CHAPTER 19

10.1K 270 6
                                    

Third Person's POV

WARNING: SPG|R-18

Naglakad si Ynna patungo sa may pinto upang lumabas sana.

"Where are you going?" Napaigtad siya ng biglang magsalita si señorito.

Ni-lingon niya ito at ayon na naman 'yong kabang kaniyang nararamdaman ng magsalubong na naman ang kanilang mga mata nila.

"H-huh?" Napalunok siya ng laway ng hagorin siya ni señorito ng malagkit na tingin mula ulo hanggang paa.

"Matulog ka na."

"U-mmm... Saan po ako matutulog s-señorito?" Nakayuko lamang siya habang pinaglalaruan ang kaniyang daliri.

Hindi niya naramdaman ang paglapit sa kaniya ni señorito. Nalaman lang niya na magkalapit sila ng hawakan ni señorito ang kaniyang baba upang sila'y magkatinginan, ito na naman 'yong pakiramdam. Ang lakas ng tibok ng puso niya.

Kahit kinakabahan siya ay nakayanan parin niyang makipagtitigan kay Czech, nakatingala siya sa binata dahil matangkad ito kumpara sa kaniya.

Bumaba ang mukha ni señorito sa kaniya at ilang dangkal na lang ay magdidikit na ang labi nila ng biglang may kumatok at dahil nasa likod ni Ynna ang pinto at malapit sila doon ay napaigtad siya dahil sa gulat.

"Ynna, dude. Nand'yan ba kayo? O, natutulog na?" Halata ang pagkainis ni Czech ng mabosesan nila si Enrage.

"A-ano ba'yon?" Lumayo siya kay señorito at binalingan ang pintuan saka hinawakan ang door knob bago binuksan iyon.

Bumungad sa kaniya ang nakasimangot na mukha ni Enrage.

"Ano? M-may kailangan ka?" Kaunting awang lang nh pinto na tanging ulo lamang ang nakalabas, nakadungaw siya kay Enrage.

"Asan si, Czech? Dude! 'Yong sasakiyan ko ah! Palitan mo!" Tamo na! Napaka istorbo di parin maka move-on sa seatbelt niyang gi-nunting ni Ynna.

"Fuck off asshole!" Napaigtad siya sa biglang sigaw ni señorito halata sa boses nito ang pagkairita.

"Dude, alam mong bagong bili ko pa lang 'yon diba?" Sasagot sana si Ynna ng maunahan na siya ni Señorito Czech.

"Yeah. Just name your fucking price and leave." May diing untag ni señorito kay Enrage at bigla namang lumawak ang ngiti nito.

"Yon oh!" Napasuntok pa sa hangin at tuwang-tuwa ang bitlog. "Hmm. Sabi mo name your price, ah. Bale, kahit five million na lang." Literal na nanlaki ang mata niya ng marinig niya ang sinabing price ni Enrage.

"A-ang mahal naman. Baka nangungutong ka lang, Enrage." 'Yung malawak na ngiti ng binata ay kusang napawi iyon sa sinabi ni Ynna at dinuro pa nito ang dalaga.

"Ikaw! Sinira mo na nga ang seatbelt ko sasabihan mo pa ako ng nangungutong?!" Ayan na naman ang boses niyang masakit sa tenga.

"Toto--"

"Leave fucker." Tinikom na lang ni Ynna ang bibig ng putulin ni señorito ang isusumbat na naman sana laban kay Enrage.

"K fine." Nakangusong tinalikuran siya ni Enrage.

Pinigilan niyang matawa dahil muntikan na itong mauntog ang mukha sa pader dahil naka yuko ito habang naglalakad at feel na feel ng gago.

"Wala kang nakita, Ynna!" Sigaw sa kaniya ni Enrage at lumingon pa ito sa paligid sinisiguro na walang ibang nakakita sa kaniya.

"Oo na lumayas kana!" Buliyaw niya kay Enrage habang natatawa.

"Close the door." Napalingon siya kay señorito at ganun na lamang ang panlalaki ng mata niya ng makitang tanging itim na boxer lang ang suot nito habang nakahiga sa kama ang kalahati ng katawan niya.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon