Chapter 39

878 48 2
                                    

Krystel's POV.

"Mom, natatakot ako,"

Pagkarating namin dito sa hospital ay agad na inasikaso ng mga doctor si Krystal. Dinala nila agad ito sa E.R (Emergency Room) dahil malala na ang lagay ni Krystal na siyang mas lalong nagpadagdag sa takot ko.

Lahat kami ay hindi mapakali sa kinatatayuan. Kung pwede lang sanang pumasok sa loob ay ginawa na namin, pero hindi.

"Damn! It's all my fault!" dinig kong sabi ni Hanz.

I felt guilty. Ako naman kasi ang may kasalanan. Pero hindi oras ng pagsisihan ngayon, ang importante ay maayos at buhay si Krystal. Iyon ang importante sa lahat.

"Walang may kasalanan sa mga pangyayari, hijo."

"Kundi ako lang," putol ko sa sasabihin ni daddy.

Tiningnan ko sila isa-isa. Ito na ang pagkakataon para manghingi ako ng tawad sa kanila sa lahat ng mga nagawa ko.

"I'm sorry, mom, dad. Sorry dahil naging masama ako. Sorry dahil, hindi ko prinotektahan si Krystal, kumbaga ginawan ko pa siya ng masama." paghingi ko ng tawad sa kanila. Sunod ko'ng tiningnan sina Hanz at Hedrix. "And also, for you two. Gusto ko'ng manghingi ng tawad dahil sa pagpanggap ko bilang si Krystal. Alam niyo naman na sa panahong 'yon, w-wala ako sa tamang pag-iisip. T-tanging iniisip ko lang ay ang makaganti." nautal ko'ng saad. kasabay ng pagtingin kay Kyle. "Kyle, I'm sorry. Sorry dahil sa matagal na panahon niluko kita. Niluko kitang ako si Krystal. Pero believe me Kyle, minahal kita. At dahil sa pagmamahal na 'yon, g-gusto ko na tuloy maging si Krystal. Dahil lahat nalang ng tao na nakapaligid sa'kin, si Krystal ang bukambibig. Kaya, i-im sorry. Tama naman si Krystal, 'e, Pwede ko'ng baguhin ang sarili ko at sa paraang 'yon, makilala ako ng mga tao bilang ako at hindi bilang ibang tao." huli kong tiningnan si Jamie. "At para sa'yo, Jam. Malaki ang nagawa kong kasalanan sayo. 'Yon ay dahil pa rin sa inggit. Nainggit ako dahil tayong dalawa ang unang naging kaibigan. Pero sa mga panahong naaksedente kami ni Krystal, siya parin ang niligtas mo. Pero sa lahat ng ginawa mo, ngayon ko lang na-realize na ang laki ng tulong ng ginawa mo. Na dapat sa simula palang nagpasalamat ako dahil sa ginawa mo. Nagpasalamat ako dahil pareho kaming ligtas. Kaya, Jam. I-im sorry. S-sorry sa mga nagawa ko. Sorry kung naging masama--"

Agad akong napatigil sa pagsasalita nang bigla niya akong niyakap. Nakakamiss. Namiss ko ang mga yakap ni Jamie. Yakap na walang halong plastic, dahil lahat totoo.

"It's okay, Krystel. Naiintindihan kita. Alam ko ang naramdaman mo." aniya at dahan-dahang kumalas.

Pagkalas niya ay agad ko namang naalala ang ginawa ko kina Hanz. Dahil sa wala ako sa tamang pag-iisip, pinabugbog ko pa sila.

Tiningnan ko ang mga pasa sa mukha ni Hanz, pati na rin kay Kyle.

"Tch!" tanging sambit lang ni Hanz.

Lahat kami halos salubungin na ang doctor na papalapit sa pwesto namin. Malamya ang kanyang mata habang tiningnan kami isa-isa.

"Are you Krystal Bellavery's family?"

"Yes po, doc." sagot ni mommy sa doctor.

Agad naman siyang napatango-tango.

"Ginawa namin ang lahat---"

"Doc, 'w-wag niyong sabihin na w-wala na ang kapatid ko?" putol ko sa sasabihin ng doctor dahilan para mapatingin siya sakin. Agad na tumulo ang isang butil ng luha ko. "Doc, please. I will pay you big, just so that nothing will happen to my twin sister." mangiyak-ngiyak kong saad habang hinawakan ang kanyang dalawang kamay.

"Everything is alright, miss." sabi ng doctor dahilan para mapahinga ako ng maluwag.

"K-kung gano'n, m-maayos na ang kapatid ko, a-asan na siya doc?"

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon