Chapter 15

1.1K 43 1
                                    

Sapphire's POV.

"Siya 'yon kagabi, 'diba?"

"Yeah, I think so."

"Siya ang napiling Miss blooming of the night, right?"

"Oo, pero ang alam ko, dapat si Ynah ang nanalo kagabi."

Naglakad na kaming tatlo ngayon papunta sa building namin. Naging matunog ang nangyari kagabi, ang buong akala ko wala ng nakakilala sakin, 'yon pala meron pa rin.

Kasama ko sa paglalakad Sina Hanz at Hedrix. Medyo sanay naman kasi ako dahil 1 week na silang ganyan sa'kin.

Nanatiling nakayuko lang ako habang naglalakad. Nakakahiya rin kasi, lalo na't hindi pala dapat ako ang nanalo kagabi.

Agad akong napalingon kay Hedrix nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat.

"To reduce the feeling of shame." Sagot agad niya kahit hindi pa ako nagtanong.

"Take off your hand, Hed." may pagbabantang asik ni Hanz.

Agad kong binalingan ng masamang tingin si Hanz. Kahit kailan talaga gusto niya siya ang masusunod. Haysst!

Pagdating sa room ay expected na ng lahat ang walang klase dahil nga weekends na. kung sa kanila ay kinasaya nila 'yon, ako naman hindi. Eh kasi naman, makakasama ko ng whole week 'yong kumag! Ayaw ko pa naman na maulit 'yong paghalik niya sa'kin, nakaka-putspa!

"Sapphire!" tawag ni Jamie sa'kin. Galing na dito ang teacher namin, kaya nagtaka ako dahil sobrang late na pumasok si Jamie.

"Oh? Ba't late ka?" tanong ko kaagad sa kanya. Nakasanayan na kasi namin na siya palagi ang naunang dumating sa klase.

"May inasikaso lang." aniya. "By the way, saan kayo ngayong weekend?"

Napa-smirk ako. "Walang pagbabago, sa bahay parin ang bagsak."

"Oh? Hindi kayo magbakasyon?" gulat nitong tanong.

Lumapit na rin si Aimee sa'min, nakiki-usyoso sa pinag-usapan namin.

Umiling ako. "Walang mangyaring bakasyon, siguro sa bahay nalang ako at magpakasawang tumitig sa kisame." bored kong sagot at humalumbaba sa arm chair.

"How about, we're going on vacation in Palawan?" pag-suggest ni Aimee na kaagad namang lumaki ang mata ni Jamie.

Alam ko na ang ibig sabihin niyon, sasama siya sa bakasyon. Edi sila na ang may pera pambakasyon.

"You thought so well, Aimee. Gora ako d'yan sa plano mo." excited na anas ni Jamie. Kaagad namang itong napatingin sa'kin nang mapansin na hindi ako nakisabay sa kanila. "Ikaw Sapphire, ayaw mong sumama?"

Nagkibit balikat ako bago sumagot. "Wala akong budget para sa ganyang okasyon."

"My treat," mabilis na saad ni Aimee. "Lahat ng gastusin, sagot ko na. Oh ano, payag ka na?"

Masaya ako sa suggestion niya, pero knowing kay mama. Hinding-hindi niya ako papayagan sa mga bakasyon bakasyon.

"Kayo nalang muna, paniguradong hindi ako payagan ni mama." asik ko at tumayo na. Gustuhin ko man na sumama sa kanila, basta hindi papayag si mama, ayaw ko parin.

NAKAHIGA ako sa malambot kong kama habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko parin kung dapat ba akong sasama sa Bakasyon. Gusto ko ring maranasan ang magbakasyon 'yong walang ibang iniisip na bagay.

Nabalik lang ako sa ulirat nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ako sanay na may cellphone. Nitong mga nakaraan pilit kong pinag-aralan kung paano at ano ang mga pipindutin. as usual, hindi naman ako masyadong Bobo kaya may natutunan rin ako.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon