CHAPTER 3

12.7K 286 5
                                    

Third Person's POV:

Sa araw na ito ay magiging abala si Ynna dahil wala ang kaniyang ina't ama sinundo kasi nila ang kaniyang Tiya Mella, ang kapatid naman nito ay pumasok sa eskwela kaya siya na lang ang natira.

Kailangan muna niyang gampanan ang ginagawa ng ama, kailangan niyang sumama sa pangingisda pero hindi sila pupunta sa pinupuntahan ng kaniyang ama at ang kasama niya ay si Rheyo.

Sa ngayon ay doon muna sila sa Amaya Resort bukod kasi sa maganda ang lugar na iyon ay marami rin silang mahuhuling isda kapag doon sila pumunta.

Kinuha niya ang kaniyang baunan at sumbrero saka lumabas ng bahay at mag tungo sa dalampasigan dahil alam niyang naroon na ang kaniyang kababata na si Rheyo.

Baka nababagot na 'yun kakaantay sa kaniya mainipin pa naman ang isang 'yun.

Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang purihin ang ganda ng tanawin napaka maaliwalas at kaysarap pag masdan, ang sarap lang din sa pakiramdam ang dampi ng simoy ng hangin.

Ang buhaghag nitong buhok ay naka lugay at tinatangay ito ng hangin kinailangan pa niyang hawakan ito upang hindi matakpan ang kaniyang mata at maka abala sa kaniyang paglalakad.

Mula sa malayo ay tanaw niya ang bundokin na kanilang pinag-aanihan ng mais.

May mga usok na nagmumula roon siguro dahil sa mga taong nagsisindi ng toyong dahon at kahoy ng mais upang linisan iyon at muling mag tanim ng mais.

Napaka swerte nga naman ng may-ari ng lupaing ito bukod sa malinis ito dahil sa taga pangalaga ay napaka lawak din ito.

May mga nag sisitaasang niyog na puwede ng sungkitin at iba't iba pang uri ng prutas na naka tanim doon.

Ayon sa kaniyang Tatay at Nanay ay pag-aari daw iyon ng pamilya Delgado.

Ang pamilyang tinitingala ng karamihan at sinasamba dahil sa taglay nilang yaman at higit sa lahat ang pamilyang Delgado ay isa sa mga pinaka maka pangyarihan sa buong pilipinas.

Kinatatakutan daw sila dahil sa lupit nila at huwag mong susubokan na banggain sila dahil wala itong inuurongan.

"Hoy!"

"Tangina mong hayop ka!"

Napatalon ito sa gulat dahil sa biglaang pag sulpot ni Rheyo sa kaniyang harapan.

"Grabe ka naman, Ynna kung mag mura sagad hanggang lalamunan." Nakangiwi nitong kinamot ang ulo.

"Kasalanan mo nanggugulat ka!"
Sinapak niya ito at sinabunotan.

"Aray! Ayaw mo pa kasing aminin na ako ang iniisip mo, eh." Tukso naman ni Rheyo sa kaniya at mas lalo pa niya itong sinabunotan.

"Ang kapal naman ng mukha mong siraulo ka." Binitawan niya ito at inunahan niya itong maglakad.

"Ito naman masyadong mainitin ang ulo nagbibiro lang naman ako-- hoy! Hintay!"

"Akala ko ba nauna kana sa'kin bat andito kapa!" Sigaw niya dahil malayo na ang distansya nilang dalawa.

"Syempre hinintay kita!"

Tumakbo palapit sa kaniya ang binata at inakbayan siya nito.

"Naku, di na ako magtataka kung kayo ang magkatuluyan sa huli."

"Ang tamis ba naman ng lambingan."

Napailing na lang sila dahil sa tuksuhan sa kanila ng taong kanilang nadadaanan.

"Narinig mo ba 'yun, Ynna? Bagay daw tayo."

"Utot mo, wala naman silang nabanggit na bagay tayo, tsk!"

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon