Sapphire's POV.
"Ready na ba ang mga gamit niyo?" tanong ni Clyde.
"Yeah, we're ready." si Aimee na ang sumagot.
"So tara na!"
Kanya-kanya kami ng buhat ng mga gamit namin. Except kay Sabrina na patuloy parin sa pagpulupot sa braso ni Hanz.
Tsk! Parang lintang hindi mahiwalay, amp!
"Gano'n parin ang pwesto natin no'ng pumunta tayo dito." ani Cedrick.
Nagsitanguan naman sina Jamie at agad na sumakay sa kotse ni Hedrix.
Napatingin ako kay Hedrix na nakatingin din sa'kin. Lumapit siya sakin.
"Saan ka sasakay?" tanong niya nang makalapit siya. Lumingon ako kay Hanz, doon ko naman balak, 'e. Pero mukhang hindi rin ako sa kotse niya dahil agad akong tinaasan ng kilay ni Sabrina at padabog na sumakay sa kotse ni Hanz.
"Hmm, 'di ko alam." kibit balikat ko'ng sagot sa kanya.
Hindi ko naman talaga alam. Sabi ni Cedrick sa dating gawi lang, pero bakit ngayon hindi? Nakakahiya namang makisakay sa magjowa.
"If you want, just stay in my car. Kasya pa naman tayo do'n---"
"No need, Hed. I have a car, doon nalang sasakay si Sapphire." sabat ni Kyle.
"Ahm, sa kotse nalang ni Kyle ako sasakay, Hedrix. Siya lang naman mag-isa ro'n." nakangiti kong anas at pumunta na sa kotse ni Kyle.
Nang tuluyang makapasok ako sa kotse ni Kyle ay agad ko'ng tinanaw si Hanz na inayos ang mga gamit nila sa likod ng kanyang kotse.
Medyo sanay na ako kay Hanz kaya siguro naging ganito ako. Tumingin siya sa gawi ko pero agad rin siyang umiwas ng tingin at pumasok na sa kanyang kotse.
"Hm, pwede na ba tayong umalis?" nakangiti niyang anas habang inayos ang kanyang seatbelt. "Isuot mo na ang seatbelt mo," utos niya na sinunod ko naman.
Buong byahe lang kaming tahimik, walang ni-isa sa'min ang bumasag sa katahimikan. Nakatingin lang sa labas at nagmuni-muni.
"Your so beautiful." biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Hanz no'ng nasa dagat kami nu'ng gabing 'yun.
"You are beautiful, kind. And no matter how hard I try to get angry with you, I can't really do it. A-ano bang meron sayo Sapphire at hindi ko magawang magalit sa'yo?"
Ano nga ba? Ano rin bang meron kay Hanz at naging ganito ako ka apektado 'pag may kasama siyang iba?
Iba rin kasi si Hanz, 'e. ngayon may mga sasabihin siyang kakaiba na hindi ko maintindihan. Pero bukas, hindi na. Ganyan ba siya lagi? Parang sinasabi lang niya na gusto niya ako ngayon. Pero bukas iba na dahil may mahal na siyang iba.
Hindi ko talaga siya maintindihan.
"Sapphire," agad akong napabalik sa wisyo ng magsalita si Kyle.
"Po? I mean, ano?" taranta kong sagot.
"Paano kung may amnesia ka lang ngayon? Paano kung may minahal ka na dati, pero ngayong ikaw si Sapphire ay may mahal kang iba. Who will you choose, the present or the past?" tanong niya na ikinakunot ng aking noo.
Ito pa, pangalawang nanggulo sa isip ko si Kyle? Ano ba talagang gusto nilang iparating?
"Hindi kita maintindihan, Kyle? Ano ba kasi ang pinupunto mo?" naguguluhan ko'ng tanong.
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...