Ynna's POV:
Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Czech. Dahan-dahan akong bumangon dahil nananakit ang buong katawan ko.
Hindi ko na alam kung nakailan kami kagabi basta ang alam ko lang sa sobrang sarap ng nararamdaman ko ang resulta ay ang pananakit ng katawan ko.
Nakakapagod lalo na't ang tigas nitong papag, ang sakit-sakit sa likod. Hindi na ako magtataka kung sumakit ang likod ni senyorito, sanay kasi 'yon malambot na higaan.
Pinulot ko ang mga damit ko at sinuot iyon. Pagkalabas ko palang ng aking silid ay dinig ko na ang nagbabangayan,bnabosesan ko si Celestine at Riana na nagsisigawan.
Ano na naman kaya ang pinag-aawayan ng dalawang 'to?
Kahit kailan talaga mga siraulo. Dinig na dinig sila hanggang dito sa taas, may umaawat rin sa kanila.
Nang tuluyan na akong makababa ay nanlaki ang mata ko dahil nagsasabunotan si Riana at Celestine habang nag sisigawan, nakayakap sa likod ni Riana si Enrage habang ang apat ay nakaupo lang at pinagmamasdan sila.
Seryoso? Hindi man lang nila tinulongan umawat si Enrage? Tiningnan ko ang paligid at mabuti na lang ay wala sa bahay sina Tatay at ananay tanging si Tiya lang, wala rin si Dodong.
Pati si Enrage ay nasasali sa sabunotan ng dalawang babae, ang gulo-gulo ng buhok nila kasing gulo ng pugad ng ibon.
Nakatayo lang si Tiya sa may tabi habang binabantayan at hinihintay na kumulo ang takuri. Minsan ay hinihipan pa nito gamit ang isang pulgadang kawayan upang lumakas ang apoy niyon dahil ang gamit namin ay panggatong.
Gusto kong kutosan si Tiya dahil hindi rin ito umaawat, nakatingin lamang siya sa dalawa at naka kros ang magkabilang braso sa may bandang dibdib.
Muling bumaling ang paningin ko sa apat na lalaking nakaupo at agad dumapo ang aking mga mata sa lalaking nag mamay-ari ng asul na mga mata.
Ito na naman iyong pakiramdam kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, laging bumibilis ang tibok ng puso ko, na sa tuwing nagkakasalubong ang paningin namin at sa paraan ng kung paano niya ako tingnan ay pakiramdam ko ako lang 'yong babaeng nakikita niya, na ako lang 'yong babaeng nag e-exist sa mundong ito.
Dahil sa pakiradam na 'yon lagi akong umaasa na sana ay totoo nga ang nababasa kong emosyon sa mga mata niya, sana hindi ako umaasa sa wala dahil alam ko kung gaano kasakit ang umasa lalo na sa taong mahal na mahal mo.
"Ynna! Tulungan mo ako, mamaya na kayong magtitigan, dude!" Bumalik ang ulirat ko ng marinig ang sigaw ni Enrage.
Nang tumingin ako sa kanilang gawi ay napakasama ng tingin niya sa akin lalo na sa mga kaibigan niya na walang pakialam kahit nagkakagulo ang paligid.
"Bakit naman kasi sumali ka sa sabunotan nila? Bakla kaba?" Nagdadabog akong naglakad palapit sa kanila.
"Eh, kung halikan kaya kita nang makita mo!" Inis niyang sigaw sa akin.
"Don't you dare." Mahinang wika ni senyorito ngunit mababakas sa boses niya ang panganib.
"Ito naman parang nagbibiro lang eh." Ngusong sabi naman ni Enrage ngunit bigla itong napangiwi ng makalmot ni Celestine ang mukha niya.
"Fuck! Stop it you two!" Natatawang lumapit ako kay Riana ngunit muntikan na akong mapasubsob ng bigla akong naitulak ng malakas.
Kung nakilala ko lang kung sino sa kanilang tatlo ang tumulak sa akin ay baka nasuntok ko na.
"Mga putangina naman, oh! Ako na nga itong umaawat tinutulak niyo pa ako, hayop!"
"Ynna, doon ka kay Celestine. Faster!" Abat! Ito kaya ang suntokin ko? Kung maka utos kala mo naman may nai-ambag sa gulo ng dalawa, tsk.
BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
RomanceCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...