Chapter 14

1.1K 49 4
                                    

Sapphire's POV.

Ilang na ilang ako dahil ramdam ko ang titig ni Hanz na animo'y malulusaw ako kahit na anong oras ngayun.

May mali kaya sa'kin?

Playing: TERRIFIED by Katherine McPhee.

Kasabay ng pagsimula ng tugtog, nagsimula na rin ang lahat sa pagpunta sa dance floor. Nagsayawan ang lahat, ngunit nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Sabi ko nga, wala akong alam sa mga ganito kaya wala akong choice kundi manatili lang dito.

"Can you join me to dance?" agad na umangat ang aking kilay. Hindi makapaniwala sa narinig mula kay Hanz.

Sina Hedrix kasi kasama ang iba pang mga kaibigan nito ando'n na sa gitna at nakipag-sayaw sa mga babaeng gusto maisayaw sila.

Kinginang bading! Mukhang mapahiya pa ako nito mamaya.

"Ayoko." tanggi ko agad sa kanya. "Hindi ako marunong sumayaw," mabuti nang malaman niya agad, kesa malaman niya pa sa gitna.

Kinuha ko agad ang juice na nasa harap at agad na tinungga.

"don't worry, wala namang makakapansin," aniya at hinawakan ang kamay ko.

"Pero-"

Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumama sa kanya.

Pagkarating sa pinaka-gitnang bahagi ay nagsimula narin kami sa pagsayaw, hindi ko nga alam kung paano.

'You said it again my heart in motion..
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark..'

Feel na feel ko ang kanta, ngunit mas ramdam ko ang titig ngayun ni Hanz sa'kin na tagos sa kaluluwa.

"I think, I'm already into you,"

'And I'm Inlove,
And I'm terrified
For the first time
And the last time
In my only life'

Dahil sa lakas ng tugtog, hindi ko masyadong narinig ang kanyang sinabi. Hindi ko rin alam kung bakit ganito nalang kalakas kung kumabog ang puso ko.

'and this, could be good
It's already better than that
And nothing's worse
Than knowing your holding back
I could be all
That your needed
If you let me try'

Hindi na ako nakapag-fucos pa sa pagsayaw o anuman, ang tanging alam ko ay nag-init ako ngayun.

"What if your not my step sister, is there any possible that you might fall inlove with me?" Hindi ako makapagsalita, parang biglang umurong ang dila ko't hindi makasagot sa kanya.

"Because if you ask me, oo na kaagad ang sagot ko."

'i only said it 'cause I mean it
I only mean it 'cause it's true
So don't you doubt what I've been dreaming
'cause it fills me up
And holds me close whenever I'm without you'

Matapos ang kanta, hindi ko na nagawang hintayin pa si Hanz. Agad na akong bumalik sa table namin, hindi ko maintindihan kung ano ang maramdaman ko sa ngayun.

"What if your not my step sister, is there any possible that you might fall inlove with me?"

"Because if you ask me, oo na kaagad ang sagot ko."

Napasabunot ako sa buhok ko nang maalala ulit ang mga katagang sinabi ni Hanz kanina.

"Baliw na talaga siya! Kita naman na wala nang pag-asa na mabago ang kapalaran namin, naisipan pa niyang sabihin 'yon."

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon