Chapter 6

1.3K 54 7
                                    

Sapphire's POV.

"Kumain ka na muna hija." ani manang habang inilipag ang kanin at Beefsteak sa may mesa.

Kakaligo ko lang din, mabuti nalang may uniform na naligpit si Manang kaya may nasout din agad ako.

"Salamat po talaga, manang." nakangiti ko'ng wika, kung wala si manang saan na kaya ako napadpad ngayun?

"Walang anuman, hija. Osya, dito ka muna at may aasikasuhin pa akong ibang customer."

"Sige po."

Nang makaalis si Manang ay sunod-sunod ang nagiging subo ko. Kakakain lang namin kani-kanina lang pero ngayun ay nandito na naman ako at kumain.

"Ehem!" tikhim ng kung sino, umangat naman ako at nakita ang mukha ni Hanz.

Walang pasabi na umupo siya sa may harapan ko. Wala talagang modo.

"Anong kailangan mo?" agad kong tanong, kung akala niya nakalimutan ko na ang ginawa niya kani-kanina lang, pwes hindi!

"Tss, hindi mo man lang ba ako ayain para kumain?" aba't! Ang kapal talaga ng mukha niya, lasunin ko kaya siya at nang malaman niya. Hindi man lang marunong manghingi ng tawad.

"O, kain ka," ani ko bago tumayo. Hindi ko pa masikmura na harapin siya.

"Sit." utos niya. Kung makautos naman, animoy walang nagawang kasalanan.

"Busog na ako at wala na akong ibang gagawin." sabi ko. "Nga pala, sasabay na ako kela Jamie mamaya sa pag-uwi. Don't worry, hindi ko sasabihin kay Tito ang nangyari."

"If i said sit. YOU.SIT.HERE!" matigas nitong saad. Napapikit nalang ako't umupo ulit, feel na feel ang pagiging maangas e.

"Ang bilis mo'ng nakabihis, ah!"

"Jamie's looking for you."

Hindi ulit ako kumibo.

"Your mom ask me. Kumusta ka na raw."

Hindi parin ako kumibo.

"Hey, Gold digger woman! Bakit ayaw mo akong kausapin?"

Inirapan ko siya. "Umupo ako rito pero hindi ko sinabi na makipag-usap sayo. Isa pa, hindi ko pa nakalimutan ang mga ginawa mo. Hinding-hindi kita mapatawad, demonyo ka!"

Bigla ay napatawa naman siya pero bigla niya rin itong pinigilan.

"Just think what you want. By the way, hindi dapat umabot 'to kina daddy. Ayaw kong magpatutor."

Ang kapal ng mukha para utusan ako nitong kumag, paano ba 'ko makapag-higante sa kupal na 'to?

"'Yong ginawa namin, 'yon ang pang welcome namin sa'yo. Don't think too much, baka mawalan ka ng utak, Tss!" dugtong niya at tumayo. "I'm leaving, kung ayaw mong makisabay samin pauwi..its your choice anyway." saad nito bago ako iniwan. Napa-iling nalang ako habang tiningnan siya na naglakad palayo.

Ang bait 'pag nakatalikod, demonyo din naman pala 'pag humarap.

"Sapphire!" agad akong napalingon kay Jamie na humihingal. "God, how are you? Sorry kanina, sapphie. Hindi talaga ako binitawan ng mga babaeng 'yon. By the way, kumusta ka? Hindi ba dumugo ang sugat mo? O, dalhin nalang kaya kita sa ospital. I'm willing to pay the hospital bills para lang walang mangyaring masama sayo." puno ng pag-alala ang boses ni Jamie.

Nginitian ko siya para maipakita sa kanya na okay lang ako.

"Okay lang ako, Jam. 'wag ka ng mag-alala sa'kin." 

"Sure ka? Baka, baka nagpanggap ka lang ulit na maayos ka?"

Umupo siya sa harap ko kung saan naupo kanina si Hanz.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon