Sapphire's POV.
Matapos kong linisin ang sugat ay humiga narin ako sa malambot na kama. Malambot ang kama, pero hindi naman kasing lambot nitong kama ang puso ng may-ari.
KINABUKASAN maaga akong nagising. Balak kong pumasok kaya naligo na ako at inayos ko ang sugat ko. Hindi na masyadong masakit, hindi rin naman dumugo. Nang matapos akong magbihis ay agad na akong bumaba. Nadatnan ko sila na nasa dinning lahat, lahat din sila ay napatingin sa gawi ko.
"Morning ma, T-tito." wika ko at lumapit kay mama at hinalikan siya sa pisnge. Hindi pa ako masyadong okay kay Tito kaya nod lang ang ginawa ko.
Ang dalawa naman ay nagpatuloy na sa pagkain. Umupo ako sa tabi ni Hedrix dahil don lang ang may extra na upuan.
"Saan ka pupunta, hija?" tanong ni Tito.
Kumuha ako ng rice at ng beefsteak at nginitian si Tito. "Sa KU Tito. Gusto ko'ng pumasok ngayun."
"Pero, anak. Hindi pa okay iyang sugat mo." nag-aalalang wika ni mama.
"Ma, ayaw ko'ng indain ang sugat na 'to, ayaw ko'ng ma-iwan sa klase."
"Hija..."
"Let her be, dad. Siya ang may gusto niyan ta's nangialam pa kayo." Sabat ni Hanz at tumayo. Hindi ko na pinansin sila at nagsimula ng kumain.
"Kung 'yan ang gusto mo hija, sige. Hedrix isabay mo si Sapphire. Kung may mangyari ulit, tutor na ang pupunta dito sa bahay."
"But dad..."
"Okay, give me my cellphone–"
"Okay fine! Tss, bilisan mo ang kumain. Don't waste our time para lang maghintay sa'yo!" ani hedrix at tumayo narin, napatingin ako kela mama. Ayaw kong magtaxi ulit mag-isa kaya tumayo na rin ako.
"Anak, kumain ka muna."
"'wag na ma, kailangan na naming umalis, baka ma late pa ako." wika ko at agad na humalik sa kanyang pisnge. "I love you, ma."
"Oh, there she is again. 'diba siya 'yun kahapon?"
"Ang kapal ng face. May mukha pa siyang maiharap dito sa Krystal University."
"So gross!"
Napatungo ako sa iba't ibang klase ng bulong-bulongan. Hindi ko na kasama ang dalawa ngayun dahil kanya-kanya na kami ng daan pagkarating dito sa campus.
Nang makarating ako sa dean's office ay pumasok na ako, may nakita akong babaeng nakasalamin. Nakaupo siya sa tabi ng swivel chair ng babaeng nakaharap ko kahapon. Napaangat ang kanyang tingin ng makita akong papasok.
"Good morning po, c-can I ask po kung nasan po si ma'am joy? 'yong secretary po ni ma'am..."
"Ako 'yon, hija. Bakit, may kailangan ka?" tanong nito.
Tumango ako at inabot sa kanya ang papel na binigay ni ma'am emilda kahapon sa'kin.
"So, your the Transfer student?" tanong niya habang tiningnan ang papel.
"Y-yes ma'am."
Tumango siya sakin. May kinuha siya sa table ng dean's office.
"Here." abot niya sa'kin. Tsaka ko lang na realized na isa 'yong uniform. "Wear that, and your section must be...section pearl. Hanapin mo ang room na 'to, nasa third floor ka na assign. By the way, nandoon ang dressing room. Doon ka magbihis." mahabang lintanya ni ma'am joy.
"Maraming salamat, po." Nakangiti ko'ng wika at nagpaalam na sa kanya.
Paglabas ko, gano'n parin. Mukhang hindi na mawala-wala ang bulong-bulongan ng mga estudyante. Todo-straight lang ang paglakad ko habang nakatungo.
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...