaya hintayin ko nalang siya sa labas. Pero habang naglalakad ay hindi ako mapakali, pakiramdam ko may nakasunod sa'kin.

"Ehem!" tikhim ko.

Agad akong lumingon, pero laglag ang balikat kong bumalik ulit sa paglalakad.

Siguro naging paranoid na ako masyado na kahit na naglalakad may kakaiba na akong naramdaman.

"Girls, get her!" may bulong akong narinig. Kaparehong-kapareho no'ng nasa CR ako.

"Shit! Hindi na maganda 'to!" bulong ko.

Pero bago pa ako makalayo sa lugar na 'yon ay may humawak na sa dalawa kong braso, tsaka may naglagay din ng panyo sa aking bibig.

"Hmmmm!" pilit akong kumawala sa mga kamay nila, ngunit dahil sa napagtulungan ako kaya wala akong nagawa.

Nakarating kami sa isang pamilyar na lugar. Tinanggal na rin nila ang panyo na nakalagay sa aking bibig pero patuloy parin sila sa paghawak sa braso ko. Agad kong inilibot ang aking paningin.

"CR?" dismayang tanong ko. Wala naba silang ibang alam na lugar kundi dito lang palagi sa CR?

"Yes, dear!" napatingin ako sa may familiar na boses, at hindi nga ako nagkakamali na si ynah 'yon. "I think, you know me already." astig niyang wika.

Binalewala ko ang kanyang sinabi. "Bakit niyo ba ginawa sakin 'to?"

"Nope, its just fun. Masaya ka palang PAGLARUAN!" 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong tingin mo sakin, isang laruan?" inis kong sabi. "Bitawan niyo nga ako. Hindi na kayo nakakatuwa!"

"Akala mo ba natutuwa rin ako sa pagmumukha mo dito sa Krystal University? Your nothing but a little mess, Sapphire! At ipaalam ko lang sa'yo na ako ang queen dito——"

"Wala akong pakialam sa pagiging queen mo! Kaya, pwede ba, pakawalan niyo na ako!"

"Sino ka para sundin namin?" Nang-aasar niyang anas. "Na guidance ako nang dahil sa'yo." Good for you naman.

"Kami rin, muntikan nang mapatawag parents namin."

"True!" sang-ayon ng dalawa at mas lalong diniinan ang kanilang koko sa braso ko. Nakaramdam ako ng hapdi kaya sigurado akong magkapasa ako nito bukas.

"And also, first time naming makagawa ng punishment. Right, girls?" wika ni Ynah na sinang-ayonan naman ng dalawa.

Para lang silang aso na sunod-sunoran sa lahat ng iutos ni Ynah. Nakakaawa.

Ngumisi ako. "At hindi lang 'yan ang aabutin niyo kung hindi niyo ako pakawalan! May pangalawa pa." sabi ko. "Sa tingin niyo, sa ginawa niyong 'to sakin hindi kayo ulit ma guidance?" pananakot ko sa kanila.

"Okay, let see kung hanggang saan ang tapang na meron ka. Girls?"

Agad akong napapikit nang maramdaman ko ang malagkit na dumapo sa mukha ko pababa sa uniforn ko. At hindi lang malagkit, sobrang baho pa.

Dahan-dahan kong idinilat ang aking masakit na mata. May dalawang babae na hindi pamilyar sakin na may hawak ng balde.

"Oh, what should it feel?" Pang-aasar ni Ynah.

Wala ng nakakapit sa braso ko kaya hinawi ko ang malagkit na bagay sa aking mukha.

Nginisihan ko ulit siya. At ang galing sa mukha ko na malagkit na bagay na nakuha ko ay itinapon ko sa kanyang mukha. "Ayan, binigyan kita para malaman mo kung anong feeling. Ngayun, ako naman ang magtanong sa'yo. What should it feel?"

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon