Chapter 27

785 38 4
                                    

Sapphire's POV.

"Sapphire!" sigaw ni Jamie.

Parang nawalan ako ng lakas, parang lahat ng meron ako kanina ay biglang nawala.

Kahit na nawalan na ako ng lakas ay humagulhol parin ako habang nakaupo.

"S-sapphire, bumangon ka na riyan, Ti---"

Patuloy parin ako sa pag-iyak. Hindi ko kayang mawala si mama. Hindi pa ako handang mabuhay mag-isa. A-ayaw ko ng ganito.

"Ma," parang batang sambit ko sa pangalan ni mama.

"Anak . . ." parang biglang nag-echo ang boses ni mama sa pandinig ko.

Hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy sa pag-iyak. Pero agad akong napatigil nang may humawak sa balikat ko.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa may gawa no'n. Parang biglang umatras ang luhang patulo na kanina sa mata ko.

"M-ma?" hindi makapaniwala ko'ng tanong sa kanyang pangalan.

Hindi ako sigurado kaya tumingin ako sa paligid. Tiningnan ko rin si Kyle at si Jamie. Nakatulala sila habang nakatingin kay mama.

"J-jam, nakikita mo rin ba ang nakikita ko?" nakangiti ko'ng wika habang nagpatuloy ulit sa pag-agos ang mga luha sa mata ko.

Tumango siya. "S-so, h-hindi totoo ang balita? Buhay ka ma! H-hindi ba ako nanaginip, ma?" hinawakan ko ang kanyang pisnge habang nagpatuloy pa rin sa pag-agos ng aking luha.

"Buhay ako anak, h-hindi ka nanaginip. Bakit ba nagluksa ka ng ganyan, ha?" aniya, ngunit kitang-kita sa kanyang mata na kagagaling lang sa iyak dahil sa namumula niyang mata.

"Ma!" walang pakundangan na yumakap ako sa kanya. "Bakit ngayon ka lang ma? Bakit hindi ka nagparamdam sa'kin? Bakit wala na akong balita sayo ma? B-bakit hindi mo ako tinawagan? Miss na miss na kita mama ko, sobrang na-miss kita," humagulhol kong saad sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang aking luha na tumigil.

"Sapphire, naging komplekado ang sitwasyon namin do'n sa States. Hindi naging maganda ang pagbalik ko do'n. At . . . lalo na ngayon," kumalas na ako sa pagyakap sa kanya. "Namatay ang Tito mo," dugtong niya.

"Akala ko n-napano ka na, Ma."

"SORRY," paghingi ng tawad ni Jamie. "'yon ang sabi nila, 'e, A-akala ko nga t-totoo na."

Umiling ako at tsaka nginitian siya. "Okay na 'yon, Jam. At least fake news, dahil kapag totoo 'yon, baka hindi pa ako nakalapit sa kabaong, mamamatay na rin ako."

"Kumusta na ang magkapatid?" tanong niya na kaagad naman akong napaiwas ng tingin.

"Gano'n parin, walang nagbago," maikli kong sagot.

Pangatlong araw na ngayon ni Tito simula no'ng dumating 'yong kabaong niya rito. Si Hanz naman, patuloy ang panlalamig sa'kin na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan. Pati na rin si Hedrix na hanggang ngayon 'di pa rin ako kinibo, nanatili lang siya sa kanyang kwarto at hindi pa lumalabas. Ngayon na rin ang araw ng libing ni Tito.

Gaya nga ng sinabi ni Hanz sa'min, hindi na kami nakalapit ni mama sa kabaong ni Tito kahit na sa kahuli-hulihang pagkakataon.

Nandito kaming lahat ngayon sa simenteryo kung saan ilibing si Tito. Si mama naman, nakatulala lang habang nakatitig sa kawalan.

Simula no'ng dumating siya rito, ay hindi na kami muling nag-usap pa.

"Ma . . . aalis muna ako," pagpaalam ko sa kanya.

Tumango naman siya kaya agad na akong naglakad paalis. Kaagad rin akong napatigil nang makita ko si Hanz na nakaupong mag-isa. Akmang lalapitan ko siya, ngunit nang mapansin niya ako ay kaagad na siyang tumayo at umalis.

M-may problema na naman.

Hindi ko siya maintindihan, kaya bago pa man siya tuluyang makalayo ay kaagad na akong tumakbo palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang braso.

"H-hanz, p-pwede ba tayong mag-usap?" nag-aalangan ko'ng tanong sa kanya.

"For what?"

"K-kung may problema ba? K-kung bakit mo ako iniwasan. May nagawa ba akong mali?"

"You know, Sapphire. I regret. Tanungin mo kung bakit?" aniya habang nagtangis ang kanyang bagang.

Gusto ko ng kasagutan kung bakit. Kahit na kinabahan ay nagtanong parin ako.

"B-bakit?"

"Because I immediately trusted you. Dahil sa simula palang, tama na ang hinala namin sayo, sa inyo ng nanay mo." agad siyang napasabunot sa kanyang buhok. "All this time, you just made us fools." aniya at umangat ang kanyang tingin kasabay ng kanyang malakas na pagbuntong hininga. "All this time, naniwala kami sayo. 'yon pala, you should not be trusted. I regret everything, I regret meeting you. I regret something developed. Dahil, hindi ka karapat-dapat na makaramdam ng saya na kagaya ng ginawa naming pagtanggap sa'yo,"

"B-bakit mo naman nasabi ang mga katagang 'yan? H-hindi---"

"Stop! 'wag kami! Isn't it enough for you to have our daddy die! Ano pang kailangan niyo sa kanya maliban sa kanyang buhay? Don't you know that it was as if you had killed us too. Pinatay niyo si dad! Because of what? Dahil sa kasalanang hindi niya sadya!" agad siyang tumigil. "You used the innocence of your face to gain my brother and I's trust. Tama na ang pagawa mo sa'min ng tanga, Sapphire. This is too much, and this is enough." aniya at nagsimula ng maglakad paalis.

Walang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi 'yon, wala akong maisip na dahilan na ikinagalit niya.

Dahil ba sa pagkamatay ng daddy niya, at kami ang sinisisi niya?

"Ngayon alam na namin kung sino ka at ano ka talaga, tama ang hinala namin sayo at ng nanay mo." sabi niya. "You should not be trusted. We haven't done much yet but your true identity came out immediately." dugtong pa niya bago tuluyang makaalis.

"We haven't done much yet but your true identity came out immediately." So, may balak sana silang gawin para mapalabas ang totoong ako? Ano naman? Ako 'to, at wala akong tinatago.

"We will make your life as hell! Hanggang sa ikaw na ang sumuko! Remember this, Gold digger woman. Once na mahulog ka sa patibong, 'wag mo ng tangkain na bumangon. Dahil nasa baba ka na. Umpisa pa lang nasa baba ka na, malayong-malayo samin.  Magsisi ka na hindi sumunod sa mga sinasabi ko!" bigla ko'ng naalala ang sinabi ni Hanz no'ng gabing galing ako sa hospital dahil na kidnap ako.

Patibong! Ang lahat ng mga pinakita nila sa'kin ay isang patibong. Puro kasinungalingan at walang makatutuhanan.

•••
A/N: para sa sinabi ni Hanz, check out the chapter 3, Nu'ng makalabas si Sapphire at napagkamalan niyang switch ang ilong ni Hanz.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon