CHAPTER 43

9.1K 219 2
                                    

Ynna's POV:

Akala ko nananaginip lang ako habang nakakatitig sa maamo niyang mukha, para siyang anghel na natutulog pero para namang halimaw paggising.

Nakadapa ako sa ibabaw niya at nagising na lamang ako na nakapatong ang ulo ko sa malapad niyang dibdib habang nakapulupot naman sa akin ang magkabila niyang braso.

Tinukod ko ang magkabila kong siko sa dibdib niya at nag pangalumbaba. Ang sarap lang pagmasdan ng mukha niyang ubod ng kagwapohan, sayang lang at napaka sama ng ugali. Kalalaking tao napaka sungit dinaig pa si nanay nung pinaglilihi niya si Dodong.

Nang maramdaman ko ang paggalaw niya ay bigla akong nataranta. Aalis na sana ako sa ibabaw niya ngunit ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin at kulang na lang pigain ako. Kakainis naman ang lalaking 'to sarap piktusan, kung di ko lang 'to mahal naku!

"Don't move, baby. You're waking up the beast..." Ay shutang'na! Ang sarap ng boses niya halatang namamaos dahil bagong gising.

"Bitaw na kasi." Enebe nemen!

Dahil sa pag lulumikot ko may nasagi ang hita ko. Gan'on na lamang ang panlalaki ng mata ko ng mapagtanto ko kung ano 'yong matigas na'yon.

"Sabing huwag gagalaw, nagising tuloy." Nakangisi niyang sabi.

"Gising na gising nga. At parang gusto na namang manuklaw." Napatingin ako sa mukha niya.

Bakit ang guwapo?! Dilat na dilat ang mga mata niya at nakatingin rin sa akin habang may demonyong ngisi sa labi niya.

"One more round?" Kinagat niya ang pang ibaba niyang labi na para bang inaakit ako. At ako naman 'tong si marupok ang dali-daling maakit!

"Ang maniyak mo talaga 'no? Pagod na nga ako iisa kapa!" Pinalo ko ang dibdib niya at ang loko pinagtawanan lang ako. Hayop!

"I love you..." Nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso iyon. Kusang kumalabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko huminto ang oras.

"A-ano, b-bakit... Ay teka lang bakit ba ako nauutal?!" Sinamaan ko siya ng tingin. Ang lakas kasi ng tawa ng demonyo.

"So fucking cute." Pinisil niya ang pisngi ko habang humahalakhak ito sa tawa. Naiinis na naman ako sa demonyo na'to!

"Bitawan mo nga ako! Demonyo ka!"

"Kiss muna." Ay, hala! Si Señorito Czech Delgado ba ito? Parang hindi na siya ang kaharap ko dinaig pa niya ang bata habang nakanguso.

"I'm waiting, baby." Ayon nakanguso parin, sarap kagatin ng mapula niyang labi! Yummy!

"Ikiskis ko 'yang nguso mo sa pader, gusto mo?" Umiling-iling siya habang nakanguso. Diyos ko! Ibalik niyo 'yung totoong Czech!

"Ayaw." Parang batang nagmamaktol. "Kiss mo si, baby Czech!" Napatampal ako sa noo ko habang nakatingin sa bata-- este sa demonyong sinapian. Tangina naman si Czech ba'to mukhang malala pa ata 'to kay Enrage eh.

"Para kang tanga!" Sinamaan niya ako tingin na ikinatawa ko. Hayop! Para talaga siyang tanga.

"Huwag kang ganiyan kinikilabutan ako. Jusko!" Biglang nag seryoso ang mukha niya at ngumisi ng demonyo, puta! Mukhang alam ko na binabalak nito.

"Ayaw mo'kong e-kiss, ah. Itong sa'yo!"

"Waaahhh! Nanay! Tulong!" Tanginang hayop bigla ba naman akong daganan at kilitiin. Ito ang kahinaan ko! "Waahh! T-tama na HAHAHAHA- Czech tam- HAHAHA--" Mangiyak-iyak ako dahil sa ginagawa niya, ayaw ko nito. Huhu.

"Eki-kiss mo'ko o hindi?!"

"O-oo na- pfftt- AHAHAHA-- Ayaw ko na. Baby!!!" Parang may dumaan na anghel at bigla siyang napatigil at nanahimik. Napatingin ako sa mukha niyang namumula. Hala! Bat siya namumula!

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon