CHAPTER 5

10.9K 247 5
                                    

Third Person's POV:

"Tatlong piraso po nitong malaking bibingka at dalawampung piraso ng puto bumbong."

Tumatango-tango ang ginang at pagkatapos ay kumuha ng supot upang ilagay doon ang bibilhin ng kaniyang Tiya.

"Bale, 200 lahat."

Binuksan na ng Tiya ang kaniyang wallet saka binunot doon ang 300 pesos pambayad.

"Maraming salamat sa inyo." Anya ng ginang tango lang ang isinagot ng kaniyang Tiyahen saka tinalikuran na nila 'yung tindahan at nag aabang ng tricyle na namamasada sa kanilang lugar.

Hindi pa sumapit ang dilim ay tapos ng mag luto ang kaniyang tiyahen tinulungan rin ito ng kaniyang Ina, siya naman ay nag prepare na sa kanilang lamesa nilagay niya roon ang kanilang pang noche buena.

Nalulula siya sa dami nito hindi malaman kung saan ang uunahin, baka mamaya niyan sumakit pa ang tiyan.

"Ang dami naman nito, Mella mauubos ba natin ito?" Anya ng kaniyang ama habang nakatingin sa kanilang lamesa na puno ng iba't ibang klase ng pagkain.

"Ano ba ang tawag sa mga 'yan? Ngayon lang kasi ako nakakita niyan." Tugon naman ng ina.

"Ano ba naman kayo, Ate, kuya. Syempre mauubos 'yan atsaka hindi lang naman tayo ang kakain diyan, bibigyan natin si, Nelia at Ate Amy." Tukoy nito sa nanay ni Betchay at ni Rheyo, sila lang kasi ang magkaka-pitbahay.

"Tay, nay... mamaya po pupunta ako kila, Andoy, ah." Masamang tingin ang ipunukol niya sa kapatid.

"Ikaw, Dodong ah, alam mo ngang dilikado dahil sa gulong kinasangkutan ni, Tonyo tapos iyan pa ang pumapasok sa kukuti mo, naku mag tigil kang bata ka." Walang prenong sermon ng nanay sa kapatid.

"Tama na iyan paskong-pasko nag aaway kayo." Awat ng tiyahen.

"Maligayang-maligayang pasko at bagong taon!" Napatakip na lang sila sa tenga sa hiyaw ng Tiyahen.

"Tiya, ano po bang tawag sa mga ito." Sabay turo sa mga pagkain.

"Ah, 'yan ba, tawag sa ating masarap na noche buena ay..." Pabitin pang nalalaman. "Bibingka, Puto Bumbong, Macaroni Salad, Leche Flan, Roasted Chicken at Crema De Fruta."

"An-ano po? krema de puta?" Kunot noo niyang binalingan ang Tiyahen.

"Anong krema de p-puta! Bingi lang, ang sabi ko crema de fruta!" Sigaw ng Tiyahen.

"Tama na iyan kumain na tayo." Anya ng ama.

"Oo nga Merry Christmas everyone!"

"Merry Christmas! Naku mabuti pa itong si, Dodong kahit papaano'y may alam na english." Pag paparinig sa kaniya ng Tiyahen.

"Teka lang. Ynna, ibigay mo muna ito sa kapit bahay natin." anya ng Tiyahen.

Kinuha naman niya ang iba't ibang putahe na nilagay ng Tiyahen sa platito, pag talaga andito ang Tiya niya ay lagi na lang siyang inuutosan.

Tumayo na siya at lumabas ng kanilang bahay upang mamigay ng ayuda, di joke lang. Para ibigay ang noche buena sa kapit bahay nilang si Rheyo at Betchay.

Una niyang pinuntahan ay ang bahay ni Nelia ang nanay ni Betchay.

"Ikaw pala 'yan, Ynna."

"Ate oh..." Sabay abot niya ng dala.

"Maligayang pasko po." Anya ng may ngiti sa labi.

"Naku, maraming salamat, maligayang pasko rin."

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon