Ynna's POV:
WARNING: To my sensitive readers out there if you are not comfortable with this scene and if you find it disturbing you can escape this part and proceed to the next chapter. Violence ahead❗
Nagising ako dahil sa malakas na sampal. Napatabingi ang mukha ko dahil sa lakas niyon, unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nanlalabo ang paningin ko.
May naririnig na rin akong humihikbi sa tabi ko pero diko maaninag dahil malabo talaga ang paningin ko.
Natanto ko rin na naka upo ako sa upoan na gawa sa kahoy nakatali ng mahigpit ang magkabila kong kamay sa likod at nakatali rin ang aking mga paa.
"A-ate Ynna... are you okay?"
"R-riana?..."
Lumingon ako sa bandang kanan at mukha ni Riana ang bumongad sa akin. Punong-puno ng luha ang pisngi niya at walang tigil iyon sa pagtulo.
"N-nasaan si, Rina? Si, jody?" Hindi ko kasi makita.
"TAHIMIK! NANDITO LANG AKO SA HARAPAN NIYO KUNG MAG-USAP KAYO PARANG WALA AKO DITO!"
Napapikit ako ng mariin dahil sa lakas ng sigaw ng kung sino man itong lalaking sa harapan namin.
Siya rin ata ang sumampal sa akin, pag ako nakawala rito di lang sampal ang aabutin nito sa akin!
Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa siya nangisay dahil sa sama ng tingin ko sa kaniya. Pinaningkitan niya ako ng mata at bigla akong sinabunotan kaya napatingala ang ulo ko.
"Oh, my god! Please stop! Don't hurt her! Just... just let us go..." Nag pumiglas si Riana sa kaniyang kinauupoan pero wala siyang magawa dahil pareho lang kaming nakatali ng mahigpit.
"Manahimik ka! Napaka-ingay mo!"
"Ouch!" Hiyaw ni Riana ng sampalin siya nito.
"Napaka ingay niyong dalawa. Ang dapat sa inyo pinapatahimik, kung hindi lang magagalit si, Madame, kanina pa kayo nilalangaw sayang, mukhang masarap pa naman kayo."
May dinukot siyang kapirasong maliit na tila sa kaniyang bulsa. Nakangisi siyang lumapit sa akin at hinawakan ng mahigpit ang mukha ko, ang sakit sa totoo lang siguradong mamamaga ito.
Marahas niyang binitawan ang mukha ko at pumunta sa likuran ko umiling-iling ako ng maramdaman ko ang tila.
Sinabunotan na naman niya ako ng mahigpit at kulang na lang malagas ang buhok ko, ang sakit sa anit.
"Hmmm." Binusalan niya ako sa bibig at tinali iyon sa likod ng aking ulo. Ganun rin ang ginawa kay Riana.
"Ayan. Tahimik na, ha? Lalabas lang ako."
Umalis na siya at tanging kami lang ni Riana ang naiwan. Hindi ko alam kung nasaan sina Jody at Aria, ano kaya ang nangyari sa kanila?
Sana ayos lang sila. Sino ba naman kasi ang nag padukot sa amin wala naman akong ginawang masama sa kaniya. Wala sigurong magawa sa buhay at kami ang napagtripan niya.
Ang sakit ng panga ko, pati ata laway ko tumulo na, ikaw ba naman ang busalan sa bibig.
Mukhang walang kaalam-alam itong si Riana kung nasaan ang kasamahan namin.
Sana talaga ayos lang sila dahil kung may nangyari mang hindi maganda lalo na kay Rina, kawawa naman si Nanang Sabrina nag-iisang anak pa naman nila si Rina.
Pilit kong tinatanggal ang tali sa kamay ko pero ako lang rin ang nasasaktan napaka higpit kasi, siniguro talaga nila na di kami makakawala.
Hindi ko alam kong nasaang lupalop kami ng mundo, hindi ko rin alam kong ilang beses ba akong madudukot. Nung una sa probinsya.

BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
RomanceCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...