Chapter 9

1.2K 57 2
                                    

Sapphire's POV.

"Bea, are you sure that she's here?"

"Yeah, I'm pretty sure. I saw her kanina na pumasok d'yan eh."

"Okay, you know the plan naman na 'diba. Alright, ituloy na natin 'yon. Walang magbago okay!"

"Shh..."

Dinig na dinig ko ang mga pinag-usapan ng mga babae sa labas. Napabuntong hininga nalang ako at lumabas sa cubicle tsaka naghugas ng kamay.

Ngunit agad din akong napapitlag nang marinig ang kalabog na parang isang susi na nahulog sa sahig.

"Oh god! Relax okay, your already shaking."

Parang alam ko na ang ganitong eksena, napa-iling pa ako bago hawakan ang doorknob. Ngunit tama nga ang hinala ko, naka-lock ito.

"May tao ba d'yan sa labas? Buksan niyo 'to!"

"Girl, natakot ako. Baka mahuli na naman tayo,"

"Stop it and just think positive, let's go girls."

Patuloy ko parin na pilit binuksan ang pinto.

Talagang magsisi ang may gawa nito.

"Alam kong may tao d'yan. Buksan nyo na 'to, hindi na kayo nakakatuwa!"

Nakaramdam ako ng takot nang wala na 'kong narinig ni isa man lang na boses sa labas.

Naalala ko ang first day ko dito. Pinagtawanan, pinagmukhang tanga, at sinabihang gold digger.

"Hanz," nagtangis ang bagang ko. Alam kong si Hanz na naman ang may pakana nito.

Paulit-ulit kong hinampas ang pinto para may makarinig sa labas, ramdam ko narin ang panghihina ng aking katawan.

"Paki-usap, kung may tao man d'yan sa labas, buksan niyo na 'to! Hindi na ako natutuwa sa mga ganitong bagay!"

Maya-maya pa ay may kalabog akong narinig. Agad akong napaupo sa sahig at pinakiramdaman ang paligid tsaka niyakap ko ang aking tuhod.

"Paki-usap, buksan niyo ang pinto." mahina kong anas.

Kahit na ayaw ko dito, wala rin akong magawa dahil ni cellphone man lang wala ako.

"Ayaw ko na dito, please, tigilan niyo na 'to."

Nakalipas ang ilang minuto, naka-upo parin ako at pilit nilabanan ang takot.

"Mama, kung may mangyari man sa'kin ngayun. Mahal na mahal kita," pumiyok ang boses ko kasabay ng pagtulo ng sunod-sunoran kong luha.

Agad din akong napatayo at pinalis ang luha sa along mata na wala paring tigil sa pagluha nang mararinig akong kalabog sa labas.

"T-tulong, may tao ba d'yan?" sigaw ko at kinalampag ang pinto. "Please, maawa kayo sa'kin. Buksan niyo 'to.

"Who's there?" Boses ng isang lalaki. Parang napawi bigla ang takot na namuo sa aking dibdib dahil alam ko na may makapagpalabas na sakin dito.

"Tulungan mo ako. Ayaw ko dito, please,"

"Lumayo ka sa pinto." utos ng nasa labas. Sinunod ko naman ang kanyang sinabi.

Ilang sandali pa lang ay narinig ko na ang kalabog na sa tingin ko ay sinipa niya ang lock ng CR. Napahawak ako sa aking bibig nang sa wakas ay nabukas na ang pinto. Agad akong pumunta sa pinto. Pero imbes na maging masaya ako dahil nakalabas na ako ay unti-unting napawi ang sayang naramdaman ko nang makita ko si Hanz ang nasa labas.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon