CHAPTER 37

8.6K 242 3
                                    

Ynna's POV:

Kinabukasan, nagising ako ng wala sa tabi ko si Czech sa paghihintay ko sa kaniya kagabi ay nakatulog ako, nagbabakasakali na dumating siya ngunit hanggang ngayong umaga wala parin siya.

O, baka naman sa ibang silid siya natulog? Kung sa ibang silid siya natulog ibigsabihin ayaw niya akong katabi pero imposible naman ata 'yon siya na nga ang nag rekomenda na dito ako matulog tapos sa ibang kuwarto rin pala matutulog.

Hay, naku. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga saka inayos ang kama at pumasok sa banyo para mag sepelyo at mag hilamos.

Nang matapos ako ay lumabas na ako ng silid at bumaba na para magtrabaho dahil ayaw kong ako na naman ang pagdeskitahan ng mga impaktang 'yon palibhasa kulang sa pansin.

Nasa sala palang ako nagtataka na ako sa ibang kasambahay na nagkukumahog sa pagmamadali, hindi ko alam kung bakit sila nagkakaganyan.

Tapos 'yong iba tudo punas sa sahig kahit makintab na, ano bang meron at nagkakaganito? May darating bang besita o may okasyon na naman sa kompanya nila Czech at dito gaganapin sa mansyon.

"Hoy! Ynna, anong tinutunganga mo diyan? Suotin muna ang uniform mong pangkatulong hindi 'yong nangangarap ka diyan."

Boses palang alam na alam ko na kung sinong nagmamay-ari at walang iba kun'di si Aida na laging nakabuntot kay Wendy at sa mayordoma, tsk, napaka sipsip!

"Ynna! Nakikinig kaba, ha?! Tulongan mo sila dahil malapit ng dumating sina, Señorito!" Kung maka utos naman 'tong si Wendy 'kala mo naman siya ang amo. Naku!

Gaya ng sinabi ni Madam Wendy pumunta na ako sa kuwarto ko at nagbihis ng pangkatulong at pinusod ko ang buhok ko saka lumabas sa silid at nagtungo sa mga kasambahay na nagwawalis sa labas.

Kailangan ko pang mag-ingat bawat hakbang ko dahil ayaw kong madulas, baka mapahamak kami ng anak ko. Nang makita ako ni Meika ay agad itong kumaway sa akin at lumapit sa pwesto ko.

May dala siyang malaking gunting at walis, ngumiti ako sa kaniya ng makalapit ito sa akin, ang pwesto namin ay malapit sa may swimming pool nagwawalis ako sa gilid nito.

"Hoy, babaeta. Saan kaba nanggaling at ngayon lang bumalik at infairness kasama mo pa talagang bumalik ang mahal na Señorito." Napairap ako dahil halata sa boses na na tinutukso ako.

"Hindi lang naman si, Czech ang kasama ko 'no." Napalo ko ang braso niya ng tumili ito ng malakas at pati ang mga kasamahan namin ay napapalingon, 'yong iba naman ay panay ang irap sa amin.

"Huwag ka ngang tumili. Baka mamaya niyan marinig pa tayo ng mayordoma at pagalitan tayo." Sita ko sa kaniya at muling agpatuloy sa pagwawalis.

"Hayaan mo na 'yon, wala kasing lablaip ang matandang 'yon pero balik tayo sa topic kay Cze--este Señorito." Bumungisngis pa ang bruha na parang kinikiliting bulati.

"Grabe ka, Ynna, ha, nakakatampo kana ang dami na palang naganap sa inyo ni, Señorito hindi kaman lang nag kukuwento." Tumulis naman ang nguso niya na ikinatawa ko.

"Anong naganap? Gaga ka. Ang mabuti pa manahimik kana lang diyan."

"Eehh, ayo'ko. Mag kuwento ka muna." Pamimilit niya pa at binangga bangga ang balikat ko. Medyo lumayo ako sa swimming pool dahil baka malaglag pa ako at hindi pa naman ako marunong lumangoy.

"Bakit, Czech ang tawag mo kay, Señorito? Saan ka nanggaling at pagbalik mo kasama mo na siya? Ano 'yong nakita ko kagabi, siya pa talaga ang nagbitbit ng bag mo. At saka saan ka natulog? Nakita kong nakasunod ka kay, Señorito tapos hindi ka na bumaba. Ibigsabihin... nagtabi kayo..."

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon