Third Person's POV:
WARNING: To my sensitive readers out there if you are not comfortable with this scene and if you find it disturbing you can escape this part and proceed to the next chapter.
Nakatayo lang si Ynna habang nakatitig sa kaniya ang sinasabi nilang mayordoma, kung makatingin akala mo naman kriminal ka, tagos hanggang bunbunan ang binibigay nitong tingin kay Ynna
"May problema po ba sa mukha ko manang?" Tanong niya sa mayordoma habang hinahaplos nito ang magkabila niyang pisngi.
"Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na manang." Biglang nanlisik ang mata ng matanda at kulang nalang ay sunggaban siya nito.
"A-e... m-mayordoma, bakit niyo po ako pinatawag?" Pag-iiba niya sa usapan saka iniwas ang tingin sa matanda na hanggang ngayon ay masama parin ang tingin sa kaniya.
"Ikaw ang inaatasan kung mag laba ng mga damit ni señorito dahil wala si, Manang Lucing." Nakakailang naman kanina pa nakatitig kay Ynna, wala naman sigurong problema sa mukha niya 'no?
"L-lahat po niyan?!" Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa narinig.
"Oo, at puwede bang huwag kang sumigaw dahil hindi ako bingi." Estrikto nitong anya kay Ynna.
"Saan po ba nag punta si, Manang Lucing?"
"Anong sabi mo?" Kunot noong tanong ng matanda dahil hindi masyadong narinig ang kaniyang sinabi.
"Tsk, hindi daw bingi e, ang lapit-lapit nga namin, oh." Bulong-bulong niya habang napapailing ng ulo at bumungisngis.
"Ano ang nakakatawa." Hindi tanong iyon ngunit mababakas ang diin nito.
"Wala po, sige sisimulan ko ng mag laba."Saka siya naglakad patungo do'n sa nakatambak na damit.
"Ayosin mo ang paglalaba at siguradohin mong mawawala ang mantsa." Tango lang ang isinagot niya sa matanda at tinalikuran na ito.
Nang malapitan niya ang nakatambak ng mga damit ay tinitigan na muna niya ito at tinagilid ang ulo.
"Kaya ko bang labhan ito? Bakit naman kasi sobrang dami nito?"
Anya at umupo na ito, kinuha niya ang isang planggana at nilagay doon ang pantalon pagkatapos ay sinimulan na niyang lagyan ng tubig ang isa pang planggana na may lamang iba't ibang kulay na t-shirt.
Binudburan niya iyon ng soap powder saka nagsimulang kusutin. Hirap na hirap siya dahil lahat ng kinukusot nitong damit ay may mantsa hindi niya alam kung bakit 'yon nagkaroon ng mantsa gayong alam naman niya na pag-aari iyon ng señorito.
Atsaka napaka linis din niyang manamit kaya bakit ganoon na lamang karumi?
Mahapdi na ang mga kamay niya dahil sa diin ng pag kusot niya mahirap tanggalin ang mantsa parang magnet na naka dikit sa bakal na kayhirap tanggalin.
Kahit mahapdi na ang kaniyang kamay at masakit na ang likuran ay tinitiisin niya iyon.
Nang matapos niyang kusutin ang mga t-shirt ay binanlawan niya iyon, ngunit ganun na lamang ang pag busangot ng kaniyang mukha dahil hindi parin talaga natanggal ang dumi.
Napangiti siya ng makita sa tabi ang malaking buti ng zonrox agad niyang kinuha iyon at walang sabi-sabing binuhos iyon sa planggana na naglalaman ng di-color na damit.
Inubos niya ang laman niyon at tinapon na lang sa kung saan, hinalo-halo niya ang mga damit at pinag-kukusot ng makita niyang natanggal na ang dumi ay ganun na lamang ang pagliwanag ng kaniyang mukha.

BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
DragosteCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...