CHAPTER 27

9.6K 305 4
                                    

Ynna's POV:

Lahat kami napatigil ng marinig ang sunod-sunod at malalakas na katok sa pintuan.

Tumayo ako upang buksan sana ang pintuan ngunit naunahan na ako ni tatay, sininyasan niya ako na dumistansya sa kaniya ng kaunti at ginawa ko naman.

Dahan-dahang binuksan ni tatay ang pinto habang hawak niya ang kaniyang itak na bahagyang tinatago sa kaniyang likuran.

Nang bumukas na ang pinto ay nahugot ko ang aking hininga at si Betchay naman ay mahigpit na naka kapit sa aking tuhod habang nakatago ito sa aking likuran.

Ngunit ganoon na lamang ang ginhawang aking naramdaman ng sumalubong sa amin ang nakakunot na noo ni Tiya at basang-basa ito ng ulan habang may betbet na malaking bag na sa pagkakahula ko'y naglalaman iyon ng kaniyang mga damit.

Dahil sa sobrang lakas ng ulan at hangin ay hindi makayanan ng payong ni Tiya at natatangay iyon ng malakas na hangin kaya wala na ring silbi ang dala nitong payong dahil basang-basa na siya.

Lumapit ako kay tatay upang salubongin sana si Tiya ngunit ganun na lamang ang pagtigil ko ng may namataan akong mga tao sa likuran niya hindi lang isa kun'di anim, anim ang kasamahan ni Tiya at pang pito siya.

Sa una ay hindi ako pamilyar sa kanila, malabo ang mga ito sa paningin ko dahil siguro sa ulan.

Ngunit hindi kalaunan ay namukhaan ko rin sila kaya ganun na lamang ang pag dagundong ng puso ko ng mapabaling ang tingin ko sa lalaking nakatayo ng tuwed habang may suot itong itim na sumbrero na matiim na nakatitig sa akin.

Napaatras ako ng kaunti sa biglaang pag tibok na naman ng puso ko ng dahil sa kaniya.

Agad ring naagaw ng atensyon ko ang babaeng nakakapit sa kaniyang braso, may hawak itong payong at gaya ni Tiya kulang na lang bumaligtad ito dahil sa lakas ng hangin, pati ang suot nitong maikling palda na kulang na lang makita ang singit.

Kung wala lang siyang panty ay talagang nakitaan na ito, pilit niyang ibinababa ang kaniyang palda dahil nahahawi ito ng hangin ngunit nahihirapan siya sanhi ng malakas na hangin, mukhang may bagyo pa ata?

Sa tabi ni Celestine ay si Riana na pilit na kumakapit kay Enrage ngunit winawaksi nito ang kamay niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ko naman inaasahan na sasama pala sila kay Tiya papunta dito.

Nakakagulat dahil lahat sila nandito hindi ko alam kung bakit sila sumama kay Tiya. Anong sinakyan nila patungo dito at ang bilis nilang makarating gayong malakas na rin ang hangin at ulan at paniguradong madulas ang kalsada.

"A-ano magtititigan na lang ba tayo dito? Papasukin niyo naman kami, huwag kayong humarang sa daan dahil sa totoo lang pati ang kipay ko nilalamig na rin dahil basang-basa na ako!"

Napatalon ako sa aking kinatatayuan dahil sa gulat sa biglaang pag singhal sa amin ni Tiya.

"S-senyorito... a-ano pong g-ginagawa n-niyo dito?..." Nauutal kong tanong ngunit na kay Riana ang paningin ko dahil nahihirapan akong salubongin ang nakakatunaw nitong tingin na kulang na lang tumagos sa katawan ko.

"Aba't! Nag tanong pa! Tumabi nga kayo!" Kahit kailan talaga 'tong si Tiya panira, nagtatanong lang naman ako. Nahawi kami ni tatay ng biglang pumasok si Tiya at bahagya pa kaming tinulak.

"Sino ba itong mga kasama mo, Mella?" Kunot noong binalingan ni tatay ang mga kasama ni Tiya at mukhang natakot ata si Celestine dahil kulang na lang magtago ito sa likuran ni senyorito, pa'no ba naman ang sama ng tingin sa kanila ni tatay.

"Ano kaba naman, Kuya. Anak iyan ng boss namin ni, Ynna." Biglang natahimik si tatay at nagugulohan itong tumingin sa akin na para bang nagtatanong ngunit tanging tango lamang ang naisinagot ko.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon