Sapphire's POV.
"Ni-save ko narin ang number ko d'yan," aniya.
Napa-iling ako bago ilagay sa lap niya 'yon. Taka naman siyang napatingin sa'kin.
"Hindi ko matanggap 'yan. Ayaw ko'ng magkautang sa'yo. Sapat na 'tong binili mo'ng damit para sakin." sambit ko bago ipinag-krus ang kamay.
Baka mapagsabihan niya ulit akong golddigger, wala pa naman akong pera para ibayad agad sa kanya 'pag may masasakit siyang salita na ibato sa'kin.
Tumawa siya, "I bought that for you. And no one else will use that if you don't accept it. Gamitin mo na 'yan para hindi masayang ang ginastos na pera,"
Tama nga naman siya. Masayang lang ang pera kung hindi ko tatanggapin.
"Sige." sabi ko at muling kinuha ang paper bag sa kanyang lap. "Basta kapag manunumbat ka sa'kin tungkol dito sa cellphone na 'to--"
"I will not do that. " putol niya sa'kin. Umirap lang ako sa kawalan at tumingin sa labas.
Siguraduhin lang niya, dahil kapag narinig ko ang sumbat niya, ipakain ko talaga sa kanya 'tong cellphone na bagong bili niya.
NANG makarating kami sa bahay ay nagtaka ako dahil walang mga tao akong nakita. Usually kasi ay palaging si Manang ang una ko'ng makita kapag papasok ako dito sa bahay.
"Nasaan na ang mga tao dito?" bulong ko. Nilagay pa ni Hanz sa garage ang kanyang sasakyan kaya nauna na akong pumasok.
"Pinag day-off ko." Biglang sulpot ni Hedrix galing sa dinning hall, naka-apron din siya.
"B-bakit naman?" tanong ko rito.
"We have to learn housework so for now there are no maids."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang soot na apron. "At para saan 'to?" kahit obvious na kailangan ko paring itanong. Nakakapagtaka lang kasi.
"I told you so, We need to learn homework. At ngayun, nagsimula na ako. I cooked for dinner." he said. Binitawan ko na ang paghawak sa kanyang apron nang makalanghap ako ng mabangong ulam. Sure akong beef steak 'to.
"Oww?" tanong ko. Simpleng ngiti ang kanyang binigay sa'kin at tumingin sa likuran ko.
"Kuya, let's eat! I cook for our dinner." aya niya sa kanyang Kuya. Ramdam ko na ang paghapdi ng aking tiyan bakas na nagsigalawan na ang mga ahas sa aking tiyan kaya nagmamadali na akong pumunta sa dinning.
"Hmmm," ani ko nang makita ang nakahain sa mesa. Tama nga ako, may beef steak! "Beef steak!" pahiyaw ko'ng wika at kinuha ang tinidor at tinikman ang beef steak. "Hmm...ang sarap! Talagang kuhang-kuha niya ang lasa." wika ko at sumubo ulit.
"I know how to do that too. " napatingin ako kay Hanz. Siniringan ko siya at sinubo ulit ang natusok ko'ng beef steak. "Hindi!" sagot ko habang umiling-iling. "I guess, mes masarap itong kay hedrix." Dugtong ko habang ngumunguya.
Nakita ko ang pagtanggal ni Hedrix sa kanyang apron at ngumiti sa'kin. "Thank you." aniya at umupo na. "Sit down so we can start eating." Pormal na pagkasabi ni Hedrix.
"Tss." Hanz.
Tiningnan ko siya ng masama. "Wag kang kumain kung hindi mo gusto." sabi ko sa kanya at uupo sana sa tabi ni Hedrix nang may humila sa braso ko patayo.
"I will sit here." kumag na Hanz talaga. May iba pa namang bakanteng upuan, 'yong akin pa ang napagtripan.
"Arghh!" Inis ko'ng sabi tsaka siya inirapan. Umupo nalang ako sa harapan ni Hedrix at nginitian siya. "Ba't ang pormal-pormal mo'ng kumilos, Hedrix?" tanong ko kay Hedrix habang nagsisimulang sumandok ng kanin.
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...