Ynna's POV:
Nandito na kami ni Riana sa parkingan ng sasakiyan habang inaantay 'yong tatlo at kanina habang naglalakad kami palabas ng mall ay pilit kong hinihila pababa itong suot kong dress dahil umaakiyat ito at masyado ng nakikita ang hita ko.
Hindi ako sanay sa ganitong klase ng damit pero wala na akong magagawa sa pamimilit sa akin ni Riana gusto pa nga niya akong pasuotin ng heels eh, pero umayaw ako dahil ayaw kong maranasan ulit nung umatend daw kami kuno ng party pero di naman natuloy dahil sa putokan ng baril.
Kaya ayaw ko ng magsuot nun dahil natatapilok ako at saka ang sakit sa paa nakakangalay na rin. Kaya embis na 'yong heels ang bilhin niya ay doll shoes na lang daw.
Nakalugay lamang ang buhok ko na ngayon ay tuwid na tuwid na ginupitan din nila iyon pero hindi naman ganun kahaba ang nagupit kaunti lang para ayusin.
Madulas na rin at hindi katulad noon na parang pugad ng ibon, pa'no ba naman kasi pag wala akong shampoo ay sabon ang ginagamit ko sa ulo kaya ganun na lamang itsura.
Baka pag nakita na naman ito ng mga bruha sa mansyon ay mainggit na naman ang mga 'yon. Mas maganda kasi ako sa kanila at mas lalo pa akong gumanda ngayon kaya mamatay sila sa inggit HAHAHAHA.
Kung makatingin naman ang mga lalaking 'to kala mo nakakita ng diyosa. Hay, oo nga pala may diyosa nga pala dito at hindi lang isa dalawa pa, masyado ng makapal ang mukha ko 'no? Yaan niyo na minsan lang naman 'to kaya susulitin ko na.
"Why are you tumatawa ba? You're so nakakatakot. You look like idiot." Bumalik ang ulirat ko ng marinig ang boses ni Riana ng balingan ko ito ng tingin ay nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin ito sa akin.
"Oo na, alam kong maganda ako." Aba't irapan ba naman ako ng batang 'to.
"Nga pala Riana puwedeng magtanong."
"What?" Ay taray naman.
"Bakit kapa nag bayad kanina kung sa inyo pala ang mall?" Bakit nga ba? Kung ako lang ang may-ari nun hindi na ako magbabayad. Para saan pa diba?
"Kasi hindi naman lahat ng laman ng mall ay pag-aari namin. And I don't want my dad and I to fight. You know what? We're always arguing because they're saying na I am a spoiled brat."
Ah, basta 'yong una lang ang naintindihan ko, alam naman niyang hindi ako masyadong nakakaintindi ng english eh.
"They are here na." Napanguso ako at napatingin sa direksyon kung saan siya nakatingin.
Naglalakad na ang tatlong malandi palapit sa amin na akala mo artista. Mapa babae man o lalaki ay napapatingin sa kanila sino ba namang hindi? Kung ikaw ba naman ang makakita ng ganiyang kaguwapong nilalang mapapatigil kana lang talaga.
Si Enrage na peling artista may pakaway-kaway pa sa mga babae at pakindat, si Wave naman ay seryosong naglalakad habang naka pamulsa ang kamay sa magkabila nitong bulsa.
Si Franz naman ay abala sa kaniyang selpon hindi ko alam kung anong nakikita niya doon at tumatawa ito na parang tanga, wala rin itong pakialam sa paligid niya.
Nang makalapit sila sa amin ay binulsa na ni Franz ang kaniyang selpon habang ang dalawa naman ay nagbubulongan tapos ay tatawa, paminsan-minsan ay napapatingin sila sa akin at pakiramdam ko ako ang pinag bubulongan nila.
"Hey, brat. Where's, Ynna?" Anya ni Wave na ikinangisi naman nito.
"Who's that sexy gorgeous woman beside you?" Umirap si Riana sa sinabi ni Franz habang ako naman ay nakatanga lang sa kanila.
"Is that you, Ynna?" Nanlaki ang mata ng dalawa na nakatingin kay Franz tapos lilipat naman ang tingin sa akin.
"Hindi nga? Ikaw 'yan, Ynna?" Si Enrage na parang hindi makapaniwala.

BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
Любовные романыCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...