CHAPTER 20

10.3K 326 10
                                    

Ynna's POV:

WARNING: MILD SPG|R-18

Andito ako sa kusina naka pangalumbaba ako sa lamesa habang nakatitig sa kawalan at tulala.

Sa loob ng tatlong buwan ang dami ng nangyari na hindi ko inaasahan, naging malapit na rin ang loob ko sa mga kaibigan ni señorito maliban na lang kay Daemon, nakakatakot kasi 'yon dinaig pa si señorito.

Tapos 'yong mayordoma naman dito sa mansyon, masyadong istrekto lalo na 'yong mukhang maligno at 'yong anak niya.

Lagi silang kontrabeda sa akin, inaabangan nila kung may nagawa akong mali tapos ayon pagagalitan na nila ako, kaunting butas lang puro insulto ang maririnig ko sa kanila.

kesyo-wala daw akong pinag-aralan, ignorante, walang alam sa buhay tapos sinasabihan pa nila ako ng malandi kasi nilalandi ko daw si señorito. Kasalanan ko bang mas maganda ako sa kanila kaya di sila napapansin ni Señorito Czech.

Sa tatlong buwan na pananatili ko dito ay marami na rin akong natutunan, medyo nakakaintindi na rin ako ng english pero kaunti lang .

Naging malapit na rin ako kay Nanay Lucing at 'yong pamangkin niya na katulong rin dito sa mansyon na si Mika--este Meika pala tapos si Amanda mas lalo kaming naging close sa isa't isa.

Habang tumatagal na rin ako dito sa mansyon ay pahulog na ng pahulog ang loob ko kay señorito, lalo na pag mabait siya sa akin may sumpong kasi 'yon minsan mabait pero kadalasan masungit daig pa ang babaeng may regla.

Ang bait-bait din nung mommy niya atsaka 'yong daddy niya pero minsan ayaw ko silang kausap kasi ang hilig nilang mag Alien Language, natutunan ko 'yan kay Meika.

"Ynna..."

Hay, namimis ko na rin sila Nanay kamusta na kaya sila doon hindi pa ako nakakatawag sa kanila.

"Ynna."

Sana maayos lang sila ngayon lalo na 'yong pasaway kong kapatid, sana hindi niya pinapasakit ang ulo nila Nanay at Tatay dahil sa kakulitan niya.

"Jusephynna Almario Reyes!"

"Puki ng ina mo!" Tang ina gulatin ba naman ako kitang nag mo-moment ako eh, panira.

"Bastos!" Binalingan ko ng masamang tingin si Enrage at binatukan.

"Kung maka bastos ka naman akala mo hindi kumakain ng puki!" Buliyaw ko rin sa kaniya pabalik. Kung may natutunan ako kay Meika ay isa na ito, naging bastos na rin ang bibig ko ng dahil sa kaniya.

"Naku, Ynna, kababae mong tao napaka bastos niyang bibig mo." Tamo 'to kala mo naman inosente eh-nahuli ko nga itong nakikipag laplapan kay Wendy eh. Iyong anak nung mayordoma.

Sobrang ganda rin kasi ng babaeng 'yun. Matangkad, sexy, at mahahaba ang mga bente. Malaki rin ang susu ng babaeng 'yun kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya pinatulan ng bugok na'to.

Napakahilig nilang magkakaibigan sa babaeng malaki ang susu.

"Wala kang pake. Ano bang ginagawa mo dito,nhuh?"

Nakatayo ako sa harapan niya at nakapamaywang habang siya naman ay naka upo at nilalantakan 'yong ginawa kong mango float.

Nagpaturo pa ako niyan kay Meika kasi narinig ko paborito daw iyan ng mahal kong señorito.

"Ynna..." Bakit hindi na lang niya sabihin at may pabuntong hininga pa siyang nalalaman.

"Ang lalim nun." Bigla namang nag seryoso ang mukha niya at tumayo saka dumistansya ng kaunti sa akin habang pabalik-balik ito sa kinatatayuan niya at nahihilo na ako sa ginagawa niya!

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon