Ynna's POV:
"You want to go there?" Napatingin ako kay Riana.
"Huh?"
"Gusto mo bang pumunta do'n sa taniman?"
"Puwede ba?"
"Of course. Sasabihan ko si, Nanang Sabrina na samahan tayo patungo roon." Tumango-tango ako sa kaniya habang nakangiti. Hindi na ata ako maka pag antay na maka punta roon at sa palagay ko magugustohan ko ang lugar na'yun.
Dahil nasa likod lang naman kami ng bahay ay bumalik na kami sa loob upang mag bihis ngunit nang tingnan ko ang damit ko ay kakaunti lang pala at wala akong dalang pangbukid lahat pambahay at madali lang mamantsahan.
Kumatok ako sa pintuan ng kuwarto ni Riana dahil manghihiram sana ako ng masusuot ko.
"Yes?"
"Puwedeng makahiram ng damit? Kulang kasi 'yong dala ko at madali lang mamantsahan." Tumango siya sa akin at nilawakan ang bukas ng pintuan saka pinapasok niya ako.
Ngayon ko lang napansin na kulay pink pala ang buong kuwarto niya, pati ang pader ay kulay pink rin. Mahilig talaga siya sa pink. Mabango rin ang kuwarto niya at amoy strawberry, 'yan din ang amoy niya palagi kaya siguro hindi nakakatiis si Enrage at nasusunggaban siya.
Pumunta siya sa may kabinet at kumuha roon ng damit saka inabot sa akin. Muli akong bumalik sa kuwarto at nag hubad upang magpalit. Kulay itim na damit at mahaba ang manggas nito, kaparis niyon ay kulay itim rin na pantalon at buta.
Tinali ko ang buhok ko at saka sinuot ang sumbrero bago lumabas, napatingin ako sa kabilang kuwarto ng bumukas iyon. Namangha ako sa ganda ni Riana dahil kahit ganun na lamang kasimple ang suot niya ay lumilitaw parin ang taglay niyang kagandahan at ang maputi at makinis nitong balat.
Pagkababa namin ay nandoon na si Rina at 'yung kasama niyang lalaki kanina hindi kami masasamahan ni Nanang Sabrina dahil may ginagawa raw ito kaya si Rina na lang ang pinasama sa amin at 'yong lalaki kanina na hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang pangalan niya.
"Sabi ni nanay kami na raw muna ni, Jody ang sasama sa inyo dahil may ginagawa pa siya." Natutuwa ako dahil hindi na siya nautal tulad nung kanina.
"It's okay. So, let's go?" Tumango kami kay Riana.
Nauunang mag lakad ay si Rina sunod sa kaniya si Riana sunod naman ay ako at ang panghuli ay si Jody. Ang daanan pala patungo roon ay sa likod ng bahay, makipot ang daan at matataas ang damo kaya kailangan naming hawakan iyon upang hindi sumagi sa aming mukha.
Pababa ang daanan at may matatawid pa kaming ilog tapos ay paakiyat na naman ang daan bago mo marating ang taniman. Hindi rin naman gaanong kataas itong binabagtas naming daan at hindi rin kalayuan kaya hindi rin namang nagtagal ay nakarating na kami sa may ilog.
Parang gusto ko tuloy maligo. Habang naglalakad kami ay nagkukuwento si Jody tungkol sa ilog, kaya pala malinis ay dahil alagang-alaga ito at sobrang linaw rin. Sa unahan raw sabi ni Jody ay ang talon.
Kuwento lang siya ng kuwento hanggang sa nakarating na kami sa ituktok at namamangha na naman dahil sobrang ganda ng tanawin. Una naming narating ay ang mga niyog bawat hakbang namin ay napapatingin sa amin ang mga tao na nadadaanan namin. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang gawain.
"Maligayang pagbabalik po, Ma'am Kadriana." May lumapit sa aming hindi katandaang lalaki at parang may kamukha siya.
"Thank you. And by the way I just want to introduce my friend to all of you!" Lahat natigil sa ginagawa at napatingin kay Riana. "Everyone! This girl beside me is my bestfriend, my ate. And she's Jusephynna but you can call her Ynna." Tang inang babae 'to bat kailangan pa niya akong ipakilala wala naman akong mai-ambag dito.
BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
RomanceCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...