Sapphire's POV.
"A-ako?" hindi makapaniwala kong saad habang tinuro ang sarili.
"Oo, ikaw. Ikaw ba, kaya akong tutulungan na ilakad sa babaeng mahal ko?" asik niya. Agad kong naramdaman ang hiyang nanalaytay sa aking buong mukha. Aisshh!! 'yan tayo, 'e! Dapat kasi, patapusin mo munang magsalita ang kausap mo!
"A-ah! O-oo naman! Kakasabi ko nga lang 'd-diba?" naiilang ko'ng sabi sa kanya.
Nakakahiya ka, Sapphire!
Sana hindi ko nalang siya binigyan ng advise! Kinginang bading rin pala siya pinapahiya niya ako.
"Are you sure?" tanong niya na agad kong tinanguan ng sunod-sunod.
Sandali siyang napatahimik. "What if. . .what if, that girl is you?"
Arghh! Gustong gusto talaga niya akong napahiya! Wala siyang pinagkaiba ni Hanz! Talagang magkadugo ang mga putrages!
"A-anong ibig mong sabihin?" medyo kinabahan ko'ng tanong. Kahit na ayaw ko'ng mapahiya ay sinabayan ko parin siya.
Tumingin siya sa mata ko. "What if you were that woman. At si kuya ang lalaking 'yon, may kasiguradohan din bang mabawi kita sa kanya?" tanong nito na mas lalong nakapagpatigil sa'kin.
Nakakalito, nag-advice ako kanina. Pero naguguluhan ako, ma-apply ko rin ba sa sarili ko ang mga sinabi ko kanina?
"B-bakit ako ang tinanong mo? Sinabi ko naman sa'yo kanina na wala pa akong karanasan sa mga ganyan, 'diba?"
"Right?" peke nitong tawa. Ramdam ko mula roon ang sakit na naramdaman niya ngayon.
Kumunot ang noo ko. "H-ha?"
"Gaya ng sinabi mo. I'm sure she'll answer me the same way. Ikaw nga naguguluhan kahit hindi ka naman inlove kay kuya." asik niya.
Agad akong napaiwas ng tingin. Tama siya, hindi pa nga ako inlove. Pero hindi ko pa rin naman alam kung anong meron sa naramdaman ko ngayon kay Hanz.
Tsk! Lakas ng amats ko!
"Ahm," walang lumabas na ibang salita sa aking bibig.
"That's only an example, you don't need to worry that much." asik niya na ikinahinga ko ng maluwag. "By the way, I have to go. Maiwan na muna kita." asik niya bago naglakad palayo.
Napa-iling nalang ako at pinuntahan sina Jamie.
Nakahalukip-kip lang akong pinanood silang nagtawanan. Ngunit kaagad din akong napa-igtad nang may yumakap sa'kin mula sa likod.
"I've been looking for you. Ayaw mong makisabay sa kanila?" tanong ni Hanz sa'kin.
"Bumitaw ka nga! Na sa akin na 'yan kung sasabayan ko sila o hindi, pero kung gusto mo, sabayan mo sila. Tch!" pamimilosopo ko sa kanya at kumawala sa pagkakayakap niya.
"Pupunta ako kung pupunta ka, hindi ko hahayaang maiwan kang mag-isa dito."
Sa hindi malamang dahilan, kaagad na tumibok ng malakas ang puso ko.
Sa isang simpleng salita niya lang, kaagad na nagwawala ang puso ko.
"I-ikaw nalang, wala namang mawala sa'kin kung mag-isa lang ako rito." asik ko. Pilit na winaglit sa isip ang nakakalitong pakiramdam.
"Come on!" aniya at hinila ako. Malakas siya kaysa sa'kin kaya madali lang niya akong nahila.
"W-wait! Hubarin ko muna 'to!" sigaw ko ng maalalang hindi bathing suit ang sout ko. Binitawan naman niya ako.
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...
![My Two Step-Brother [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/252036696-64-k843241.jpg)