Third Person's POV:
Naka upo lamang si Ynna habang inaayos ng bakla ang kaniyang buhok na hirap na hirap sa pagsuklay dito dahil dinaig pa ng pugad ng ibon sa gulo nito.
Minsan lang kasi siya mag suklay kaya ganoon na lamang kahirap suklayin, edagdag mo pa ang pagka buhaghag nito.
Ang isang bakla naman ay inaayosan ang mukha nito habang si Amanda naman ay hindi niya alam kung saan nag susuot iyon pagkarating kasi ng sinasabi nitong make-up artist ay umalis na agad siya.
Ni hindi niya alam kung anong gagawin ni Amanda dahil hindi naman niya sinabi kay Ynna.
Halata sa mukha ng bakla na naiinis na ito dahil sa magulo niyang buhok tatlong bakla ang kasama niya sa silid na iyon, 'yong isa ay abala sa pag aasekaso sa susuotin daw niya.
Naiiyak na siya sa pinaggagawa sa kaniya ng dalawang bakla ang sakit na ng anit niya dahil kapag hindi iyon nasusuklay ng bakla ng maayos ay basta-basta na lang niya iyon hihilain kaya pati ang ulo niya nasasama nahihilo na rin ito dahil sa kanila.
Gusto na rin niyang kamutin ang mukha dahil sa kung ano-anong pinaglalagay doon ng bakla at kinikiskis ng kung ano-anong ginagamit sa pag me-make-up.
Sa buong buhay niya ngayon lang niya ito naranasan at hindi siya makapaniwala na nangyayari ito ngayon sa kaniya simula ng makilala niya ang señorito ay hindi niya maitatanggi na may magandang naidulot ito sa kaniya.
Ngunit masakit parin ang pinagdadaanan sa señorito. Naiiyak na siya dahil sa paglalagay ng maskara sa kaniyang pilikmata.
Lagi siyang napapakurap kaya paminsan-minsan ay nalalagyan ng maskara ang kaniyang mata at mahapdi iyon.
Hindi rin naman nagtagal ay naka survive siya sa mga pinaggagawa nila sa mukha at buhok niya.
Nakapikit lamang ang kaniyang mga mata at hindi pa niya nakikita kung anong kinalabasan ng make-up niya baka nagmukha na siyang clown o di kaya ay nagmukha ng pokpok ang itsura niya.
"Open your eyes." Anya ng bakla na siyang nag-ayos sa kaniyang mukha.
"P-po?"
"Ang sabi ko buksan mo ang mata mo at nang makita mo ang naging resulta ng itsura mo."
Malumanay na sabi nung bakla at siya naman ay bumuntong hininga ng malalim bago dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang mga mata.
Sa una ay hindi pa naging klaro ang kaniyang paningin dahil siguro sa pag pikit niya kanina at sanhi rin nung maskara.
Naka ilang kurap si Ynna habang nakatingin sa salamin at nakanganga ito hindi maka paniwala na may igaganda pa pala siya.
"Hindi naman mahirap na pagandahin ka dahil maganda ka naman talaga." The gay was smiling at her while staring at her in the mirror
"Naku, maliit na bagay hehe." Napaka kapal pinuri lang siya ang hangin na!
"Oh, siya isuot mo na ang dress mo dahil malapit ng mag alas dose."
Pumitik pa sa ere ang kamay ng bakla saka inalalayan siya nitong tumayo mula sa pagkakaupo.
Ynna's stared at the beautiful dress in front of her she can't believe it that she will wear it, for her it is the most beautiful she can wear in all her life.
BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
RomanceCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...