Chapter 37

832 41 2
                                    

Sapphire/Krystal's POV.

HABANG nasa byahe ay tinawagan na namin sina mommy, si Jamie naman ang tumawag ng pulis. Pero kahit na alam namin na may police na pupunta, hindi parin mawala-wala sakin ng kaba. Kinabahan ako dahil nando'n si Kyle. At lalo na kay Hanz. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon, sana ligtas siya sa mga kamay ni Krystel.

"Hedrix, natatakot ako." mahina ko'ng anas. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng kamay ko.

"Everything's will be alright, Sapphire. Just think positive." ani Hedrix.

Nasa front seat si Jamie kaya lumingon din siya sakin na bakas ang pag-alala ng kanyang mukha.

"Maligtas natin si Kyle, Krystal. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya," sabi rin ni Jamie na tinanguan ko naman. Hindi pwedeng may mangyaring masama kay Kyle.

Pagkarating namin sa mismong lugar ay agad na kaming bumaba, pati narin ang driver ay bumaba na rin.

"M-manong, sorry sa disturbo," paghingi ko ng tawad at tsaka bumaling ng tingin kay Hedrix. Hihingi sana ako ng pambayad pero inabot na niya sa'kin ang isang libo. Walang ano-ano na tinanggap ko 'yon at binigay kay manong. "Keep the change nalang po manong, maiwan ka na namin dito," nagmamadali ko'ng wika.

"Hindi, hija." aniya at akmang ibabalik ang pera, pero agad akong umiling. Tumango naman siya sakin at ngumiti. "Salamat." nag-nod nalang ako bilang sagot at agad na naunang naglakad papasok sa lumang building kung saan ako nanggaling.

"Dito ka nila kinulong--"

"Shh..." putol ko sa sasabihin ni Jamie. "Marami sila dito, kaya kailangan nating mag-ingat." bulong ko sa kanila. Hindi matunog ang mga yapak na ginawa namin, pero pagdating sa unahan kung saan kami naka-pwesto ni Kyle kanina ay wala ng tao kahit isa.

"Asan na ang mga tao dito?" mahina ko'ng tanong.

Tumingin ako kela Jamie at Hedrix, pareho rin namang nakakunot ang kanilang noo.

"Oh my god! Baka... baka isa itong patibong!" bulalas ni Jamie at napatakip pa siya sa kanyang bibig.

"Pwede rin, siguradong ginamit nila si Kuya at Kyle," asik rin ni Hedrix.

Agad naman akong kinabahan. Pakiramdam ko kahit na anong oras ay kakapusan ako ng hininga.

"Tara, hanapin na natin sila! Kahit na saan man tayo mapunta, ayos lang basta mahanap natin sila." walang pakundangan kong wika at tsaka tumakbo na pataas. Wala na akong pakialam na marinig nila ang mga yapak na ginawa ko. Total alam ko naman na sa oras na 'to, kami nalang ang inaabangan. Ang pagdating nalang namin.

Nalibot na namin ang lahat ng sulok ng building, except sa rooftop na kinaroroonan namin ngayon. Akmang papasok na sana ako nang may humawak sa braso ko.

"Hedrix?" nagtataka ko'ng tanong sa kanya.

"May kutob ako," sabi niya. "May kutob akong nandito sila. Kaya, maghanda na tayo." he said. Tumingin ako kay Jamie. Walang bakas ng takot sa kanyang mukha kundi ang pag-alala.

"Jamie," mahina kong anas at Niyakap siya. "Jam, Mahal kita, at may posibilidad na hindi na ako makabalik ngayon dahil sa sitwasyon na 'to. Sana, kahit na anong mangyari, 'wag na 'wag kang susunod sa loob. A-ayaw kung may mangyaring masama sayo." sabi ko sa kanya habang nakapatong ang baba ko sa kanyang balikat.

"Krystal, gusto ko'ng pumunta. Ayaw ko'ng mapahamak ka samantalang nandito ako. Gusto kitang samahan sa loob--"

"Jam, p-please. hayaan mong ako ang tatapos sa problema na 'to. Dito ka lang hanggat may gulo pa," sabi ko sa kanya. Kahit na hindi pa siya sumagot ay agad na akong kumalas sa pagyakap sa kanya at tiningnan si Hedrix. Tumango siya sakin kaya agad ko ng sinipa ang pinto.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon