CHAPTER 10

11.7K 229 3
                                    

Third Person's POV:

Kinabukasan naalimpungatan si Ynna sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng opisina ni Señyorito, nakahiga lamang siya sa long sofa at tanging puting kumot lang ang tumatakip sa hubad niyang katawan.

Kinusot-kusot pa nito ang kaniyang mga mata at nang luminaw ang paningin ay agad nanlaki ang kaniyang mga mata at napa balikuwas siya ng bangon.

Ngunit bigla din itong napabalik sa kinahihigaan ng sumidhi ang kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita at ang buo nitong katawan, parang sinagasaan ng bulldozer ang kaniyang katawan dahil sa nararamdamang sakit.

Pilit inaalala kung bakit siya narito at kung bakit ganito na lamang kasakit ang buo niyang katawan, ano bang ginawa niya?

Kahit masakit ang katawan ay pinilit niyang bumangon at umupo, nanlaki ang mata niya ng biglang dumaosdos ang puting kumot na nakatakip sa kaniya.

Gulong-gulo ang utak niya kung bakit siya naka hubo't-hubad at nasaan ang mga damit niya na suot pa lamang niya kahapon.

Napa lingon siya sa tinted glass door ng opisina ni señorito ng bumukas iyon taranta niyang hinawakan ang kumot at muling tinakpan ang hubad nitong katawan.

"Hi, you must be, Ynna." Bumongad sa kaniya ang babaeng may bitbit na paper bag, siguro nasa 30s na ang edad nito hindi siya kagandahan pero hindi rin naman pangit, sakto lang ang ganda.

"P-po?" Hawak-hawak parin niya ang kumot, lumapit sa kaniya ang babae at umopo sa tabi niya.

"Ang ganda mo palang bata, ako nga pala si, Amanda Torres, secretary ni Señorito Czech Delgado." Anya ng babae at inabot nito sa kaniya ang kaniyang kamay.

"A-ah ganon po ba, ako si ---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin.

"Yeah, I know." Pagkatapos nilang magkamay ay inabot naman sa kaniya ni Amanda ang dala nitong paper bag.

"A-ano po 'to, mam?" Anya at bahagyang itinaas ang hawak na paper bag.

"Damit ang laman niyan." Ngumiti sa kaniya si Amanda at sinipat ang katawan nitong tanging kumot lamang ang takip.

"Sino po pala si, Czech Delgado?"

"Seriously, you don't know him?"
Napakamot na lang si Ynna sa ulo dahil hindi maintindihan ang sinabi nito.

"A-h, mam pasensya na po di ko po kayo maintindihan." Kanina pa talaga 'to ah!

"Si Señorito, 'yong boss ko, natin."

"Ah, si Señyorito Adonis? Alam mo po mam Amanda sayang 'yang si señorito 'no? Napaka sama ng ugali kahit yata nanay niya di niya nirerespeto, pero bawing-bawi naman sa itsura niya napaka guwapo, hehe."

"Señorito adonis? Bakit adonis?" Nagtatakang tanong ni Amanda.

"E, kasi ang guwapo niya e, kaya señyorito adonis ang tawag ko sa kaniya atsaka... sekreto lang natin 'to ah..."

Lumilingon-lingon pa siya sa paligid tinitiyak na walang ibang makakarinig sa kaniyang sasabihin saka nilapit ang bibig sa bandang tainga ni Amanda.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon