Ynna's POV:
Gabi na pero di parin ako nakakain, hindi ko kasi maramdaman ang gutom dahil sa nangyari sa araw na ito. Hanggang ngayon nananatili parin sa isipan ko 'yong sinabi ni Alyssa.
Gusto ko ng magpahinga pero kailangan muna naming pagsilbihan ang Senyorito at Senyorita, simula nang makauwi kami hindi pa kami nagkausap ni Czech, ni anino niya hindi ko nakita.
Pagkatapos namin ihain ang kakainin nila ay lumabas na ako sa dining area, ngayong nandito ang babaeng karapatdapat sa kaniya ay siguro babalik na kami sa dati, hindi na ako matutulog sa kwarto ni Senyorito dahil nandito 'yong totoong nagmamay-ari sa kaniya.
Ang sakit lang isipin na babalik na naman siya sa dati, 'yong dating hindi ako nag e-exist sa paningin niya.
Nakayuko lamang ako habang naglalakad, sa totoo lang pagod na pagod na ako. Ang sakit na ng katawan ko at kahit ano mang oras ay tila babagsak na ako.
Siguro mamaya na ako kakain pagkatapos nila kahit wala akong gana kailangan ko paring pilitin ang sarili ko dahil hindi lang ako ang malilipasan ng gutom kun'di pati na rin ang batang dinadala ko.
Humihiling ako sa panginoon na bigyan niya ako ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya na nagbunga ang nangyari sa amin, pero paano ko magagawa 'yon kung nandito ang babaeng 'yon.
Gustohin ko mang umiwas ay huli na ang lahat dahil nasa harapan ko na si Czech at si Alyssa na nakakapit sa braso niya.
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko pakiramdam ko hindi ako makahinga, nakatingin lang sa akin ang asul nitong mga mata, agad akong umiwas ng tingin at yumuko na lang. Ang laki talaga ng agwat namin.
Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang tawa ni Alyssa, nanunuya ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.
Tinaasan niya ako ng kilay at mas lalo pang idinikit ang katawan kay Czech. Bakit gano'n lang kadali sa kanya na balewalain ako parang hindi niya ako kilala kung makatingin sa akin.
Bubuka na sana ang bibig ni Alyssa ng may narinig kaming yabag ng takong na nagmumula sa aking likuran. Nang lingunin ko iyon ay ang nakangiting si Riana ang bumongad sa akin.
Naka dress ito at nakatali naman ang buhok, kung hindi ako napakapit sa kanya ay baka natumba na ako dahil bigla niya akong sinugod ng mahigpit na yakap.
"Oh, my god! I miss you, Ate Ynna!" Tili niya habang niyuyugyog niya ang magkabila kong balikat.
"Ang ingay." Napalingon kami sa nagsalita at si Alyssa iyon, ngumiti siya ng peke at nagtaas ng kilay.
"Speaking of the witch. What are you doing here?" Ani naman ni Riana at humalukipkip at pinag taasan rin ng kilay si Alyssa na halata sa mukha ang pagka irita.
"Excuse me? Did you call me witch?"
"Oh, ano naman sa'yo? Totoo naman 'yong sinabi ko, ah. Mukha kang mangkukulam." Hinawakan ko ng mahigpit ang braso ni Riana upang awatin ito pero sadiyang brat talaga kaya ayaw patalo.
"You--"
"Enough." Biglang natahimik ang paligid ng marinig namin ang napakalamig nitong boses.
"Alyssa. Mauna kana susunod lang ako." Mariing sabi ni Czech kay Alyssa.
"What!" Kung makasigaw naman 'to kala mo bingi ang kausap.
"Ang sabi ni Señorito mauna kana daw." Ngumiti ako sa kanya ng matamis pero ang totoo niyan gusto ko na siyang sabunotan!
"Bitch! Don't call me, Alyssa because we're not close! Such a stupid woman."
"Oh, siya alis kana. Shooo." Muntikan na akong mapahalakhak ng itulak ito ni Riana at kamuntikan ng madapa. Sobrang sama ng tingin niya sa amin pero wala siyang nagawa kun'di sundin ang gusto ni Czech.

BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
RomanceCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...