Sapphire's POV.
KINABUKASAN nasa hapag na kami. As usual, kami lang din ni mama. Si Hedrix hindi pa lumabas. Bumalik naman na ang mga maids kaya dinalhan nalang nila ng makakain si Hedrix.
Si Hanz naman, ayon, mukhang galit parin samin, pati nga buong mundo dinamay na.
"Ma," wika ko dahilan para mapatingin sa'kin si mama. "Kung sakaling paalisin na tayo nila Hanz dito sa bahay, saan na tayo pupunta?" tanong ko. "Babalik ba tayo ulit sa probinsya?"
Umiwas ng tingin si mama. "Hindi ko rin alam, wala na akong maisip kung saan pa tayo pwedeng pumunta. Hindi ko na alam ang gagawin," mahinang anas ni mama.
"Ma, kung ano ang maging desisyon mo roon din ako, sabihin mo lang sa'kin, ma."
Tumango si mama pero agad ding nag-iba ang kanyang mukha. "A-aray! A-ang ulo k-ko, ang sakit!" pamimilipit ni mama sa sakit habang hinawakan ang kanyang ulo. Agad akong tumayo at dinaluhan si mama.
"Ma, anong nangyari? dalhin na kita sa hospital!" tarantang saad mo.
"Wag, hindi dapat, wala tayong panggastos." ani mama.
Agad akong umiling. "Ma, dalhin kita sa hospital. Mangutang ako ng pera kung kinakailangan---"
"Ang ulo ko. Parang . . . parang mabibiyak." ani mama. Hindi ko na alam ang gagawin, hahawakan ko na ba ang ulo niya. Naguguluhan na ako.
"Ma, please, pupunta na tayo'ng hospital." hindi sumagot si mama. Pagtingin ko sa kanya ay nakapikit na ang kanyang mata. "Ma?" Inuga-uga ko ang kanyang balikat. "Ma, gumising ka!" sigaw ko pero hindi parin gumising si mama.
Nahihiya ako kela Hedrix na manghingi ng tulong. Agad akong tumakbo sa kwarto at kinuha ang cellphone tsaka bumalik ulit sa kinaroroonan ni mama.
Nanginginig ang kamay ko habang di-nial ang cellphone number ni Jamie.
"Please, sumagot ka--- Jam, please, tulungan mo ako!" sabi ko agad ng sagutin niya ang tawag.
Jamie's POV.
"[Jam, please, tulungan mo ako!]" agad naman akong naalarma. Kahit na inaantok pa ay agad akong bumangon.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"[Na-nahimatay si mama, Jam. Jam, hindi ko alam ang gagawin. Please, please pumunta ka ngayon din dito! Tulungan mo ako.]" Sabi ni Sapphire. Narinig ko na ang paghagulhol niya sa kabilang linya.
"Okay, papunta na ako. Just . . . just hold on," asik ko at agad na naghanda para sa pagpunta ko sa bahay nila Sapphire.
"DOC, a-ano pong nangyayari sa mama ko? Bakit siya nagkagano'n? May sakit ba si mama?" sunod-sunod na tanong ni Sapphire nang lumapit sa'min ang doctor na nag-asikaso kay Tita.
"It's just normal for patient." sagot ng doctor.
"Normal? 'yon ba ang normal sayo? Nag collapse na nga lahat-lahat normal pa sa'yo?"
Hinawakan ko ang balikat ni Sapphire para pakalmahin siya. "Sapphie, normal naman daw, 'e. Dapat masaya ka nalang," Sabi ko sa kanya. Bumaling naman siya sakin.
"Jam, hindi, 'e! Gusto ko'ng malaman ang rason kung bakit nagka gano'n si mama." mangiyak-ngiyak niyang wika. "Natakot na ako, Natakot ako na baka maulit 'yong mga nangyari. Natatakot na ako!"
"Don't worry, malakas si Tita. Hindi 'yon mangyari sa kanya."
"Doc, please doc! Tulungan niyo ang Mama ko! Kailangan niya na ngayon na ma-operahan, please! I'll do everything para mabayaran kayo agad!" napalingon kami sa nagsasalita. Nakahawak na ang bata sa manggas ng doctor habang nakikiusap.
Tumingin saglit ang doctor samin. "Excuse me." aniya.
Tumango naman ako, pero hahabulin pa sana ni Sapphire mabuti nalang at nahawakan ko.
"Sapphire, mabuti pa at puntahan muna natin si Tita." ani ko.
"Pero..."
"Let's go."
Pagpasok namin sa room ni Tita ay nakatulog pa siya, medyo okay-okay na rin ang kanyang mukha kompara no'ng kanina.
"Ma," ani Sapphire nang makalapit siya kay Tita. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ina at hinalikan Ito. "Ma please, magpagaling ka. Kahit para sa'kin nalang. Ma, ayaw ko pang maulila. Please, maawa naman kayo sakin."
Lumapit ako sa kanya at tinapik-tapik ang kanyang likod.
Maya-maya pa ay tumayo siya. "Mag-CR muna ako, bantayan mo si mama,"
"Sige, ako ng bahala," asik ko natinanguan naman niya at kaagad na naglakad palabas.
Tiningnan ko ng mabuti ang mukha ni Tita. Sigurado akong siya si Tita Kristina, at si Sapphire ay si Krystal. Hindi ako nagkakamali roon.
Sana maayos na rin ang dati. Sana maalala na nila kung ano ang nakaraan nila.
"F-ferdinand," ungol ni Tita, nanatili pa rin siyang nakapikit. Tama ba ako ng narinig? Tinawag niya ang pangalan ni Tito?
"Tita?" inuga-uga ko si Tita ng mahina. Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagtawag ng pangalan ni Tita.
Ngayon mas lalo ko ng nakomperma na parte sila ng pamilyang Bellavery. Sa wakas nahanap ko na sila, at hindi ako nagkakamali roon!
Masaya ako sa pagbabalik nila. Pero may part sa'kin na malungkot.
Dahan-dahan ang pagbukas ng mata ni Tita. Agad siyang lumingon sa kinaroroonan ko.
"J-Jamie, hija," tawag nito sa'kin.
"T-tita? N-naalala mo na ako?"
"Oo," tumango-tango siya. "Pasensya na, pasensya na kung hindi kita kaagad nakilala at salamat din,"
Tiningnan ko siya ng nagtataka. "B-bakit po?"
"Salamat dahil parati kang nandyan sa tabi namin kahit wala kaming naalala, your so kind, Jamie!" maluha-luha nitong saad.
"W-wala 'yon, Tita!" Nakangiti ko'ng wika. "Welcome back po, Tita." walang pasabing niyakap ko siya kasabay ng pagpatak ng luha ko.
"Salamat, T-teka, asaan si Krystal?"
"Krystal?" agad akong humiwalay at tiningnan si Sapphire. Nakatayo siya sa hamba ng pinto habang kunot na kunot ang noo.
Sapphire's POV.
"Krystal?" kunot-noong tanong ko sa kanila.
Oo, narinig ko lahat. narinig ko ang pagtawag ni mama sa pangalang Ferdinand. Mas lalo akong naguluhan.
Sino si Krystal?
Sino si Ferdinand?
"Krystal, anak," asik pa rin ni mama habang nakangiting nakatingin sa'kin.
Dahan-dahan akong lumapit kay mama at Jamie.
"Ma, s-sino si Krystal?"
Hindi ko alam ang naramdaman ko ngayon. Sa mga narinig ko galing sa kanila, dapat ba akong masaya? O malungkot? Handa ko kayang tanggapin ang buhay ni Krystal na mas nasanay naman ako sa buhay ni Sapphire?
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
Roman d'amourSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...