Chapter 30

1K 47 1
                                        

Sapphire's POV.

"Ma, s-sino si Krystal?" tanong ko habang dahan-dahang humakbang papunta sa kinaroroonan nilang dalawa ni Jamie.

"Si Krystal--"

"I just told her about Krystal, Sapphie. Sabi ko na magkamukha kayo no'ng Krystal na kilala ko, Right, Tita?" aniya.

Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni mama, ngunit kalaunan ay tumango siya bilang sang-ayon sa sinabi ni Jamie.

"Y-yeah, she's right," ani mama.

Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi nila. Pwedeng sinakyan lang ni mama ang sinabi ni Jamie.

"Sino si Fendinand?" kunot-noo ko paring tanong.

Nag-iba naman ang hiltsa ng mukha nila. Lalo na si Jamie, pero kaagad siyang tumayo at ngumiti sa'kin.

"Pag-usapan natin 'yan sa ibang araw, Sapphie. Sa ngayon, Tita needs a rest. Para tuluyan na siyang makarecover at makalabas dito sa hospital."

Napahinga naman ako ng malalim. Tama siya, kailangan pa ni mama ng pahinga.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Sige, aalis na muna ako, ma. Bibili ako ng makakain mo," saad ko at hindi na hinintay ang sagot nila.

No'ng akala kong tuluyan ng nawala si Mama sa'kin, kaya pala dalawa ang kabaong dahil ang isa ay driver ni Tito. Kaagad namang ipinadala ang kabaong sa pamilya nila sa probinsya.

NAKAUWI na si mama, pero nagtaka ako dahil dito pa rin kami sa bahay nila Hanz umuwi. Wala naman kaming narinig mula sa kanila na papaalisin na kami sa bahay na 'to.

Nakahiga ako ngayon sa kama habang nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na bumuntong hininga. Hanggang ngayon 'di pa rin ako kumbinsido sa pinagsasabi nila Jamie kanina.

Naguguluhan ako sa pagkatao ni Krystal.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya agad na akong bumangon, ngunit nang makarating sa kusina ay kaagad rin akong napatigil.

Seryosong nakatingin si Hanz sa gawi ko, kaya imbes na magtago ay awkward akong ngumiti sa kanya.

"A-ahm," napakamot pa ako sa batok. "K-kukuha lang ako ng tubig," hindi ako makatingin sa kanyang mata.

Wala naman syang imik kaya dumeretso ako sa ref at kumuha ng mineral water. Akmang aalis na ako, ngunit sa pangalawang pagkakataon, napatigil naman ako dahil nasa likuran ko na siya at nang magkaharap kami ay kaagad na nagtagpo ang aming mata.

"H-hanz, bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Tch, bakit ko ba ginagawa ang bagay na 'to," umiling pa siya, ngunit na sa'kin pa rin ang kanyang paningin. "Bakit ang hirap mong galitin? Iba ka talaga,"

"H-hanz, pwede bang---" hindi ko na nagawang paalisin sya dahil kaagad na syang lumayo.

"You're different," bulong pa niya bago kinuha ang baso sa mesa at tuluyan ng naglakad paalis.

Napapilig nalang ako sa ulo ko tsaka uminom ng tubig.

Masyado ng magulo ang buhay ko, dumagdag pa siya.

KINABUKASAN inaya ako ni Jamie na mag shopping daw. Ito na ang time para magtanong ako sa mga bagay-bagay na gumulo sa isip ko nitong nakaraan. Hindi pa kami nag-usap ulit ni mama simula no'ng nakauwi siya galing hospital.

Saglit akong nagpaalam sa kanya at agad na sumakay sa kotse ni Jamie.

"Ito, gusto mo ba 'to?" tanong niya sa'kin habang itinaas ang isang dress na above the knee. Kulay red Ito at may tali sa may bewang.

"Hindi ako marunong mamili ng mga ganyang klase ng damit," asik ko na kaagad naman siyang napasimangot. Ibinalik niya sa pagka-hanger ang dress.

"Inaya kita dito para bilhan ka ng mga damit," may pagtatampong aniya.

"Tss, may mga damit pa naman ako,"

"Kahit na, gusto ko paring bilhan ka," pagpilit niya.

"Bahala ka," walang nagawa kong saad.

Gaya ng sabi niya, binilhan nga niya ako at siya ang namili. Pagkatapos mag mall ay sa coffee shop naman kami pumunta.

Habang naghintay sa order ay nagtanong na ako. "Sino si Ferdinand?" hindi makahintay kong tanong.

Hindi naman nag-iba ang expression ng mukha niya, normal lang ang kanyang galaw, hindi kagaya no'ng nasa hospital.

"Alam ko na magtanong ka sa'kin nyan ngayon," saad niya.

"So, sino nga? Pwede mo na ba akong sagutin?"

"Daddy siya ni Krystal," saad niya at umiwas ng tingin.

Pagbanggit palang niya sa pangalan ni Krystal ay agad na akong natigilan.

"So, p-papaanong kilala ni mama 'yang Ferdinand na sinasabi mo? Bakit iyon ang narinig kong binanggit ni mama? At tungkol sa pagkawala ng alaala ni mama, ano ang mga 'yon?"

"Sapphire, gusto kong ikaw mismo ang makasagot sa mga tanong mo na 'yan," aniya.

"Pero Jam, kailangan ko ng sagot. Masyado na akong naguguluhan nitong nakaraan."

"Sapphire, Wala akong karapatan para magsabi sa'yo ng mga 'yan."

"Pero bakit pinigilan mo si mama? Baka kung hindi--"

"Krystal?" agad na nabaling ang atensyon namin sa isang lalaking hindi familiar sa'kin. Isang lalaki na kaparehong-kapareho lang ng edad ni Tito Herman.

"T-tito," mahinang sambit ni Jamie. Nilingon naman siya ng lalaki at puno ng pag-alala ang tingin niya dito.

"Jamie, hija. Are you together?" tanong niya kay Jamie. Hindi pa nakasagot si Jamie ay bumaling ulit ang tingin niya sa'kin. "Krystal, where's your mommy? Magkasama na ba kayo? I'm so glad that your back!" lumapit siya sakin at akmang yayakap pero agad ko siyang pinigilan gamit ang dalawa ko'ng kamay.

"Hindi ako si Krystal," walang pakundangan kong saad sa kanya. "At hindi kita kilala," asik ko at kasabay ng pag-iwas ng tingin sa kanya.

"Hindi! I know yoy, kilala kita dahil anak kita." pamimilit nya. "Jamie, bakit nagkaganito? What happened to Krystal?"

"Tito, k-kailan ka pa nakabalik?" ani Jamie at tumayo.

"Ngayon lang at mabuti nalang nakita ko kayo," masayang sambit ng lalaki na sa tingin ko ay siya 'yong Ferdinand na tinutukoy nina mama at Jamie.

"Welcome back, Tito." ani Jamie at yumakap.

"Aalis na ako," pagpaalam ko, pero agad akong niyakap ng lalaki pagkatayo ko. "E-excuse me, po." saad ko, ngunit hindi nakinig ang lalaki. Naramdaman ko ang kanyang pangungulila, pero meron paring problema, hindi ako si Krystal.

"Namimiss kita, anak,"

Iwan ko pero, na feel ko sa kanyang yakap ang pagiging ama. Feeling ko, kahit na sa sandaling yakap niya ay napunan ang pangungulila ko kay papa.

"Krystal, salamat at bumalik na kayo ulit sa'kin," bulong niya.

"Pero hindi po ako si, K-krystal." nanghihina ko'ng saad.

"Krystal, matagal ko na kayong hinintay. Sana naman, 'wag ganito. Nasaktan ako sa mga lumabas na mga salita sa iyong bibig," kumalas siya sa pagyakap sa'kin. "Alam ko na ikaw si Krystal, hindi ko alam kung ano ang nangyari at hindi mo ako nakilala. Pero hayaan mo akong magpakilala sayo, Anak ko. Ako si Ferdinand Bellavery, Your father." pagpakilala niya sa'kin kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha sa kanyang pisnge. "Sorry dahil hindi ko kayo nakita agad. I'm sorry, my little princess."

Pagbanggit niya sa huling katagang sinabi niya ay parang piniga ang puso ko. Nakaramdam ako ng pangungulila.

Namimiss ko na si papa.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon