CHAPTER 6

10.2K 244 0
                                    

Third Person's POV:

Pang huling sakayan na itong sinasakyan nila Ynna pagkatapos ay darating na sila sa mansyon na pinagtatrabahoan ng Tiya Mella niya.

Nakatanaw siya sa bintana ng van habang iniisip ang pamilyang kaniyang naiwanan.

Napaayos siya mula sa pagkakaupo ng pumutok ang fire works na kanilang nadadaanan napaka ganda nun lalo na 'yung iba't ibang kulay na parang alitaptap.

"Hala, Tiya! Tingnan niyo po 'yun oh, ang daming naggagandahang alitaptap!" Hiyaw niya at nanlalaki ang matang tinuturo ang nag-gagandahang fire works.

"Ano kaba naman, Ynna. Hindi 'yan alitaptap." Pinalo ng Tiya niya ang kaniyang kamay na naka angat sa ere, dahilan ng pagtawa ng ibang pasahero na nakasakay rin.

"Fire works 'yan okay, fire..works." Diniinan niya ito upang makuha ang tamang tawag doon.

"Fire works? Para saan po 'yun?" Curious niyang tanong.

"Depende kung saan gagamitin, puwedeng sa mga enggrandeng okasyon, 'yung mga nag ce-celebrate ng birthday puwede doon, atsaka new year ngayon eh, kaya may fire works." Paliwanag naman sa kaniya ng Tiya.

"Eh, sa atin naman po paputok lang walang mga ganiyan."

"Ewan ko sa'yo, Ynna, huwag ka na lang mag tanong." Napa sentido pa ito.

"Nga pala, Tiya saan po pala sa Maynila 'yung pinagtatrabaohan mo?"

"Sa Quezon City."

Tango lang ang isinagot niya dahil naiinis na naman ang Tiya Mella dahil sa dami ng tinatanong niya.

Napaka mainitin ng ulo palibhasa menopos na rin daig pa si Aling Minda kung kontrahin siya pero nagkakasundo rin naman sila pa minsan-minsan.

Pumangalumbaba siya sa bukas na bintana ng sasakyan at muling pinag masdan ang akala niyang alitaptap.

Namamangha siya sa ganda ng tanawin na kaniyang nakikita, sa tanan buhay niya kasi ngayon lang siya nakakita niyan.

Napapikit siya ng maramdaman ang pag dampi ng malamig na simoy ng hangin sa kaniyang mukha, naalala na naman niya ang kaniyang nanay at tatay lalo na ang pasaway niyang kapatid.

Musta na kaya ang mga 'yun? Labing walong taon na siyang nabubuhay at ngayon lang siya nawalay sa pamilya, dalawang araw palang niyang hindi nakikita ang mga ito ay namimiss na niya.

New year na new year hindi niya kasama ang kaniyang pamilya.

Umalis siya ng hindi nakapag paalam ng maayos kay Rheyo, hindi na rin siya nakapag paalam kay Betchay baka hinahanap na niya ito.

Kahit kasi isang araw lang niyang hindi makita si Ynna ay hinahanap-hanap niya ito, nasanay na siguro na palaging si Ynna ang kasama mula nung sanggol pa siya.

Sana naman matanggap siya sa trabaho ito lang ang pag-asa niya, hindi na niya alam kung saan na siya pupulutin kung hindi ito matanggap.

Hindi nag tagal ang kanilang biyahe ay sa wakas nakarating na rin sila sa Maynila, mahilo-hilo pa siyang bumaba kung hindi lang siya nakahawak sa Tiya Mella niya ay baka sumalampak na ito.

Palinga-linga ang ulo dahil naninibago ito sa mga nakikita niya, ang laki talaga ng pinagkaiba ng Maynila at ang kinagisnang lugar.

Kung sa kanila ay maingay dahil sa makina ng boat dito naman sobrang ingay dahil sa busena ng mga sasakiyan.

"Ynna! Diyos ko namang bata ka ano bang tinatayo-tayo mo d'yan? Halikana nga."

Nataohan siya sa palatak ng Tiya niya, nakakahiya naman kasi ang daming naka tingin sa kanila 'yung iba natatawa 'yung iba naman kung makatitig sa kaniya ay akalamo kakainin ka ng buhay.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon