Ynna's POV:
Nang matanaw ko ang kabahayan sa lugar namin ay nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Tatlong araw akong nagtiis sa biyahe makarating lang dito sa probinsya.
Nung hinatid ako ni Tiya ay nagdadalawang isip pa siya kung hahayaan na lang ba niya na ako lang mag-isa ang babiyahe dahil wala daw akong kaalam-alam kung saan ako tutungo.
Kung saan ako sasakay dahil natatakot siyang may mangyaring masama sa akin.
Pero kalaunan ay napapayag ko rin naman siya dahil sa pag pupursige na makauwi ako dahil baka mabaliw ako kakaisip kung ano na ng lagay nila nanay.
Unang sakay ko palang sa van ay kinabahan na ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung saan ba dapat ako bababa.
Mabuti na lang ay binilin ni Tiya sa drayber kung saan ako bababa at isa pa may nakasabay rin akong babae na sa Hacienda Delgado rin ang destinasyon pero sa Amaya siya bababa.
Nang huminto na ang traysikel sa may gilid ay bumaba na ako habang bitbit ang malaki kong bag, ito rin iyong dala ko nung sumama ako kay Tiya pa-maynila.
Nagbayad ako sa drayber at agad namang umalis ito. At dahil tinaguriang tsismosa itong lugar namin ay ang daming nakatingin sa akin na akala mo'y naka kita ng diyosa.
Napapatingin din sila sa suot kong damit at nakikita ko sa mga mata nila ang paghanga pero mas nanaig sa kanila ang mapanghusgang tingin.
Isa ito sa bigay sa akin ni Amanda. Naka summer sexy mini dress ako na kulay abo at ang sapatos ko naman ay kulay puti. Buti na lang at hindi umulan dahil baka pagkarating ko sa bahay ay daig ko pa ang nag-araro.
Tanghali na nang makarating ako kaya mainit na, kinuha ko ang pantali ko sa buhok dahil sobra na akong naiinitan at nagsisimula na akong pag pawisan.
Napatingin ako sa pulsohan ko at napa buntong hininga ng makita kong namamaga ito dahil sa ginawa ni senyorito.
Kahit talaga sinasaktan niya ako ay nangingibaw parin iyong pagmamahal ko sa kaniya na alam kong balewala lang ito para sa kaniya.
Nagsimula na akong maglakad at bawat hakbang ko ay pinagbubulongan ako ng mga tsismosang palaka.
"Diba siya 'yong anak ni, Camilla?"
"Ay oo mare. Balita ko nagtanan daw iyan." Grabe naman 'to kung maka tsismis mali-mali naman at isa pa huwag na kaya sila magbulongan kasi dinig na dinig ko naman ang pinagsasabi nila.
"Sa maynila daw nagpunta mga mare, tingnan niyo nga iyang suot niya oh. Dati naman hindi siya ganiyan manamit tapos ngayon ang laswa na kung manamit."
Isa pa 'to kung makalaswa naman sa suot ko kala mo kita na ang kaluluwa ko, hita lang naman ang nakikita sa akin. Palibhasa mga inggitira, hmp!
"Baka porener ang nabinguwet niyan kaya ganiyan na ang suot niya at saka tingnan niyo ang buhok niya, dati parang pugad 'yan ng ibon." Hay, naku mamatay kayo sa inggit mga impakta!
"Iba na talaga pag malandi 'no? Pero sa bagay saan ba naman nagmana edi sa Nanay Camilla niyang kasing landi niya."
Biglang nagpanting ang tainga ko ng marinig ko ang pangalan ni nanay at ano daw? Malandi ako at kay nanay ako nagmana ng kalandian?
Aba! Ayos lang naman sa akin kung ako lang pero pag pamilya ko na ang nadadawet pasensyahan na lang tayo mga mare.
"Kung maka pag salita ka naman ng malandi kala mo walang nakakaalam sa sarili mong baho. Baka nakakalimutan mo Aling Dedet, naging bayarang babae ka. At saka tumigil na kayo sa kakatsismis kung wala naman kayong mai-ambag sa sarili ko!"

BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
Roman d'amourCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...