Chapter 24

1K 48 2
                                        

Sapphire's POV.

Hindi ko na hinintay na sasama SI Jamie sa'kin o hindi. Nauna na akong umalis sa kanya at mabilis na naglakad nang hindi lumingon.

Bakit ba nakaramdam ulit ako ng ganito? Pilit ko ng iniwasan 'to eh! Ayaw ko'ng makaramdam ng sakit. P-pero, bakit hindi ko ma-control ang sarili ko? Bakit, hindi ko pwedeng turuan ang puso at isip ko na hindi masaktan?

"Sapphire!" tawag ni Jamie sa may likuran ko. Hindi ko siya nilingon, nagpatuloy lang ako sa paglakad.

Nang makalabas na kami sa gym ay pinalis ko ang luhang patuloy na umagos sa aking pisnge.

Stop na, Sapphire! Nakakahiya ka na!

Alas tres na kaya umupo ako sa may lilim ng puno at umaktong hindi ako nasaktan. Hindi dapat malaman ni Jamie kung ano ang totoo kong naramdaman ngayon.

"Alam ko kung ano ang naramdaman mo ngayon, Sapphie," umupo siya sa may tabi ko. Hinayaan ko lang siyang magsalita, hindi ko siya tiningnan o nag-respond man lang. Dahil baka isang salita pa lang, mapahikbi ako. "You can share it with me na, Sapphire. Andito lang ako para pakinggan ka," saad niya.

This time, tiningnan ko na siya. Nanginig ang labing inangat ko ang tingin sa kanya. "J-jamie,"

"Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo, Sapphire. Andito lang ako para damayan ka,"

"J-jamie, bakit nasaktan ako? Bakit ko naramdaman 'to? Bakit sa kanya pa? J-jamie, h-hindi ko na alam kung paano ko i-handle 'to, sa lahat ng tao, b-bakit sa kanya pa na alam ko namang hindi naman talaga kami pwede sa isa't isa?" humihikbing saad ko.

Kahit na pala anong pigil ko, hindi ko kaya. Gaya ng pagpigil ko sa naramdaman ko para kay Hanz.

Inihilig ni Jamie ang ulo ko sa kanyang dibdib. "Gan'yan talaga 'yan, Sapphire. Hindi mo hawak ang puso mo para maturuan na kung sino ang pwedeng mahalin. Hindi 'yan katulad ng isip mo na pwede mo pang baguhin. Dahil 'yang puso mo? Kung titibok 'yan, hindi mo na mabago pa." mahaba niyang litanya.

"Nasasaktan ako, Jam. Dahil bakit sa daming tao sa kanya pa? Bakit kay Hanz pa na step-brother ko? A-at hindi ko naman kayang saktan si mama para lang makuha ang gusto ko,"

Patuloy lang siya sa pagpatahan sa'kin. Lumipas ang ilang oras ay kusa na akong tumahan. Pinalis ko ang luha sa mata ko, pero sakto namang nahagip ko ng paningin ko si Kyle. Katulad no'ng J's prom, gano'n parin ang malungkot niyang mata.

Nasaktan ako, pero, may lihim din palang nasaktan sa mga ginawa ko.

"Pwede mo ba akong ihatid sa bahay?" malungkot ko'ng tanong kay Jamie.

Wala pa akong sapat na lakas para harapin si Kyle. Ayaw ko siyang masaktan lalo pa't nasa ganito akong sitwasyon.

Tumango si Jamie kaya agad na kaming naglakad papunta sa kotse niya.

PAGKARATING namin sa bahay agad nang umuwi si Jamie. Ayaw na raw niyang pumasok dahil may kailangan pa siyang asikasuhin na hindi naman niya sinabi sa'kin kung ano.

Pagpasok ko sa bahay ay dumeretso ako ng cr at naghilamos. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Medyo namaga ang dalawang mata ko dahil sa kakaiyak. Naghilamos pa ako ulit bago lumabas.

Pagkalabas ko ng CR, nakita ko si Hanz na papasok na sa kanyang kwarto. Tinitigan ko lang siya, pero napapitlag ako ng lumingon siya sa gawi ko. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy na sa pagpasok sa kanyang kwarto.



"ANO bang kasalanan ko sa'yo Hanz?" Tanong ko habang nakatitig sa kisame.

Hindi ako sanay na hindi kibuin ni Hanz. Gumulong ako sa kama at naisipan ko'ng puntahan siya at hihingi ng tawad kahit hindi ko naman alam kung saan o paano ako nagkamali.

NAKAHARAP na ako ngayon sa pinto ng kanyang kwarto.

Kakatok kaya ako o kakatok?

Kinabahan man ay kumatok ako. Ngunit wala naman akong marinig na ingay na nanggaling sa loob.

Baka tulog na siya.

"Hanz?" mahina ko'ng tawag sa kanyang pangalan. "Hanz sorry, Sorry kung may nagawa na naman akong hindi mo gusto. Pero sana naman 'wag ganito. Hindi ako sanay na hindi mo ako pansinin. pwede rin na awayin mo ako araw-araw. Basta, b-basta 'wag lang ganito, parang hindi ko kayang ganito tayo---" agad akong napatigil nang biglang bumukas ang pinto at bumungad do'n si Hanz.

Hindi pa man ako naka-recover ay mas nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya at walang pasabing niyakap ako.

"Shh, stop crying. I don't want to see you cry," mahina niyang anas.

Agad ko namang kinapa ang aking pisnge at doon ko lang nalaman na umiiyak na pala ako.

Kahit pag-iyak 'diko na alam.

Kumalas na siya sa pagyakap sa'kin at pinahiran niya ang basa ko'ng mata gamit ang kanyang daliri.

"Pwedeng samahan mo muna ako? I promise that we'll be back before midnight," saad niya na marahan ko namang tinanguan.

GAYA ng sinabi niya, nandito kami ngayon sa rooftop ng building. Kitang-kita mula rito ang mga naggagandahang mga ilaw. Plus, idagdag pa ang maraming bituin na sobrang ganda sa paningin. Bawat hampas rin ng hangin sa aking mukha ay parang kinomfort ako nito sa sakit. Parang sa isang hampas lang ay mabuti na ulit ang aking pakiramdam.

Inangat ko ang aking tingin sa langit at napangiti dahil sa walang pawang na gandang mga bituin. "Ang ganda parin, kahit kailan hindi ko talaga maisip na magsawang tingnan ang mga bituin." mahina ko'ng anas.

Naalala ko ang magkaparehong eksena no'ng nandon kami sa Palawan. Nasaktan din ako no'n pero pinuntahan din ako ni Hanz. At sabay naming dalawang pinagmasdan ang mga bituin.

Tahimik lang si Hanz, ngunit nagulat naman ako nang inihilig niya ang kaniyang ulo sa aking balikat bago inangat ang tingin sa'kin.

"Pwedeng ganito muna tayo, kahit sandali lang?" tanong niya.

DugdugDugdugDugdug!

Naramdaman ko ulit ang pakiramdam na bumilis ang tibok ng puso. At kung noon palagi ko'ng tinatanong kung bakit nalang ako nagkaganito. Ngayon alam ko na ang dahilan.

Tuloyan na akong nahulog sa kanya. Sana nga lang hindi ito patibong na tulad ng sinabi niya noon. Dahil kung oo, tama rin siya, mahihirapan na akong bangonin muli ang sarili.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon