CHAPTER 2

14.1K 315 0
                                    

Third Person's POV:

Naka-tungo lamang siya habang naka upo sa upoan sa loob ng Police Station, nandito sila ngayon upang ayosin ang nangyari sa palengke.

Pagkatapos umawat nung guwapong lalaki ay dumating naman ang mga naka unipormadong mga pulis at agad silang dinala sa presento dahil sa gulong nangyari.

Mabuti na lamang ay dumating kaagad ang mga kapulisan kung hindi ay hindi na niya alam kung ano ang kalalabasan ng gulo.

Muntikan na ring masaksak ang guwapong lalaki dahil hindi nila mapigilan ang Ina sa gigil nito kay Aling Minda.

Sa awa naman ng diyos ay kumalma ang ina, nataohan siguro dahil sa biglaang pag dagsa ng mga taong nanonood sa kanila dahil sa wang-wang ng pulis.

Si Aling Minda naman ay malayo sa kanila ang kinauupoan nito dahil baka raw mag sabunotan na ang dalawa, ang tigas naman kasi ng ulo ng matandang 'yun ayaw mag patalo e, halata naman sa mukha niya kanina ang takot na naramdaman.

Habang naka upo ay kaharap naman nito ang ina na kinakastigo ng Chief, tinatanong siya nito kung paano nag simula ang gulo at kung ano ang dahilan nito para tutukan ng kutsilyo si Aling Minda.

Mabilis naman itong nasasagotan ng ina lahat ng mga katanongan na pinapataw sa kaniya.

"Ma'am, sana po ay sa susunod ay hindi na mangyari ito, alam niyo naman po na dilikado ang ginawa niyo."

Anya ng chief sa ina nito at agad naman itong tumango, tinawag ng Chief ang isa sa mga kapuwa pulis na mababa ang ranggo sa kaniya upang puntahan si Aling Minda.

Upang dalhin sa kanilang harapan at ayosin ang kanilang gulo, sa una ay ayaw pang tumayo ng matanda dahil baka raw tutukan na naman siya ng kutsilyo ng kaniyang ina.

Pagkalapit ng matanda sa kanila at nang maka upo na ito ay sinabi na sa kaniya ng Chief na may mali rin naman itong nagawa dahil pinagsabihan siya nitong malandi at kung ano-ano pang salita na hindi maganda sa tainga.

Sinabihan rin niya ulit ang kaniyang ina na huwag ng uulitin pa 'yun dahil masyadong dilikado, mabuti na lamang ay walang nadamay dahil pag nagkataon ay baka mas lumala pa ang gulo at baka sa kulongan ang bagsak nito.

Pinagkamay ng chief si Aling Minda at ang kaniyang ina pahiwatig na pinagbabati na niya ito.

Nang abotin ng ina ang kamay ni Aling Minda ay napa igik ang matanda sa pag pisil nito sa kaniyang kamay.

Nang makita niya ang pangyayaring 'yun ay bumulong siya sa kaniyang ina upang pag sabihan, dahil katatapos lang ng gulo babalikan na naman niya, ang kulit lang e.

"Nay, sabay na po tayong umuwi dahil mag-gagabi na atsaka baka ano pang mangyari sayo d'yan sa daan."

"Siya, sige aayusin ko na muna ito at nang maka uwi na tayo pagod na rin ako, ang sakit-sakit na rin ng likod ko pati ang balakang ko."

Tinulongan na niya ang ina upang mapabilis sila ng uwi dahil hindi pa siya naka pag saing buti sana kung dumating na ang kaniyang kapatid at nag saing na ito.

Minsan kasi ay pag dumating ang kapatid galing sa paaralan ay hindi ito dume-deritso sa kanilang bahay dahil nakikipag laro pa ito sa mga bata sa kanila.

Minsan na rin ay naabotan niya itong nakikipag away sa isang anak ng siga sa kanilang lugar.

Kinakatakutan 'yun sa kanilang lugar dahil sa napaka siga at bukod do'n ay adik rin ito kaya marami ng takot sa kaniya.

Pagkatapos nilang ayosin ang dapat ayosin ay umalis na sila para maka uwi na, pumunta sila sa paradahan ng mga tricyle upang sumakay dahil nga dilikado sa lugar nila tuwing gabi.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon