CHAPTER 38

8.2K 234 7
                                    

Ynna's POV:

"Hey..." Napalingon na ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko na bahagya pang nanginginig. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Galit ka?" Ngumiti ako ng mapait at humarap sa kaniya.

"B-bakit naman ako magagalit? Para s-saan?" Hindi naman ako galit hindi ko lang maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nang kausapin ako nang babaeng 'yon bigla akong nanliit sa sarili ko, lalo na nang tinawag niya akong kid.

"About, Alyssa... Baby, she's nothing to me..." Bigla akong napasinghot dahil tutulo na ang sipon ko kakaiyak.

"Bat ka na naman tumatawa?!" Sinamaan ko siya ng tingin at inagaw ko ang kamay ko mula sa kaniya.
Nakakainis kasi siya kitang umiiyak 'yong tao tapos tatawanan pa.

"Sino ba kasi ang babaeng 'yon? Hindi naman maganda, mukha nga siyang ganso eh, ang haba ng leeg. Tapos kamukha pa ni Dora dahil sa buhok niya, wala ring laman 'yong dibdib kumpara sa akin. Mukha rin siyang linta kung maka kapit ang higpit. Ang sarap niya tuloy budburan ng asin, 'yong Alyssa na'yon! Walang-wala 'yon sa---"

Bigla akong napatigil ng hawakan niya ang batok ko at siniil ng nanggigigil na halik. Nang maghiwalay ang labi namin ay nakangiti na ito habang hinahaplos ang pisngi ko.

"You're right... You're beautiful, you're better than her. And baby, don't be jealous, after all I'm all yours." Neknek mo.

"Bakit ganun na lang siya makakapit sa'yo? Tapos kung maka-utos, naku! Nakakainis ang babaeng 'yon, sobrang pangit!" Bigla siyang natawa at pinisil ang tungki ng ilong ko.

Sa totoo lang puro kasinungalingan ang mga sinabi ko. Maganda si Alyssa, sobrang ganda niya. Lalo na ang huboh ng kaniyang katawan at napakakinis rin ng kaniyang balat.

"So cute." Ngumuso ako at sinamaan siya ng tingin. "Oh, galit ka na naman?"

"Ewan ko sa'yo." Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at umayos ng upo habang naka halukipkip.

"Let's go outside." Binuksan niya ang kaniyang sasakyan pagkatapos ay pinagbuksan niya rin ako.

Pagkababa ko pa lang sa sasakyan ay namangha na ako sa ganda ng paligid sayang at hindi ko man lang nakita ang dinaanan namin patungo rito.

Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ang nag tataasang gusali at mukhang may kalayuan rin ito sa siyudad, bakit di ko man lang namalayan na napalayo na pala ang narating namin.

Tanging kami lang ang tao dito, nasa pinakatuktok kami at napaka sariwa ng hangin natatakot akong tingnan ang nasa ibaba dahil pakiramdam ko may tutulak sa akin.

Puro puno rin ang lugar na'to at may mga halaman ring nakatanim sa may gilid, napakalinis rin at halatang inaalagaan ang lugar na'to.

Ngayon ko lang rin napagtanto na naka uniporme parin ako ng pang katulong siguro kung may ibang tao rito bukod sa amin ay baka kanina pa ako pinagtatawanan.

Pakiramdam ko maiiyak na ako dahil sa ganda ng tanawin, bahagya akong napaigtad ng maramdaman ko ang mainit na brasong yumakap sa akin mula sa likuran.

Binaon niya ang mukha niya sa balikat ko at hinapit pa lalo, ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan niya pati ang umbok nito ay ramdam ko.

May pilyong sumagi sa isip ko, kumalas ako sa yakap niya at humarap sa kaniya ng may matamis na ngiti sa mga labi, napakunot ang noo niya at halatang nagugulohan sa tinuran ko.

"The fuck, baby!" Napahagikgik ako sa naging reaksyon niya, mas lalo ko pang idiniin ang kamay ko sa pagkakahawak sa pagkalalaki niya na buhay na buhay.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon