CHAPTER 1

20.8K 396 11
                                    

Third Person's POV:

Simple lang naman ang pangarap niya ang maka pag tapos sa kaniyang pag-aaral subalit kusa 'yung naudlot dahil sa hirap ng kanilang buhay.

Gustohin man niyang ipagpatuloy ay hindi kakayanin dahil maski pagkain nila ay dalawang beses sa isang araw.

Sa murang edad ay nakipag bakbakan na sa araw para lang may puhunan, nagpapabilad sa araw dahil lang sa pag-aani ng mais upang makatulong sa kanilang gastusin sa araw-araw na pamumuhay.

Kahit na maliit ang kita ay sapat na 'yon sa kaniya ang mahalaga ay makatulong man lang sa magulang kahit sa maliit na bagay. 

Si Jusephynna ay kilala sa lugar nila bilang Ynna, kahit na morena ito ay may itatalbog rin naman itong ganda.

Sa totoo nga niyan ay maraming nagkakagusto sa kaniya sa kanilang lugar hindi dahil sa may itsura ito kundi dahil sa ugali nitong kabaitan at pagiging determinado.

Iyon kasi ang turo sa kaniya ng kaniyang magulang hindi bali ng mahirap ang importanti busilak ang iyong kalooban. Aanhin mo nga naman ang kayamanan kung ang ugali ay hindi mo masikmuraan.

Nang tumungtung si Ynna sa gradong pito ay nahinto na ito dahil nga sa kahirapan. Kinailangan mo na niyang huminto dahil hindi na kaya, ganoon rin ang kaniyang naka babatang kapatid na lalaki.

Ngunit noong nag labing walang taong gulang na ito ay sinabi niya sa kaniyang magulang na ipagpatuloy na ng kaniyang kapatid ang pag-aaral nito di baling hindi na siya maka pag-aral huwag lang ang kaniyang kapatid.

Sa sinabi naman n'yang iyon ay sumang-ayon ang kanilang magulang, tutulong rin naman ito sa gastusin ng kapatid. 

"Ate gandang Ynna, pabili po!"

Muntikan na itong mahulog sa pagkaka upo dahil sa gulat, nang lingunin niya ang bata ay agad siyang napangiti, ito kasi ang pinaka paborito niyang bata sa kanilang lugar, pareho lang daw kasi silang madaldal kaya gustong gusto niya.

"Oh, Betchay, anong klaseng mukha bayan?"

Natatawa niyang turan sa batang hindi maipinta ang mukha.

"E, kasi naman po, Ate Gandang Ynna, kanina pa po ako nagsasalita rito di mo man lang po ako narinig!"

"Ay! Gan'on ba? Ano bang bibilhin mo?"

"Kung maka pagsalita ka naman po parang ang dami mong tinitinda, e, itlog lang naman po." naka busangot itong naka tingin kay Ynna.

"Grabe ka naman, Betchay, walang ganyanan akala ko ba magkakampi tayo?"

Bago umalis ang bata ay kinurot muna niya ito sa pisngi, nakakagigil naman kasi ang taba ng pisngi, kay sarap kurutin.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at kinuha ang sumbrero dahil pupunta na muna ito sa dalampasigan upang abangan ang kaniyang ama na nangingisda tutal ay tapos na rin naman siya sa pag-aani kanina.

Naka pagpahinga na rin naman siya at hindi talaga masanay sanay si Ynna pag wala itong ginagawa, parang napaka boring ng araw niya pag hindi siya gumalaw o walang ginagawa.

Nang makuha ang sumbrero ay lumabas na ito ng bahay, naka pantalon ito at naka bota, ang damit naman nito ay kulay itim na may punit punit pa at ang mahabang buhok naman nito na hanggang baywang ay tinali niya ito at inipit sa sumbrero para hindi maka istorbo.

"Andito na si, Ynna!"

Bumaling ang kaniyang tingin sa sigaw na iyon at nang makita nito kung sino ay agad niyang nilapitan saka sinuntok ng mahina sa tiyan napa aray naman ito at kunwaring nasaktan at tinawanan na lamang niya.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon