CHAPTER 35

9.7K 244 4
                                    

Ynna's POV:

WARNING SPG|R-18

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung mangyari ang insedenting iyon, at ngayon nandito ako sa bahay namamahinga kahit ang totoo niyan ay ayos na ang pakiramdam ko hindi nila hinahayaang mag trabaho ako o di kaya'y lumabas man lang ng bahay lalo na si Czech dahil baka mabinat daw ako.

Pinapayagan lang nila akong lumabas kung may kasama ako. Kaya bagot na bagot na ako wala na akong ibang ginawa kun'di ang kumain at mahiga tapos matutulog.

Dalawa lang kami ni Riana ang tao dito sa bahay at dahil sabado ngayon walang pasok sa paaralan si Dodong at sumama na lang siya kay nanay sa palengke pati na rin si tiya, 'yung mga lalaki naman doon sumama kay tatay kasi gusto daw nilang maranasan kung paano manghuli ng isda.

Hanggang ngayon kabado parin ako dahil hindi ko pa nasasabi sa kanila ang dapat kong sabihin dahil pinangungunahan ako ng kaba sa aking dibdib, alam kong mali ang magsinungaling pero kailangan ko muna ito sa ngayon, sasabihin ko rin naman hindi lang ako handa.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa aking papag at lumabas na ng silid, naabutan ko si Riana na nilalantakan ang puto bumbong na binili ni tiya kahapon.

Ang dami niyang binili at kakaunti lang ang natira dahil nagustohan nila iyon pero si Czech mas gusto daw niya 'yong bibingka. Iwan ko ba sa tuwing binabanggit o nababanggit ko ang bibingka iba ang pumapasok sa utak ko nagiging mahalay na yata ako ng dahil sa lalaking 'yon.

Sa sobrang aliw ni Riana sa pagkain ng putobumbong ay hindi niya yata ako napansin, para siyang tanga sa ginagawa niya naka headset kasi ito tapos may kung anong pinapanood sa selpon niya habang kagat-kagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi.

Literal na nanlaki ang mata ko ng dumapo ang palad nito sa kaniyang dibdib at marahang hinimas iyon, jusko anong ginagawa niya! Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at siniguradong walang tunog ang bawat hakbang ko.

Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya ay sinilip ko kung ano bang pinapanood niya at ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko kung ano iyon. Nanonood siya ng bold! Hala, kay bata-bata naku!

"Riana!" Nilakasan ko ang sigaw ko malapit sa taenga niya na ikinalaki ng mata nito at nilingon ako, umawang ang labi niya at sobrang pula ng mukha niya para na rin itong maiiyak.

"Oh, my god! N-no! Mali 'yong nakita mo!"

Taranta siyang tumayo at bigla niyang nasage ang kaniyang selpon kaya nahulog iyon at dahil nakasaksak ang headset niya ay kusa iyong nabunot sa pagkakasaksak at bumagsak iyon kaya rinig na rinig ko ang bawat ungol na nanggagaling doon.

"Ako ba'y niloloko mo ha!" Kunwari galit 'yong boses ko para masindak siya.

"Oh, my god. Please huwag mong sabihin ito sa kanila kun'di mananagot ako!" Nanginginig ang kamay niyang pinulot ang selpon at pinatay iyon.

"Bakit naman kasi nanonood ka ng ganiyan? Ka babae mong tao tapos masyado kapang bata para panoorin 'yan." Kinuha ko ang tasang pinagtimplahan niya ng kape at humigpo doon.

"Pwe! A-ang init!" Putangina naman kasi bakit ang init! Napaso tuloy ang dila ko.

"Hay naku naman, Ate Ynna kita mo na ngang umuusok pa bigla mo na lang nilagok." Inirapan ako ng malanding bata nakangiwi ito habang pinagmamasdan ako.

Aist! Ang hapdi ng dila ko kainis naman oh. Kumuha ako ng isang baso ng tubig at ininom iyon padabog akong naglakad papunta sa may bintana at umupo sa pahabang upoan na gawa sa kahoy.

Umihip ang malamig na hangin at tumama iyon sa mukha ko, napatingin ako sa karagatan at napaisip kung saan na kaya ang narating nila kanina pang alas kuwatro ng umaga sila pumalaot at ngayon ay mag a-alas dose na ng hapon wala parin sila tirik na tirik pa naman ang araw.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon