Sapphire's POV.
"S-shes gone." ani Jamie na agad ko namang inilingan.
"Hindi jam. 'wag kang mag biro ng ganyan. Hindi totoo 'yan---"
"Sapphire, it's . . . It's true. I'm sorry." sabat ni Kyle.
Sunod-sunod na naglandasan ang luha sa aking pisnge nang magsalita si Kyle. Umangat ang tingin ko sa kanya.
"P-pati ba naman ikaw, Kyle? P-please. . .sabihin niyo sakin na---"
"Sana nga Sapphire, sana biro lang ang lahat. Sana hindi totoo at nagkamali lang si Hedrix, dahil kung totoo, w-wala na tayong ibang magawa kundi tanggapin kung ano ang totoo."
"Ayaw ko! Ayaw kong maniwala ayaw kong tanggapin, Jam! H-hindi ko kayang mawala si Mama, kaya, hindi ko magawa ang sinasabi mong tanggapin ko!" parang batang sigaw ko.
Lumuhod si Kyle para pantayan ako. "We know that, Sapphire. Pero gaya ng sabi ni Jamie, wala na tayo'ng magagawa,"
"Ginawa ko na ang lahat para mapasaya si mama. K-kahit ayaw ko, Basta gusto niya ginawa ko. Pero. . . pero bakit ganito?" pinalis ko ang luha sa aking mata. "Bakit kailangang may mawala? Bakit . . . Bakit kailangang kunin nila ang mama ko? S-si mama nalang ang meron ako. Siya lang ang nakaintindi sa'kin."
"Hindi naman kasi sa lahat ng oras masaya, dahil darating at darating parin ang problema." mahinang anas ni Jamie na ngayon ay humihikbi na rin.
"Bakit . . . B-bakit hindi nalang puro masaya? Bakit may problema pa?"
"'Cause it's a challenge in our life." wika ni Kyle.
LUMIPAS ang ilang minuto. Pumunta akong CR at naghilamos. Kitang-kita ko na ang pamumugto ng dalawa ko'ng mata.
Ang sakit lang naman kasi eh, noon si papa. At ngayon, si mama na naman? Bakit ba kasi hindi naman nila ipaubaya nalang sa'kin si mama. Bakit nangyayari pa ang mga bagay-bagay na masasakit!
Hindi ko ba deserve na maging masaya? Hindi ko ba deserve na mabuhay na walang sakit na naramdaman? Hindi ko ba deserve na makasama ang mga magulang ko ng panghabang panahon?
Gano'n na ba kalaki ang nagawa ko'ng kasalanan para masaktan ako ng ganito?
"Sapphire?" agad akong naghilamos at pinagbuksan ng pinto si Jamie. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" bungad niyang tanong sakin.
Umiling ako. "Hindi okay," hindi ko na kailangan pang magsinungaling. Gusto ko'ng ilabas ang lahat ng sakit ngayon. "Hindi okay ang pakiramdam na ganito, Jam. Nasasaktan ako, d-deserve ko ba na masaktan ng ganito? H-hindi ko ba deserve ang maging masaya? S-sabihin mo nga sa'kin Jam, g-gano'n na ba ako kasama para maging ganito ang buhay ko? H-hindi naman 'diba?" tango lang ang sinagot nya sakin.
"Ang sakit, eh! Bakit si mama pa? Bakit ang mama ko pa!"
"I'm just here, Sapphie. Andito lang kami ni Kyle,"
"Ang sakit lang Jam, isipin ko palang na hindi na huminga si Mama pagdating niya rito, nanlumo na ako. H-hindi ko talaga kayang makitang gano'n si mama." pinilis ko ang luha sa aking pisnge at tumayo.
Tumakbo ako patungong kwarto at kaagad na ini-lock iyon.
Naalala ko ang pag-uusap namin ni mama dito sa kwarto. Pinuntahan pa talaga niya ako dito sa kwarto para magpaalam.
Kung alam ko lang na mangyari ang ganito, sana pinilit ko na lang ang gusto ko na hindi na siya paalisin. Kasalanan ko 'to 'e, kung hindi sana ako pumayag, edi ngayon nandito pa si mama.
"Mamimiss din kita, anak." naalala ko ang sinabi ni mama.
Hindi niya ako namimiss. Dahil iniwan niya ako. Iniwan na ako ni mama, at wala na ring natirang pag-asa sa'kin.
"SAPPHIRE, paparating na sina Hedrix." agad akong napabalikwas ng bangon.
Akala ko panaginip lang ang lahat pero, agad ko ring naramdaman ulit ang sakit.
"Asan? A-asan na sila? Kasama na ba nila si Mama?" nanghihinang tanong ko.
Tumango si Jamie. Hindi na ako nag-ayos, agad na akong bumaba. Nasa hagdan pa lang ako ngunit kaagad akong natigilan nang makita ang dalawang kabaong na magkasunod.
Naramdaman ko ang panginginig ng dalawa ko'ng tuhod kasabay ng panghihina ko.
"M-mama," nanghihina kong sambit, kasabay ng muntikan kong pagbagsak sa sahig. Buti nalang ay inalalayan kaagad ako ni Jamie.
"Jam, h-hindi 'yan si mama 'diba? W-wala si mama d'yan 'diba?, 'diba!" pilit kong pagkumbinsi sa kanya. Nagbabasakaling sumagot man lang siya ng oo, Wala diyan ang mama mo.' pero hindi siya sumagot.
"Jam, sumagot ka! G-gusto ko'ng marinig na wala si mama d'yan."
"Pero, alam mo na ang totoo, Sapphire. N-nandyan si Tita. Kaya dalawa---"
Agad akong napaupo sa stairs. Biglang bumalik ang naramdaman ko no'ng nawala si papa. Hindi pa ba sapat si papa para bawiin nila ulit sa'kin ang mama ko?
"Sapphire, hindi ko gustong saktan ka. Pero sinasabi ko lang sa'yo kung ano ang totoo." saad pa ni Jamie.
Umiling ako sa kanya. "Hindi, wala kang kasalanan, Jamie. Ako lang ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ko lang sana pinayagan si mama na pumunta sa kinginang States na 'yan, edi nandito pa siya. Edi, n-nayakap at nakausap ko pa siya. N-nong bumalik sya dito, 'yon na siguro ang sign para pigilan ko siya. Pero ako 'tong tanga! Hindi ko siya pinigilan! Ang tanga ko, Jamie!"
"Wala kang kasalanan, Sapphire." Aniya at umupo sa tabi ko. "Walang may kasalanan nito. Walang may gusto, lalo na tayo. Tayong nagmamahal kay Tita." aniya. "Kaya sana 'wag mo ng sisihin ang sarili mo, Sapphire. Hindi natin ginusto ang pangyayari."
"Hindi ko maiwasan, Jam." pag-iling-iling ko'ng wika.
"Nasasaktan ka lang, Sapphire. Mawawala rin 'yan," asik niya. "Lapitan mo na ang mama mo, Sapphire."
"Wala . . . wala akong lakas. H-hindi ko kayang makitang wala ng hininga si mama."
"Kaya mo 'yan Sapphire, Kakayanin mo."
Dahan-dahan akong tumango at humakbang ng maliit papunta sa kinalalagyan ng mga kabaong.
Sa t'wing hahakbang ako ay parang sinaksak din ng paulit-ulit ang puso ko sa sakit. Parang kapag papalapit ng papalapit ako sa kinaroroonan ni mama ay parang unti-unti rin akong pinatay.
"M-ma," pahikbi ko'ng anas.
Abot kamay ko na sana ang kabaong at isang hakbang nalang ang kulang ay maabot ko na siya nang may pumigil sa'kin.
Dahan-dahan akong lumingon.
"B-bakit . . . bakit mo ako pinigilan, Hanz?" nanghihinang tanong ko sa kanya.
"Don't come near, Sapphire! Wala kang karapatan para lumapit d'yan!" nanggagalaiting sigaw niya dahilan para mapapikit ako. Lumabas rin ang ugat sa kanyang leeg.
Pero agad ko ring ibinuka ang mata ko. "M-mama ko 'yan, Hanz. M-may karapatan ako para lapitan siya. B-bakit kahit kay mama pinagbawalan mo na ako?"
"Sundin mo nalang siya, Sapphire," ani Hedrix sa may likuran ni Hanz.
Parang sa isang iglap ay mas lalo akong nadurog. Parang sa isang iglap din ay bumalik ang dating magkapatid. Ang palaging seryoso at ang mga nakakunot noo nilang mga mukha ay bumalik. Bumalik ulit ang lahat sa dati. Sana gano'n din si Mama.
Umalis na sila sa harapan ko. Saglit akong tumingin sa kabaong ni mama. Gusto ko'ng humakbang pero agad na ako nawalan ng balanse at agad na bumagsak sa sahig.
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...