CHAPTER 34

8.8K 230 4
                                    

Ynna's POV:

Naalimpungatan ako at bumungad sa akin ang puting kisame. Ginalaw-galaw ko ang katawan ko at agad akong napangiwi dahil sa sakit ng buong katawan ko.

Nilibot ko ang paningin sa buong silid at tanging puting pader lamang ang nakikita ko, sa may tabi ko naman ay ang di kalakihang mesa na may nakapatong doon na iba't ibang prutas 'yong iba ay hindi na pamilyar sa akin.

Kahit masakit pa ang likod ko ay pinilit kong bumangon saka sumandal sa aking kinahihigaan may kung anong nakatusok sa kamay ko na parang maliit na hose diko alam kung anong tawag do'n.

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon. Pumasok ang babaeng nakaputi at may nakasabit sa leeg niya, doktor siguro ito? Ngumiti siya sa akin at nginitian ko rin ito mukha namang mabait eh.

May dala siyang papel at nung makapalapit siya sa akin ay agad nitong inabot sa akin ang hawak nitong papel nagdalawang isip pa ako kung aabutin ko ba iyon o hindi.

"Take it, 'yan ang resulta ng pananakit ng tiyan mo at mabuti na lang nadala kanila agad dito sa hospital. And please lang huwag mong tatanggalin 'yang dextrose dahil kailangan mo'yan para sa katawan mong nanghihina." Tinuro nito ang kanina'y sinasabi kong nakatusok sa kamay ko.

"A-ano po ba ang laman nito? Hindi ko naman po maintindihan..." Namula ang pisngi ko ng bahagya siyang matawa at muling kinuha sa akin ang papael. Nakakahiya naman kasi, bakit ba ang bobo ko, hay.

"Hindi na'ko mag papaligoy-ligoy pa Miss Reyes, buntis ka."

"Ah, ganun po ba..." Tumangotango ako at muling inalala ang sinabi niya, buntis daw ako... buntis. Ay teka! Buntis daw ako?!

"A-ano po! Bu-buntis ako?! Pa'nong... pa'nong..." Buntis ako? Ano nang gagawin ko? Bakit? "Pa'nong... nangyari yon?..." Nanghihinang naibagsak ko ang kamay ko at mabilis na tumulo ang luha ko.

Ano nang gagawin ko? Nangako ako kay nanay eh. Paano kung malaman niya ito? Paano kung malaman nila, matatanggap kaya nila ako o di kaya ang batang nasa sinapupunan ko.

Ang bata-bata ko pa para maging ina... wala akong pinagkaiba sa mga sinasabi ni nanay. Ano nang mangyayari sa akin? Si Czech? Paano ko ito sasabihin sa kaniya. Baka ipagtabuyan lang niya ako.

"Actually. Dalawang buwan ka nang buntis. Alam kong masyado kapang bata para sa setuwasyong ito pero. Ynna, sinasabi ko sa'yo huwag mong tangkaing patayin ang batang nasa sinapupunan mo, maging matapang at matatag ka para sa kaniya."

"Ang dami ko ng naikwentrong mga kabataang maagang nabubuntis at karamihan sa kanila ay mas ginusto nilang ipalaglag ang walang muwang na paslit."

Umupo ito sa tabi ko at pinunasan ang luha na patuloy parin sa pagtulo, hinaplos niya ang likod ko at kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko.

"Bata kapa para maging ina pero ito na'to, huli na ang lahat para pagsisihan mo ang mga nagawa mo. Pero huwag kang mawawalan ng pag-asa, alagaan mo ang sarili mo para sa magiging anak mo. Mahalin mo siya ng higit pa sa sarili mo. Maaga rin akong nabuntis katulad mo pero alam mo 'yong masakit?"

"'Yong hindi ka pinanindigan ng lalaking nakabuntis sa'yo, yong lalaking nakabuntis kasi sa akin bigla na lang niya akong iniwan ng walang paalam at hanggang ngayon wala parin akong balita sa kaniya."

"Pero alam mo ba? 'Yong anak ko ang naging dahilan para muling bumangon at lumaban, nang dahil sa kaniya ang dami ko ng natutunan, sa una ayaw ko sa kaniya dahil iniwan ako ng lalaking minahal ko ng totoo, iniwan ako ng ama niya nang dahil sa kaniya, pero nung naisilang ko siya at marinig ang iyak niya umiyak na rin ako."

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon