Chapter 43

1.1K 48 7
                                    

Hanz' POV.

"P-pero bakit hindi ka nagparamdam? Bakit hindi mo ako pinuntahan? Bakit sa loob ng siyam na taon, Wala akong balita sayo?" Sunod sunod niyang tanong.

"Cause I'm busy planning for our future." I said.

Yes, that's it. Sa loob ng 9 years na hindi ako nagpakita, may rason ang lahat.

At isa sa mga rason ay 'yung pagkamatay ni Mommy. Lugmok na lugmok ako. And, I don't know what I'm supposed to do. Kung puntahan ko ba si Sapphire o hindi.

Buong linggo, naging balisa ako. Sinisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon na makapag-explain si Mommy. At kung hindi dahil sa'kin, hindi na depressed si mom. Kung hindi dahil sa'kin, buhay pa siguro si mommy at magkasama pa sila ng matagal ni Henz.

"Hanz..." rinig ko'ng tawag nila sa labas. "Si Sab 'to. Can we talk?"

Gaya nga ng sabi ni Sab, nandito kami ngayun sa coffee shop. Hindi ko alam kung bakit siya nandito, pero kaya ako pumayag dahil gusto ko'ng humingi ng sorry sa kanya. But that doesn't mean that I will get back with her.

"Hanz, I know what you feel. Pero, hindi ka dapat nagmukmuk. Lahat ng bagay ay may rason, kaya...go with the flow lang. Nakaya mo ngang mabuhay ng wala ang mommy mo noon, eh. Kaya, sigurado akong mas kaya mo ngayun. Dapat mo'ng ipatuloy ang buhay na meron ka. 'wag mo'ng sayangin ang pinaghirapan nina Tita." She said.

And she's right. Nu'ng malibing si Mommy, may abogado agad na kumausap sa'kin. At sinabi niya na sa'kin raw mapunta ang lahat ng mana dahil ako ang panganay. Pero hindi ko tinanggap, I'm just 18. At hindi ko alam kung paano patakbuhin ang kompanya.

"Yeah! You're right." I said habang tumango-tango. "I'm sorry for what happen to us in States. Hindi ko lang alam ang nararamdaman ko no'n, and also, depressed."

"Wala 'yun, Hanz." She said while smiling. "I know you already. Pati pamilya mo, kilala ko. Kaya, kahit na nagkahiwalay tayo, hindi ko naman kayanin na makitang naging ganyan ka at hindi pa kayo naging okay ng mommy mo. Ginawa ko lang ang dapat."

"Thank you, Sab. But I need to go. May asikasuhin lang--"

"Hanz, h-hindi na ba talaga p-pwedeng maibalik ang dati? Hanz, I still love you--"

"Sab, I already told you. Hindi na mabalik ang dati. At kung ano man ang meron tayo noon, noon na lang 'yun. Hanggang alaala nalang na hindi na pwedeng balikan. I'm sorry, sab. But, I already told you this, that...i-i love someone else. And that's Sapphire." I said.

I saw how painful she is. Pero Wala akong magawa. My heart belong to Sapphire, That I don't regret.

Matapos naming mag-usap ay dumeretso na ako sa abogado ni Daddy. I'm 18, at nasa tamang edad naman na ako para i-handle ang ganito. Kaya, gawin ko ang lahat para narin 'pag uuwi na si Sapphire dito, may maipagmamalaki na ako sa kanya.

"Mr. Dempsey." Bati ng abogado ni dad. Nakaupo siya sa mahabang sofa kaya umupo narin ako kaharap niya. "Dahil nandito ka ngayun, it means that your ready?"

Napag-usapan namin noon na kapag handa na ako para sa mana na kailangan ko'ng harapin ay puntahan ko lang agad siya.

"Yes, I'm ready."

Lumipas ang ilang araw ay may nagtuturo na sa'kin para sa business. This is not my course, but I need to do this for my brothers. And also, for my future with Sapphire.

I'll just do this, for her.

I felt guilty because I did not show up to her. But, I just secretly followed her to one of my staff.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon