Third Person's POV:
Tiningnan niya ulit ang mukha nito at pinaka titigan, ang tangos ng ilong tapos dagdag mo pa ang umiigting nitong panga at tila nangingitngit sa galit.
Bumaba pa ang kaniyang paningin ang malapad nitong dibdib at ang mascle nitong pumuputok, ang laki naman ng katawan ang sarap lalona 'yung pandesal nito nakaka silaw jusko!
Habang tumatagal ang pag titig niya sa perpekto nitong katawan ay dumapo iyon sa pagkalalaki niyang bahagyang naka umbok.
"Eyes up woman!"
Sa gulat nito ay iba ang lumabas sa kaniyang bibig.
"Ay! Malaki!
Napahawak siya sa kaniyang bibig at pinalo-palo 'yun. Gan'on na lamang ang pag-iinit ng kaniyang mukha ng ngumisi ito.
"Tsk, you didn't answering my question..." Ano nga ba ang tanong niya.
"What's your name?"
Napakamot sa batok si Ynna at pilit na ngiti ang kaniyang isinagot dahil hindi maintindihan ang sinasabi nito, bakit naman kasi nag e-english pa.
"A-anong sabi mo? H-hehe." Napakagat labi siya ng irapan siya ng kausap. "H-hindi kasi kita... ano, maintindihan."
"I said... fuck! Anong pangalan mo?" Tila nauubosan na ito ng pasensya kaya kinakabahan siya dahil baka bigla siya nitong ibalibag.
"A-ah 'yun pala 'yun." Tumango-tango pa ito. "Ako si, Jusephynna Reyes... Ynna na lang." Sabay abot ng kamay upang makipag kamayan.
Nabigo lamang siya at agad ibinaba ang kamay niyang nasa ere sa biglaan nitong pagtalikod sa kaniya, ang sama ng ugali pasalamat ka guwapo ka!
"A-alam mo ba ang dahilan nung putukan kanina?"
"Don't know." Tamad nitong sagot sa kaniya.
"T-taga saan nga pala kayo nung mga kasama mo? Atsaka anong pangalan mo?"
"None of your business."
Aniya sa malamig na boses.Nanahimik na lang siya dahil baka dumugo lang ang ilong kaka english nito. Bumaling ang tingin niya sa lamesang nasa gitna at lumapit doon upang umupo sana.
"Hey! Don't you fucking sit there, you're dirty."
Napatalon siya sa gulat sa pag sigaw ng kasama at napatingin sa tinuturo nito at 'yun ay ang upuan, lumayo na lang siya sa upuang 'yun at sa mga bulaklak na naman siya nag tungo.
Nawiwili siyang pag masdan ang mga nag-gagandahang mga bulaklak lalo na sa mga paro-parong nag liliparan at dumadapo sa bunga nito.
Muling nag lakad si Ynna at doon na naman patungo sa kinatatayuan niya kanina may kaunting taas 'yun at para bang sinadya talagang lagyan 'yun ng hagdan na gawa sa bato.
May tubig din 'yun na hanggang talampakan lang ang babaw, umupo siya sa buhanginan malapit sa hagdanang 'yun at binaybay ang paa niya.
Ginalaw-galaw niya 'yun dahil sa naramdaman niyang pangangalay kanina lamang.
Gusto sana niyang tanawin ang lagusan ng kuwebang ito ngunit naalala niyang pagkapasok pa lamang nila ay lumiko pa sila pa kanan kaya andito sila ngayon sa kanilang kinaruruonan.
Dahil naiinip na siya dahil sa sobrang tahimik ay dumakot na lang siya ng buhangin at pinaglaruan 'yun.
Binubuhos niya sa kabilang kamay pagkatapos ay ibubuhos na naman sa kabila, salit-salitan lang niyang ginagawa 'yun.
Habang ginagawa 'yun ni Ynna ay sumagi sa isipan niya kung nasaan napunta si Rheyo, saang lupalup na ng mundo pumunta ang lalaking 'yu at hindi man lang siya hinanap!
BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
RomanceCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...