CHAPTER 31

9.3K 264 10
                                    

Ynna's POV:

WARNING: SPG|R+18

Nang mag-sawa kami ni Riana sa tanawin ay naisipan na naming umuwi dahil magtatanghali na pala at hindi na namin iyon napansin dahil bukod sa masinsinan naming usapan ay sobra kaming nalibang sa dagat.

Hindi pa kami nakarating sa bahay ay tanaw na namin ang umuusok na pinag iihawan ni Tiya at Nanay.

Pagkalapit palang namin ay agad nanuot sa ilong ko ang mabahong amoy ng sibuyas at luya na nilalagay ni Nanay sa iniihaw nilang isdang bangos.

Masarap kasi talagang mag ihaw ng bangos lalo na pag nilagyan mo ng ginisang sibuyas at luya iyong bandang tiyan niya at iyon rin ang pinaka paborito kong parte ng bangos.

Pero ngayon ay nagtataka ako dahil noon naman ay sobra akong nababangohan sa amoy niyon pero ngayon tila bumabaliktad ang sikmura ko at gusto ko ng magduwal.

Nang hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko ay dali-dali akong napatakbo sa likod ng bahay at doon nagsuka ngunit tanging laway lang ang lumalabas sa bibig ko.

Medyo napaigtad pa ako ng may naramdaman akong kamay na banayad na hinahaplos ang likuran ko.

Agad ko rin nakilala kung kaninong presensya iyon dahil sa tibok ng puso ko at wala ng ibang lalaking nagpapatibok nitong puso ko na ganito kabilis kun'di si Czech.

Pakiramdam ko hinang-hina na ako dahil sa pagduduwal na puro laway lang naman.

Kung hindi lang nakasuporta sa akin si senyorito ay talagang matutumba na ako dahil gusto ng bumigay ng magkabila kong tuhod.

Nang matapos ako sa pagduwal ay agad akong inabotan ni senyorito ng isang basong tubig.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanging tango lang ang naisagot ko sa kaniya ng matapos kong inumin ang tubig.

"Gusto mong dalhin kita sa ospital?" Bigla akong napatayo ng tuwid ng marinig ko ang katagang iyon.

"H-hindi na po se-senyorito... mawawala n-narin 'to." Bigla naman akong kinabahan ng mapatiim bagang siya sa sinabi ko.

May mali ba doon? May hindi kaya siya nagustohan sa sinabi ko?

"Mula ngayon... Czech na ang itatawag mo sa akin." Walang emosyon nitong sabi na mas lalong ikinalakas ng kabog ng dibdib ko at nagtataka.

"P-per--"

"Naiintindihan mo ba ako. Ynna?" Napaatras ako ng ilapit niya sa akin ang mukha niya.

"O-opo... s-senyo-- Czech..." Napapikit ako ng yumuko siya sa leeg ko at naramdaman ko doon ang labi niyang hinahalikan ang leeg ko, napadaing ako ng sipsipin niya iyon at pinaglandas doon ang mainit niyang dila.

"Ate Ynna! Where are you?!" Bigla kong naitulak si Czech ng marinig ko ang matinis na boses ni Riana.

"N-nandito ako..." Napalingon sa gawi namin si Riana at nangingislap ang mga mata sa panunukso.

"Oh, kaya pala. By the way, Kuya Czech hinahanap ka ng mga kaibigan mong siraulo, tulungan mo daw sila."

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko ng balingan ako ng tingin ni Czech at walang alinlangan ako nitong hinalikan ng madiin sa labi bago niya kami talikuran at muling nagtungo sa mga kaibigan.

"Oyy! Masarap ba?" Napabalik ako sa ulirat dahil sa tanong iyon ni Riana.

"M-manahimik ka nga diyan." Kunwaring tumingin-tingin ako sa taas ngunit ganoon na lamang ang takam na sumalakay sa akin ng makita ko ang pulang-pulang bunga ng makupa, siguradong hinog na hinog na ang mga ito.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon