Sapphire's POV.
Tahimik kaming lahat na kumain ngayon sa iisang mesa. Masarap ang mga in-order nila kaso kahit ni isang putahe ay wala akong malasahan. Lintik kasing Hanz 'yon, nakakaimbyerna!
*FLASHBACK*
"Anong sabi mo?" aniya habang palapit ng palapit ang kanyang mukha sa'kin.
"U-uy! Joke lang 'yon. 'wag mo na 'yong intindihin, wala naman 'yon, 'diba?" ngumiti ako sa kanya ng pilit.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo kanina," utos nito sa'kin.
Naalala ko no'ng pinaulit niya sa'kin at nang sinunod ko ay hinalikan naman niya ako. Agad akong nagpailing-iling.
"Ayoko nga!" deretsang sabi ko.
"Damn! It seems like even if you just move a little now you are attracting me!" sabi niya. Hindi ko alam ang kanyang pinagsasabi. Kinagat ko nalang ang pang-ibabang labi ko. Bobo na kung bobo. Pero, nakakabobo naman talaga 'yon! "Stop biting your lip! I might even think I bit that." saad niya na mas lalong ikinagtataka ko.
Nababaliw na ba talaga siya? Tch!
Takot akong mawalan ng labi kaya tumigil rin ako. "P-p'wede ka na bang dumistansya? Ang init, 'e!" mahinahon kong wika.
Agad naman siyang tumalima. "Wear that!" turo niya sa bathing suit na hawak ko. Medyo lumaki pa ang mata ko pero agad din akong napatango nang may dungtong siya sa kanyang sinabi. "Or I'll kiss you." aniya at naglakad na sana paalis pero huminto siya at may sinabi ulit. "Don't call me kuya, your not my sister and especially we are not blood relatives. So like everyone else, I can do whatever I want when it comes to you." asik nito bago umalis. Naiwan naman akong tulala. Hindi naman sa hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero talagang nakakalito lang.
*END OF FLASHBACK*
Oo. Iniwan niya ko do'n. Mabuti nalang may cellphone ako't natawagan ko si Jamie kaya nasundo niya rin kaagad ako.
"Hey, are you listening?" tanong ni Hanz ang nakapagpukaw sa'kin.
Agad naman akong natauhan sa bangungot—este sa pagkatulala.
Tiningnan ko silang lahat at na sakin ang lahat ng kanilang paningin.
"A-ano 'yon? M-may sinabi kayo?" tanong ko sa kanila. Nakita ko'ng napa-iling-iling pa si Jamie.
Napakamot ako sa aking batok. Masyado na ba akong natulala kaya hindi ko na alam ang nangyari sa paligid?
"Kanina ka pa tulala, d'yan! Salita kami ng salita dito tapos ikaw hindi nakinig." may pagtatampong saad ni Jamie.
"Ano ba kasi 'yon?" tanong ko ulit. Tiningnan ko si Aimee, tama ding nakatingin siya sakin kaya agad kong inangat ang kilay ko para maghanap ng sagot.
"Busog ka na ba raw, aalis na tayo." ani Aimee.
Napatango-tango nalang ako. "Busog na ako. So, tara na?" sabi ko sa kanila at tumayo na.
Agad naman akong natigilan nang ni-isa sa kanina ay walang tumayo.
"A-ay, hindi ba?" napahiyang asik ko at umupo nalang ulit.
"Tss, talagang wala siya sa sarili." ani Cedrick.
"Ano bang nangyari sa loob matapos namin kayong iwanan, ha? Mukhang tulaley na 'tong kasama natin, oh!" asik naman ni Clyde. Lahat kami ay napatingin kay Hanz ng ngumisi siya ng matunog. Inirapan ko si Hanz ng nakangisi siyang tumingin sa'kin. Baka sabihin ng iba na may kababalaghan kaming ginawa.
"Uy! Baka bukas, buntisan na 'yan ah!" saad ni Clyde na tinawanan naman ng lahat.
"Ehem! So, can we go now?" tawag pansin ni Hedrix habang nakatingin sa kanyang relo. "It's already 4PM. Hindi na mainit, so can we?" dugtong niya bago kami tiningnan isa-isa.
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...
![My Two Step-Brother [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/252036696-64-k843241.jpg)