CHAPTER 42

9.4K 245 7
                                    

Ynna's POV:

WARNING: SPG|R-18


Wala na akong nagawa ng tuluyan na siyang nakapasok sa loob. Nanginginig ang kamay kong napaatras, biglang kumalabog ang puso ko ng marinig ko ang pag lock niya sa pintuan.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pakiramdam ko kasi naubusan na ako ng sasabihin, hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong nahanap na niya ako.

May parte sa puso ko na masaya ako pero meron ding hindi dahil sa totoo lang wasak na wasak na ako.

Tinalikuran ko siya at akmang papasok ako sa baniyo ng maramdaman kong kinulong niya ako sa kaniyang bisig. Pilit kong tinatanggal ang braso niya sa akin ngunit mas lalo niyang hinihigpitan iyon.

Napatigil ako sa pagpupumiglas ng may naramdaman akong basa na pumatak sa balikat ko. Ganoon na lamang ang pag sakit ng puso ko ng mapagtanto kong umiiyak siya.

Sa buong panahon na nakasama ko siya ngayon ko lang nakitang ganito siya. Totoo nga 'yong kasabihan na kahit gaano katapang ang isang tao ay may kahinaan rin ito.

Kinalas ko ang braso niyang nakayakap sa akin mula sa aking likuran dahil siguro sa emosyon niya ay hindi na niya ako napigilan. Humarap ako sa kaniya habang patuloy sa pagtulo ang luha ko, dalawa kaming lumuluha habang kaharap ang isa't isa.

Mula sa kaniyang pagkakayuko ay inangat niya ang kaniyang ulo, nagsalubong ang paningin namin. Bigla akong naawa sa itsura niya, malamlam ang asul nitong mga mata at halatang pagod ito. Parehong mugto ang mga mata namin dahil sa pag iyak.

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng awa gayong alam kong mas nakakaawa ako kaisa sa kaniya. Pero dahil mahal ko siya nagiging marupok ako.

Inangat ko ang kamay ko at wala sa sariling hinaplos ang pisngi niya. May tumutubo ng balbas sa baba niya at sa pagitan ng kaniyang ilong at labi. Mayron din sa magkabila niyang pisngi.

Lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya at napapikit ng mata na para bang ninanamnam ang palad kong marahang humahaplos sa magaspang niyang pisngi dahil sa balbas nitong unti-unti ng tumutubo.

"A-ano bang ginawa mo? B-bakit mo ba pinapabayaan ang s-sarili mo?... hindi kaba inaalagaan ni... A-Alyssa..." Nabasag ang boses ko. "B-bakit nandito ka?..." Nagmulat siya ng mata at hinawakan ang palad kong patuloy na hinahaplos ang mukha niya.

"Bbaby... I'm ssorry..." Dinala niya ang palad ko sa labi niya at marahang dinampian iyon ng halik.

"Bakit ka nag so-sorry?" Dahil ba nagkamali siya o dahil nasasaktan ako ng dahil sa kaniya.

"Sorry for everything, I'm sorry for what I've done... Patawarin mo ako dahil nahihirapan at nasasaktan ka dahil sa akin..."

Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa paghikbi ko, nahihirapan rin akong huminga.

Bigla akong napahagulgol ng hinila niya ang kamay kong hawak niya at niyakap ako ng mahigpit. Nanginginig ang balikat ko dahil sa tindi ng iyak ko.

Yumakap rin ako sa kaniya ng mahigpit, kahit anong pigil ko sa puso't isipan ko na kalimutan siya ay ayaw nilang mag papigil. Lagi ko parin siyang naiisip, laging siya ang laman ng isip ko kahit anong libang ko sa sarili ko. Laging siya ang tinitibok ng puso ko at isinisigaw nito kahit nasasaktan na.

Totoo nga talaga ang kasabihan na kapag nagmahal ka masasaktan ka, kahit anong iwas mo ay masasaktan ka parin. Na kapag nagmahal ka halos makalimutan mo na ring mahalin ang sarili mo.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon