CHAPTER 7

10K 244 0
                                    

Third Person's POV:

Pagkatapos ipaliwanag ng kaniyang Tiya na ito ang magiging kwarto niya ay iniwan na siya nito sa loob ng kuwarto atsaka magkatabi lang naman daw ang kanilang silid.

Ang silid ng mga katulong ay nasa first floor at tig-i-isa rin sila ng kwarto dahil 'yun daw ang gusto ng kanilang amo.

Naglakad si Ynna at nilapitan ang kaniyang kama tamang-tama lang 'yun sa isang tao, umupo siya roon at muntik ng mapahiga sa biglaan niyang pag-upo.

Masyadong naman kasing malambot ang kama, akala niya ay magkapareho lang ito at nung higaan niyang papag sa kanila, akala niya magkasing tigas lang hindi pala.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at tinanggal ang sapatos, nakalimutan niyang tanggalin 'yun kanina, paano kung mapagalitan siya atsaka mabuti na lang at hindi siya nakaapak ng tae ng aso baka magkalat pa siya, lagot na.

Pagkaalis niya sa kaniyang sapatos ay agad siyang sumampa sa kama at nag tatalon-talon para siyang batang tuwang-tuwa dahil sa lambot ng kaniyang hihigaan.

Nang magsawa siya sa kakatalon ay agad naman itong lumundag pa higa sa kama at gumulong-gulong. Ang sarap sa pakiramdam, ang tagal na rin niyang pinangarap ang magkaroon ng ganito kalambot na higaan at natupad naman ngunit panandalian lang.

Ang swerte talaga ng mga mayayaman lahat ng gusto nila nakukuha nila ng walang kahirap-hirap.

Pagkatapos niyang pagsawaan ang kama ay kinuha naman niya ang kaniyang bag na naka salampak lang sa sahig at binuksan 'yun, muli niyang nilinga ang paningin sa loob ng silid at napangiti siya ng makita ang maliit na cabinet.

Naglakad siya patungo roon dala ang kaniyang malaking bag, binuksan niya ang cabinet at napa-wow naman ito dahil kahit maliit lang 'yun ay hindi maipagkakaila ang ganda.

Kinuha niya ang mga damit mula sa malaking bag at nilagay 'yun sa cabinet, sa bawat palapag ng cabinet ay nilalagyan niya 'yun ng damit, ang kaniyang t-shirt, patalon, pajamas, at sa baba naman ay ang kaniyang bra at panty, lahat 'yun ay nakatupi.

Nang matapos niyang ayosin ang mga gamit ay nilagay na rin niya ang bag sa loob ng cabinet saka sinarado 'yun at muling nag tungo sa kama humiga siya roon at pumikit.

Naalimpungatan si Ynna ng maramdaman niya ang pagtampal sa kaniyang pisngi, nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay bumungad sa kaniya ang kaniyang Tiyahen na naka pamaywang.

"Bumangon kana d'yan, Ynna at nang makakain kana, alas dyes y media na ng umaga."

Oh, diba kahit lagi silang nag babangayan ng Tiyahen ay may malasakit din naman ito sa kaniya, bumangon siya at umupo sa gilid ng kama at kinusot-kusot ang magkabilang mata.

"Mag hilamos ka na muna ng mukha may tuyong laway kapa, oh."

Agad naman niyang sinunod ang kaniyang Tiya, nagtungo na ito sa baniyo at binuksan ang kulay puting pinto pansin niyang puro na lang puti ang karamihang desinyo ng mansion na ito.

Bumongad sa paningin ni Ynna ang malinis na baniyo, hindi 'yun kalakihan at hindi rin maliit, tamang-tama lang.

'Grabe naman pati ang baniyo kulay puti tapos napaka linis pa, huhu kagandang banyo!"

Sabi niya sa kaniyang sarili pagkapasok niya, nagtungo siya sa sink at tiningnan ang sarili sa salamin nilapit niya doon ang kaniyang mukha at sinuri ng maayos.

"Tsk, tsk. Kahit kailan talaga itong si, Tiya napaka kontrabida, wala naman talaga tuyong laway sa mukha ko." Naiiling niyang sabi.

"Ay! H-hala... Tiya pa'no ito!" Taranta niyang sigaw ng paandarin niya ang gripo ng tubig. Kahit anong pigil niya rito ay maslalo pa itong umaagos.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon