Ynna's POV:
Pagka parking pa lang namin ay bumaba na kami ng sasakiyan para lang akong tanga na nakasunod sa kanila.
"Nasaan ba tayo?" Tanong ko kay Enrage at kinalabit ko ito sa likod dahil nga ako 'yong panghuling naglalakad.
"Sa mall tayo pupunta." Hindi man lang ako nilongon.
"Anong gagawin natin sa mall?"
Kahit naman ganito ako alam ko parin ang salitang mall dahil noong nasa probinsya pa ako at si Tiya naman ay nagtatrabaho sa mansyon ay naisipan niyang umuwi nung nagkasahod siya at pinasyal kami sa mall.
"We're here." Napabaling ang tingin ko kay Franz nang mag salita ito.
"Good afternoon po mga sir." Base sa ngiti ni kuyang guard ay kilalang-kilala niya ang tatlong ito.
"Good afternoon din, Kuya Roman." Halos sabay-sabay nilang pagbati sa guwardiya.
"Sino 'yang kasama niyong diyosa?" Napatingin ako kay Kuya Roman at bahagya itong nakatingin sa akin, ngumiti ito sa akin at ganun rin ang ginawa ko.
"Czech's woman." Tamad na sagot ni Wave.
"Aba, mukhang iba na ata ang tipo ni Señorito. May gatas pa sa labi." Sabay tawa ni kuya Roman na siyang sinabayan ng tatlo, pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanila dahil naguguluhan ako. Bakit sila tumatawa?
"Anong pangalan mo ening?" Napalingon ako sa kanan at kaliwa baka hindi ako ang tinanong niya pero wala namang tao bukod sa kaming apat lang at pang lima si Kuya Roman.
"Ako po?" Sabay turo ko sa sarili at lumingon pa sa likod baka may nakikita si Kuya Roman na hindi ko nakikita, katulad na lang ni señorito.
"Oo, may iba pabang diyosa dito?" Yay! Kinikilig ako, tinawag niya akong diyosa.
"Eh, hindi po kasi ako si ening. Ako po si Ynna." Napatampal na lang sa noo si Enrage at naiiling.
"Pagpasensyahan niyo na lang, Kuya Roman slow kasi 'yan." Natatawang anya ni Wave na ikinangiti naman ni Kuya Roman.
"Kaya pala. Oh, siya pumasok na kayo." Sabay tulak nito sa glass door.
Pumasok na nga kami at bigla akong nalula sa laki nitong mall, grabe. Swerte siguro ng may-ari nito laki ng kikitain niya rito. Umikot-ikot pa ako upang tingnan ang paligid.
Nang mapatingin ako sa mga kasama ko ay medyo malayo na ang distansya nila sa akin, bigla akong napatakbo patungo sa kanila. Pasakay na sila sa hagdan na umaandar pataas diko alam anong tawag dito eh, nakalimutan ko.
Sumakay na rin ako at nakipag siksikan sa mga babaeng parang linta na binudboran ng asin kung kiligin.
Nag papapansin pa ang mga ito sa kanila at dahil literal na malandi ang tatlo ayon nakipag chikahan ang mga ito may pakindat pang nalalaman hindi man lang nila napansin na wala ako sa tabi nila.
Nang makarating na kami sa tuktok ay humakbang ako ngunit muntikan na akong mapasubsob tang ina kasing hagdan 'to ipapahiya pa ako.
Napatingin ako sa mga nakasabay ko at ganoon na lamang ang hiyang aking naramdaman ng pagtawanan nila ako, kasama na roon ang tatlong malalandi ang sasama nila mga walang kuwentang kasama.
Lumapit sa akin si Enrage at inakbayan ako saka sabay kaming naglakad sinamaan ko pa ito ng tingin at ang gago kinindatan lang ako kala mo naman guwapo, mas guwapo naman si señorito.
Napatigil kami sa paglalakad ng may humarang sa daraanan namin. Pakiramdam ko nakakita ako ng anghel na bumaba sa lupa grabe mga prends kay gandang bata.
BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
RomanceCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...