Sapphire's POV.
KINABUKASAN hindi ko na hinintay sila Hanz at Hedrix. Ayaw kong makasabay sila dahil natakot ako na baka tutuhanin ng dalawang 'yon ang planong pagpatay nila sakin. Paranoid na kung paranoid basta alam kong safe ako wala na akong pakialam.
Nang makarating sa school ay agad ko ng hinila si Jamie.
"Hoy! Anong nangyari sa'yo at makahila ka, wagas!" Reklamo niya habang hila-hila ko siya. Napatigil kami sa paglakad nang bumitaw siya. Nang tingnan ko siya ay napatakip na siya sa kanyang bibig. "Dont tell me, tungkol parin 'to sa kagabi?" gulat niyang tanong.
Agad akong umiling. "H-hindi, kasi——"
"Ano? May iniiwasan ka ba?"
Dahan-dahan akong tumango. "Oo, may gustong pumatay sakin. At utang na loob ayaw ko pang mamatay!" Nanginginig kong saad, siya naman ngayun ang nanghila papunta sa canteen.
Nang makaupo na kami ay saglit siyang nag-order ng makain namin. Hindi pa pala ako kumain kanina.
"So? Sino nga ang nagbanta sayo?" usisa niya.
"A-ahh, hindi ko pa sigurado, pero basta! Alam ko na may plano siyang patayin ako. Tingnan mo nga, Jam. Demonyong-demonyo siya sakin, pero biglang bumait! Natakot ako sa kanya! Feel ko kahit na anong oras ngayun ay puntahan niya ako at patayin!"
Natakot talaga ako kay Hanz. Demonyo siya para sakin kaya kahit isang ngiti lang ang ibigay niya sakin, ma-cre-creepehan na ako.
"Paranoid." sabi nito at humalukipkip. Dumating naman ang kanyang in-order kaya hinintay lang namin itong matapos maglagay ng orders namin sa mesa. Mukhang wala ata si manang Des.
Sinamaan ko nga siya ng tingin. "Anong tingin mo sakin baliw? Jam, hindi mo man lang ako kampihan? Natatakot ako," sabi ko at kinuha ang tinidor at tinusok ang beef steak at kinain.
"Tss, i guess your just hunger. Teka, hula ko..hindi ka kumain no?"
Agad akong napatingin sa kanya. "Hindi nga gutom 'to! Oo, hindi ako kumain pero, pero ano 'e, may plano talaga si Hanz——"
"So si Hanz pala?" pagkumperma niya.
Agad akong napatakip ng aking bibig at lumaki ang mata. "H-hindi——"
"Sus, i know Hanz, hindi niya kayang pumatay ng tao." wika niya't nagsimula nang kumain.
"Totoo nga ang sinabi ko." pagmamaktol ko pa.
"Tss, bumait na nga ang tao pinag-isipan mo pa ng masama. Kumain ka na nga." aniya habang tinuro-turo pa ang tinidor sakin.
Umirap ako sa kanya at kumain na rin. Wala, hindi naniwala si Jamie sakin.
Nang magbill na ay agad na kaming pumunta sa classroom. Pumasok ang proffesor namin sa first period.
"Listen class!" panimula niya. "May magaganap na program, that's J's prom. And also, after that program is weekends. it means walang klase. At simula ngayung week ay walang ayos na klase. Ang gawin niyo nalang ay mag-review sa mga subjects niyo. CLASS DISSMISS!" wika ni prof bago lumabas ng room.
Lahat ay agad na naghihiyawan. Inusog naman ni Jamie ang kanyang upuan palapit sa'kin.
"May laro ng basketball mamaya sina Hanz. Ano, manood tayo?"
Agad akong napatigil at sunod-sunod na umiling. "Ayaw ko, ayokong manood. Uuwi nalang siguro ako——"
"Hindi. sasama ka sakin. Don't worry, reresbakan natin 'yan si Hanz kapag may ginawa siyang masama sayo." aniya. "O sige ka, uuwi ka 'diba?" tanong niya na tinanguan ko. "Hindi kita ihatid, at ayaw mo rin sa taxi, kaya mamili ka ngayun, sasama ka sa'kin, o uuwi ka na mas lalong delikado."
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...