Chapter 7

1.6K 57 5
                                        

Sapphire's POV.

Para madaling matapos si Kyle, tinulungan na namin siya ni Jamie na buhatin ito.

"'Wag na kayong tumulong, Jamie, Sapphire. Kaya ko na 'to." echos pa 'to 'e, siya na nga ang tinulungan.

"Para madaling matapos, Kyle. Gutom na rin kasi ako," sagot ni Jamie kay Kyle na tinanguan naman ni Kyle.

Nasa hamba pa kami ng pinto nang ini-lock ito ni Manang.

At ano namang pakulo 'to? Gusto ba nila na dito kami mag-celebrate sa labas? Baliw na ba sila?

Ibinaba ko ang dala kong cellophane at pinihit ang siradura.

"Hanz, pagbuksan niyo kami!" sigaw ko. Mga kupal talaga, kitang papasok kami pagsarhan pa ng pinto.

"Just do it in another place, golddigger woman. Hindi free ang bahay na 'to for you to celebrates or having a parties." bungad ni Hanz sa'kin.

"Maglinis din naman kami agad,"

"No way," saad nito at isinarado ulit ang pinto.

Nag-alalang tumingin ako kela Kyle, "paano na? Hindi na ba matuloy ang pag-celebrate natin?" malungkot kong turan. Napaka walang puso talaga niyang magkapatid, sarap kutusan.

"What if, rentahan nalang natin ang kitchen?" suggest ni Jamie.

"I have my money now, ako nalang ang magbayad." ani naman ni Kyle.

Sunod-sunod akong napatango, ang ganda ng suggestion nila. Sana nga lang mabili sa pera ang mga kumag.

Agad na akong kumatok, "Hanz, rentahan nalang namin ang kusina!"

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Manang. Nakangiti ko siyang tiningnan at akmang papasok na nang hinarangan din niya ito.

"Maghanap nalang daw kayo ng mareretahan, hija. Pasensya na talaga kayo, napag-utusan lang ako ng dalawa." sabi ni Manang na ikinanlumo namin.

Wala na ba talagang pag-asa na maging mabait 'yang dalawa?

"S-sige po," untag ko nalang. "May iba pa kayong naisip na paraan?" tanong ko ulit.

"Tent!" masayang sambit ni Jamie.

"Tent?" sabay naming tanong ni Kyle.

"Anong gagawin sa tent?" si Kyle.

"Kung gusto natin na mag-inoman, kahit na isang tent lang okay na. At kung namo-mroblema kayo sa kung saan tayo ngayun alam ko narin kung saan."

Gaya ng naisipan ni Jamie, andito kami't naghanda na. Wala na talagang makapag-papigil samin na itayo ang tent dito sa likod ng bahay. Nag-grocery din kami para hindi na mahirapang magluto, wala 'e. Wala kaming pwede na paglutuan.

Nakasout na kami ng birthday cap, hinanda narin namin ang cake, and to my shookt. May nakalagay do'n na "HAPPY BIRTHDAY, KRYSTAL." at sa baba naman nito ay may nakalagay na "SAPPHIRE".

Nagtaka ko naman silang tiningnan, pareho silang nakangiti sa'kin. "B-bakit may pangalan ako dito?"

"Since you are now part of our friendship, pinalagay na din namin ang pangalan mo. Para i-welcome ka." ani Kyle. "Welcome to the family, Sapphire," dugtong pa nito.

Iwan ko kung bakit naiiyak ako, ang sarap lang sa pakiramdam na may nag welcome sa'yo.

"Welcome to the family, Sapphie. My bestfriend," wika din ni Jamie.

"Thank you, guys. Salamat," ngayun lang ako naniwala sa tears of joy. Nakakaiyak ang mga may paganito pa sila para i-welcome ako.

"You can blow the candles now," napangiti naman ako't dahan-dahan na lumapit sa cake. Akmang hipan ko na ito nang humarang si Jamie.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon