Chapter 25

853 44 2
                                    

Sapphire's POV.

KINABUKASAN naging maganda ang gising ko. Tinulungan ko ng magluto si Hedrix. Pagkatapos naming magluto ay sya namang kakababa ni Hanz.

"What dish?" tanong niya agad nang makaupo siya sa kanyang trono.

"Nothings new, still the same." sagot ni Hedrix at umupo narin. Umupo rin ako sa gilid ni Hedrix at nagsimula ng sumandok ng kanin.

Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Hanz. Agad kaming napatingin sa gilid ng kanyang pinggan kung saan nakalagay ang kanyang cellphone.

Tsk, si Sabrina na naman siguro 'yan.

"Excuse me," ani Hanz at pinindot ang answer botton sa kanyang cellphone at kunot na kunot ang kanyang noo habang sinagot ang tawag.

"Hello?. . . yeah, I am. . .what?. . .what happened?. . . Oh fuck! Where is he now? . . . All right, I'm going."

Nakatingin lang kami kay Hanz. Naputol na ang tawag pero gano'n parin ang kanyang itsura. Kunot na kunot ang noo at biglang tumayo kaya nahulog sa sahig ang kanyang mga kubyertos dahilan para gumawa ng ingay.

"A-anong nangyari?" takang tanong ko. Binigyan niya lang ako ng blankong tingin tsaka bumaling kay Hedrix.

"I'm leaving, Hed. May importante akong pupuntahan, dito lang kayo at hintayin niyo akong babalik." ani Hanz bago naglakad paalis.

Agad kaming nagkatinginan ni Hedrix.

"Sa tingin mo, ano kayang nangyari?" takang tananong ko sa kanya.

"Donno." kibit balikat niyang sagot. "Sasama ako, dito ka lang." aniya at agad na tumayo.

"Hindi. Kailangan ko ring---"

"Hindi," sagot niya at tumingin sa'kin ng deretso. "Hindi ka sasama, Promblema namin 'to sapphire. Kaya, please, Sumunod ka nalang muna sa ngayon." aniya. napasabunot pa siya sa kanyang buhok bago tuluyang sumunod kay Hanz.

Agad akong nakaramdam ng kaba. Ano kayang nangyari? Anong problema ang sinasabi nila? H-hindi kaya?

Agad na pumasok sa isip ko si mama. Wala siya dito halos mag dadalawang linggo na. Simula no'ng tumawag siya sakin, Wala na akong contact sa kanya. Hindi ko na alam ang kanyang kalagayan.

"Tumigil ka sa kakaisip ng masama, Sapphire! Walang nangyari kay mama, okay lang siya!" sinapok ko pa ang ulo.

Dahil kapag nagyari 'yon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung makakabangon pa ba ako.

"Think positive, Sapphire. Walang masamang nangyari, nagkakamali lang 'yang iniisip mo."

Tumayo ako at hindi na alam ang gagawin. Hindi ako makakapag-hintay sa kung ano ang ibabalita nila Hedrix ngayon. Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman na hindi nga totoo ang nasa isip ko ngayon.

Biglang sumagi sa isip ko ang cellphone, kaya agad na akong tumakbo papunta sa kwarto para kunin iyon. Nang mahawakan ko na ang cellphone ay kaagad ko na iyong kinalikot at ni-dial ang cellphone number ni mama.

"Please, sagutin mo na, Ma."

Nakailang ring na pero wala paring sumagot. Pabalik-balik na rin ang lakad ko sa magkabilang sulok ng kwarto ko habang kinagat-kagat ang daliri.

"Please, please, please!" halos maiyak na ako sa kaka dial. "Please ma, sagutin mo na! Please, nasaan ka na ba, mama?"

The number you've dial is now on attended, please try to call later.

Mangiyak-ngiyak na ako habang tiningnan ang screen ng cellphone.

Umupo nalang ulit ako sa kama. Kahit labag sa loob na maghintay pa ng matagal ay 'yon nalang ang gagawin ko. Wala naman na akong ibang magawa, kundi ang maghintay. Kinabahan at hindi maalintana, sana okay ka lang ma.

Napapitlag ako nang biglang tumunog ang cellphone, kahit na unknown number ang nakalagay ay sinagot ko pa rin ito.

"H-hello?" kinabahan ko'ng sagot.

"[Hello, Sapphire. This is me, Hedrix---]"

"H-hedrix? A-ano ba talagang nangyari? Please sabihin mo na sa'kin para hindi na ako mabaliw sa kakaalala kung anong totoong nangyari,"

"[Nandito kami ngayon sa Airport. pupunta kaming states ngayin. I just called you so you don't have to worry.]" aniya sa kabilang linya.

"S-states? Anong gagawin niyo ro'n, Hedrix? Sabihin niyo sa'kin, may nangyari ba? 'diba nando'n sila mama ngayon? Bakit pabiglaan ang naging desisyon niyo sa pagpunta?" sunod-sunod kong tanong at hindi ko na rin namalayan na unti-unti na palang nagsituluan ang luha sa aking pisnge.

"[Sapphire, hindi 'to ang tamang oras para pag-usapan ang bagay na 'yan. for now, we have to go.]" sabi nito at tuluyan ng binaba ang tawag.

Hindi sila pupuntang states ng padalos-dalos kung walang emergency.

Hindi pwedeng wala akong gagawin. Kailangang may gawin ako.

Kahit na nakausap ko si Hedrix ay hindi ko siya sinunod. Mas lalo lang akong nag-alala sa mga narinig mula sa kanya. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-dial sa kanyang number ngunit hindi na ito ma-contact.

Tulalang napatitig ako sa kawalan, hindi pwedeng may mangyaring masama kay mama. Kailangan ko pa siya, kailangang kailangan.

Lumipas ang ilang oras ay napag-isipan ko ng bumaba na muna at naabutan ko naman doon sina Jamie at Kyle.

"Sapphire," tawag kaagad ni Jamie sa'kin. Ngunit mababakas sa kanyang mata ang galing sa pag-iyak dahil sa pamumula nito.

"A-anong nangyari?" nanginginig ang labing tanong ko sa kanilang dalawa. Pilit na pinipigilan ang sariling hindi maiyak.

Iba ang dahilan ng pagpunta nila rito, at iba ang dahilan ng pag-iyak ni Jamie. Iba!

"Y-you don't know what happen?" nag-aalangan niyang tanong sa'kin.

Umiling ako. "H-hindi, h-hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko. Kanina p-pa ako naghintay ng tawag nila Hanz para makibalita, b-bakit, a-ano bang nangyari?"

"I receive a call kanina, and then, it's Hedrix." sunod-sunod na tumulo ang kanyang luha. "Tito Herman is gone, Sapphire. W-wala na siya,"

Iilang salita niya pa, ngunit kaagad na akong nawalan ng lakas. Napaupo sa sahig at pilit nilabanan ang sarili.

"S-si Mama? K-kumusta siya? Maayos lang ba siya, Jam?" hindi ko na inalintana ang luhang dumaloy sa aking pisnge. "Jam, sagutin mo 'ko please, p-please sabihin mong okay lang si mama? J-jam, h-hindi ko kaya! H-hindi ko talaga kaya kung m-may mangyari kay mama, h-hindi ko matanggap,"

Tiningnan ko siya sa mata pero kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ay ang kanyang pag-iling.

Mas lalo akong nanlumo. Napailing at hinawakan siya sa balikat. "Hindi, walang nangyari kay mama, diba? N-nagbibiro ka lang Jam, 'diba? J-jam, please sabihin mong nagsinungaling ka lang."

"Sapphire," hinapit niya ang ulo ko sa kanyang dibdib pero agad akong kumawala.

"S-sabihin ko kung ano ang nangyari kay Mama, Jam!"

"S-shes gone."

's-shes gone.'

's-shes gone.'

's-shes gone.'

's-shes gone.' parang sirang plaka ang pandinig ko. Nagpaulit-ulit ang boses ni Jamie sa pandinig ko.

Hindi. Hindi ko matanggap na wala na si mama. Panaginip lang 'to. Sana panaginip nalang ang lahat.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon